Chapter 18
"Hindi po ako baliw. Hindi ako baliw para kitilin ang sarili ko, kundi sa mga taong nakapaligid sakin. Palagi kong iniisip ang iniisip nang iba, palagi kong iniisip ang mga sasabihin nila. nang araw na 'yon na puno ako ng takot, sakit at galit. Galit sa sarili kong bakit hindi nila ako magustuhan, galit sa mga tinuring kong kaibigan kung bakit nila na gawa sakin 'yon at sakit na walang taong pwedeng making sa problema ko." Ang mga luha kong pinipigilan ko ay tuluyan nang tumulo.
Ang sakit-sakit. Sobrang sakit na gaguhin nang mga tinuring mong kaibigan at sisirain ka sa huli. Mga kaibigan mo na akala mo totoo pero sinisiraan ka rin pala sa iba.
"Ano-ano ang mga naramdaman mo?" tanong ni doctora na nakatingin sakin, "-I mean paano mo ginawa ang o kinontrol ang sitwasyon?"
Nang araw na 'yon. Hindi ko na nakontrol,
"Wala po akong control na ginawa. Hinayaan kong lumabas ang tunay kong galit, hinayaan ko sabihin ko ang totoo kong nararamdaman at labanan sila pero wala eh. Kasalanan ko pa dahil pinatulan ko sila, kasalanan ko pa na sinagot-sagot ko sila," pinunasan ko ang luha ko.
Hindi dapat ako umiiyak. Dapat maging matapang ako, dahil once na Makita nila akong umiiyak sigurado akong tuwang-tuwa sila. Sigurado ako na nag sasaya sila ngayon.
"Nang panahon na 'yon, pinili kong lumayo sa kanila pero at the end. Ayun. Haha," natawa ako habang inaalala ang nakaraan at pambibilog na ginawa nila, "Ginawa nilang dahilan ang paglayo ko sa kanila. Pinalabas nila na sinisiraan ko sila sa iba, kahit sila naman talaga ang sumisira sakin. Pinagkakalat nila nang maling information para pandirian ako nang iba. Sabi pa nga nila na kaya ko daw sila sinisiraan dahil para makuha ako nang simpatya, binaliktad nila ako. Ako ang ginawa nilang masama,"
"Monica, be calm. Inhale, exhale," ginawa ko ang sabi nang doctor bago pinunasan nang kamay ko ang mukha ko.
"Bibigayn kita nang payo. Try to focus sa ibang bagay, ano ba ang hobbies mo?" tanong ni doctora.
Isa lang naman ang pinakahilig ko. Ang mag sulat nang kwento. Mga nobelang hindi basta-basta, dahil tunay na buhay ang ginagawa ko at sa mga pinapakiramdaman ko.
"mag sulat po," sagot ko.
"Oh, that's good! Try to write. Doon mo ibuhos ang atensyon mo, bukod sa makakagawa ka nang maraming novels ay maexpress at mababantaan mo rin ang iba." Tama.
"Diba ang sabi mo, walang nakikinig sa side mo kaya ang nangyari ay ikaw ang naging masama sa paningin nang iba. Then write, ija. Isulat mo ang mga bagay na hindi mo na sabi at hindi nila kayang pakinggan. Siguradong gagaan ang loob mo," nakangiti niyang sabi bago tumango.
Hindi naman masamang mag simula ulit. Nandito na ako, ito nalang ang tangi kong makakapitan sa ngayon.
Tumango ako kay doc bago ngumiti, "Gagawin po doc. Pero natural lang po ba ang pag-iisip ko na paiba-iba, negative-positive-negative. Hanggang sa huli ko na magagawa ulit dahil sa gulo nang utak ko?"
Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko. Kung normal pa ba ako, o hindi na. ang dami kong na iisip na mga bagay-bagay. Sa sobrang dami dumarating na ako sa point na negative na mapupunta ang pag-iisip ko.
"Yes, natural lang sa isang tao ang magulo ang isip ija. Pero sa kalagayan mo, you're pressured sa lahat nang bagay, mula sa bagay, school at friends. Nasa under ka pa rin naman nang shocks sa nangyayari peor asahan mo, na mawawala rin yan. Just focus on writing. Mag tiwala ka't daratong agad yun." Mahaba niyang sabi bago lumabas ang maganda niyang ngipin.
Ilang payo pa ang sinabi niya. Natuwa naman siya na nalaman nan aka-focus ako sa aso na alaga ko ngayon at sa ibang bagay. Kahit papaano'y kumalma ang sarili ko, mula sa pag iisip nang kung ano-ano.
Kahit papaano'y nawala ang negativity sa utak ko unlike nang mga nakaraang araw. Lumuwag din ang hininga ko na kahit papaano'y na sabi ko ang problema na dinadala ko sa dibdib ko.
Lumabas na ako nang kwarto at agad na sumalubong sakin si mama't tita.
Parehas silang naka-upo habang taimtim na nag hihintay sakin. Dumating nga si mama, ibig sabihin nag aalala siya sakin.
Sa totoo lang kanina ay natatakot ako umalis siya, dahil baka mamaya ay hindi nanaman siya mag pakita sakin. Hindi ko nanaman siya Makita pero ngayon nandito na siya.
Kasabay nang pag luwag nang dibdib ko ay nakahinga ako nang maluwag nang Makita si mama dito.
"Ma," tawag ko sa kanya.
"Monica," tawag niya sakin bago tumayo mula sa kina-uupuan nila. Lumapit ako sa kanila bago niyakap si mama nang mahigpit at ngumiti kay tita.
"Akala ko hindi ka makakarating," nag tatampo kong sabi bago na upo sa isang upuan. Lumapit naman si tita sa desk nang nurse bago pumasok sa loob nang kwarto.
Kukunin daw ang mga gamot na irereseta nang doctor pati na rin kung ilang session pa ang kailangan naming ipunta dito.
"Ayos ka lang ba? Nag sabi ka ba nang totoo?" tumango ako bago ngumiti kay mama.
Malungkot pa rin ako, aalis si mama, wala akong kaibigan, pero iba pa rin pala pag nailabas mo ang sakit at hinanakit na nasa loob mo.
"Ang sabi po sa'kin ay i-try ko daw pong bumalik sa hilig ko sa pagsulat. Maexpress ko daw po nang maayos ang hinanakit ko doon, pati mapupunta na rin ang focus ko doon po," kwento ko kay mama.
Sumakay na kami sa sasakyan, habang hinihintay si tita na lumabas mula sa clinic.
"Maganda 'yan, gusto mo bilhan kita nang bagong laptop para sa pagsusulat mo?" tanong ni mama.
May laptop pa naman ako pero matagal na 'yon, pero,
"Ayo slang po ma. Idagdag niyo nalang po sa allowance niyo sa ibang bansa, sa susunod nalang po ako mag papabili," nakangiti kong sabi bago niyakap ulit si mama.
Ngayon lang naging ganito si mama. Para sa kanya kasi dati ang pagsusulat ko ay walang kwenta, sayang sa oras kaya naman mas pinipili ko nalang nalikuran ang hilig ko at nag focus sa pag-aaral.
Atleast kahit papaano'y maging proud din siya sakin. Maging proud siya sa ginagawa ko't isipin niya na hindi nasasayang ang pagod niya sakin mas lalo na sa pag paaral mag isa.
ILANG sandali lang ay pumasok na rin ay bumalik na si tita sa sasakyan. Bitbit ang iilang box nang tablets bago inabot sakin.
"Good job, Monica." Sabay approved niya.
Ngayon kahit papaano'y nararamdaman ko na naging proud sila sakin at later on ipapakita ko sa lahat nang mga nag sasabi na hindi ko kaya mag improve na mali ang iniisip nila.
Dahil ako si Monica Esquibel.
Ang minsan nang pinag tangkaan ang buhay, ngayon ay babangon at magiging matatag sa lahat nang problema na kakaharapin pero bago 'yon,
"Ma, gusto ko pong tapusin muna ang sem ngayon at next sem papayag na po akong lumipat," nakangiti kong sabi. Dahil hindi pa ako tapos.
Hindi ko iiwan ang problema kong nakatiwangwang at lilinisin ko ang pangalan ko. Sisiguraduhin ko na hindi lang ako ang aalis, kundi pati na rin ang mga taong minsan nang sumira sakin.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
Teen FictionSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...