"You never look good trying to make someone else look back." -Anonymous
Chapter 1
"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong gawin sa'kin 'to Harold!"
Pagmulat ng mata ko, sigawan na mula sa baba ng bahay narinig ko. Ang galit na sigaw ni mama ang palaging gumigising sa'kin. At ang papa ko na laging nahuhuli na may kasamang iba't-ibang babae.
Ganito ang laging kinagigisingan kong pamilya, minsan ay halos ayaw ko nalang umuwi sa hirap at pag-iisip na kung anong klaseng buhay ba ang meron ako ngayon. Minsan naiisip ko na siguro may masama akong ginawa sa kapwa kaya ako humantong sa ganito.
Wala na akong magagawa. Isa nalang ang nasa isip ko, ang grumaduate at makaalis sa bahay na 'to, isa na rin ang maging proud silang dalawa sa'kin.
Nag-umpisa na ako mag-ayos ng mga gamit ko, pati na rin ang sarili ay hinanda ko na sa paglabas ng kwarto ko. Baka mamaya paglabas ko ay may bumubulusok na naman na mug sa pwesto ko, who knows?
"Ma, alis na po ako" paalam ko kay mama pagbaba ko mula sa kwarto. Medyo huminto na ang away nila, parehas silang malayo sa isa't-isa at hindi nagpapansinan.
Mas mabuti na rin 'to kesa nakikita ko sila sa mismong harap ko na nag-aaway at nagbabatuhan ng kung ano-ano. Minsan pa naman ay nanginginig ang katawan ko sa tuwing nag-aaway sila, siguro sa trauma dahil simula bata nakikita ko na silang nag-aaway.
"Sige, mag-ing" parehas kaming nagulat ni mama ng isang malakas na ingay ang nang galing sa kusina. Agad akong pumunta doon at sumalubong sa'kin si Papa na galit.
Gusto kong tumakbo, habang papalapit siya pero hindi ko magawa. Nanginginig ang buong katawan ko sa nakikita ko, kasabay ng mga kalampagan ng gamit na pinaghahagis ni papa.
"P-pa, masakit po" naiiyak kong sabi. Hawak niya nang mahigpit ang balikat ko, halos magusot na rin ang uniform na plinantsa ko kagabi.
"Ganyan ba ang turo ng magaling mong ina sayo, Monica?!" nangangalaiti niyang sigaw. Mas lalo niya panghinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko, pakiramdam ko'y hindi niya 'yon bibitawan hangga't hindi nanaman nag-iiwan ng malaking pasa sa katawan ko.
"Please, papa bitawan niyo p-po ako" namimilipit na ako sa sa'kit, rinig ko ang pagsigaw ni mama pero walang ibang magawa ang mga sigaw n'ya.
Hindi pa rin tumitigil si Papa.
"Bakit takot ka sa'kin hah!?" tumango ako. Takot na takot ako sa'yo pa.
Sa tuwing nag-aaway kayo ni mama, sa tuwing naririnig ko ang sigaw mo't boses kinakabahan na ako. Iba ang impact ng bawat kalabog na ikaw ang gumawa, dahil ang unang pumapasok sa isip ko'y mananakit ka nanaman.
Yan ang gusto kong sabihin pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko, dahil sa takot na baka kung ano ang pwede niyang gawin sa'kin.
Papa ko s'ya at anak lang ako, wala akong maipagmamalaki sa kanya dahil sa kanila pa ako umaasa.
"Buti ng may takot ka sa'kin!" kasabay ng pagtulak niya sa'kin.
Pinunasan ko kaagad ang luha ko, ang sakit ng balikat ko pero ang sakit ng puso ko.
Pakiramdam ko ay hindi talaga ako mahal ni papa, kung sabagay sino nga ba naman ako hindi ba?
Isa lang akong anak ng kabit.
Pinakiramdaman ko ang balikat ko, mamaya ko nalang titignan kapag nasa school na ako. Buti pa sa school, pwede akong tumawa at sumaya kahit panandalian lang.
N-nanginginig ang kamay ko na dinampot ang bag ko sa sahig, "M-ma, alis na po ako"
Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Mama, lumabas ako ng bahay at bumungad sa'kin ang mga chismosang naghihintay na bumukas ang pinto ng bahay namin.
Isa pa sila, mga walang magawa sa buhay! Mga taong walang ginawa kundi ang maging CCTV sa buhay ng iba.
"Anong nangyari, Monica?" tanong ng isa na dala pa ang sanggol na anak para makichismis. Umiling lang ako at tumakbo papalayo.
Sigurado mamaya pag-uwi ko ay may kung ano-anong kwento nanaman ang malalaman ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lugar namin, wala rin naman pagbabago 'yon sanay na ako.
Walang tigil kong pinupunasan ang mukha ko, nakayuko lang akong naglalakad para walang ibang makapansin. Ganito ako, palaging masaya pagkasama ang iba pero hindi naman talaga.
Katulad ng araw-araw, sumakay ako ng jeep papuntang school.
Kailangan ko nanaman ngumiti sa harap ng mga classmate at kaibigan ko para hindi sila mag-alala sa'kin.
Ganito ako lagi, sa tuwing kaharap ang iba pinipilit ko maging masaya at enjoyin ang buhay ko pero at the end may takot at lungkot pa rin sa puso ko.
Ilang oras din akong nasa byahe bago makarating sa school. Isang semi-private ang pinapasukan ko, buti na nga lang ay may pinatupad ng batas na ngayon ang libreng matrikula kaya kahit paano'y nabawasan ang alalahanin ko sa pera.
Kaya kahit may kalayuan sa'min ay tinitiis ko ang byahe. Ayaw ko madisappoint si mama, alam kong ako nalang ang inaasahan niya.

BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
Teen FictionSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...