"Maybe death hurt less than life." -anonymous
Chapter 5
Nakayuko akong pumasok sa room, hawak ang kabilang kamay ko na may kaunting hiwa na ginawa ko kagabi.
Ang sarap sa pakiramdam na saktan ang sarili, habang emosyanal ka rin na nasasaktan dahil sa iba.
Hindi mo maramdaman ang tunay na sakit sa ginagawa mo sa katawan, dahil mas nanaig pa rin ang sakit sa dibdib mo.
Gusto kong iiyak lahat, lahat ng sakit na nararamdaman ko pero walang lumalabas sa mga mata ko. Naiipon lahat sa dibdib ko, kinikimkim ko ang lahat ng galit, sakit at puot sa buhay ko.
Dagdagan pa ngayon na wala akong kaibigan na pwedeng lapitan, wala akong mapagkatiwalaan sa lahat ng problema ko.
Pakiramdam ko mababaliw na ako, pakiramdam ko ang sarap tapusin ng buhay ko.
"Grabe! Ang lakas manira ng iba" salubong sakin ni Rose.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa tabi ni Beri.
Wala akong balak na tumabi kela Rose, hindi pa ako okay at pakiramdam ko mas lalo lang ako na stress.
"Be, may narinig ako kanina na sinisiraan mo daw sila Rose." Nag-aalala na sabi ni Beri sakin ng tuluyan na akong makaupo.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kalian pa?
"Huh? Kalian?" nagtataka kong tanong sa kanya bago inayos ang sarili na humarap sa kanya.
"Matagal na daw. Yun daw ang rason mo kung bakit ka lumayo sa kanila, kaya ka namin ipaglaban pero gusto namin malaman kung totoo ba ang sinasabi nila."
"Walang katotohan ang kinakalat nila. Una, paano ko sila sisiraan kung sila lang naman ang lagi kong kasama. Pangalawa, hindi ako ganong tao hindi ko kaya mang-apak ng iba. At panghuli, lumayo ako sa kanila dahil nalulungkot at may problema ako na sinasabayan nila." paliwanag ko sa kanya.
Hindi naman ako gano'n klase ng tao. Once na tinuring kitang kaibigan, ituturing ko na ring kapatid ko sa ibang ina. Hindi ako katulad ng kapitbahay namin, ayaw ko gawin sakin kaya ayaw ko rin gawin sa iba.
"Sabi sa'yo eh!" sabi ni Jhasper na pumunta sa pwesto namin.
"Hindi niya magagawa 'yon, tsaka kahit saan tignan mali sila sa ginawa nila."
"May ano ba?"tanong ko.
Bat may issue ako na hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, bat may ganitong nangyayari ngayon?
"Sinabihan mo daw silang bobo, nagbibiro lang naman daw sila." Sigaw ni Jhasper kunin ang atensyon ng iba.
"Diba, sinisiraan niya kami" sagot ni Bea.
Masama siyang nakatingin sakin ganon na din ang iilan naming mga kaklase na malapit sa kanya.
"Kaya pala walang kaibgan yan dahil ganyan ugali" sabi ni Kath. Kaklase namin.
"Kailan ko kayo siniraan?" kalmado kong tanong sa kanya.
Napipikon na ako, una pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Ngayon naman gagawan ako ng walang katotohanan na kwento.
"Pakunwari ka pa, wag ka ngang painosente!" tili ni Bea. Tuluyan ng naagaw ang atensyon ng lahat ng nasa klase.
Tumingin ako sa kanya ng kalmado, nakaramdam nanaman ako ng sakit sa dibdib ko.
"Wala naman talaga akong ginagawa sa inyo. Kayo lang naman ang nagpapalabas ng kung ano-ano na tungkol sa'kin." Sagot ko.
Hindi ko na kaya manahimik, hindi ko na kaya pangmagtiis sa mga ginagawa nilang paninira sakin.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
Teen FictionSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...