Chapter 14
Habang bitbit ko ang aso kong si Meowmeow sa mga kamay ko ay marahan akong pumunta sa malapit sa pinto.
Sa tingin ko ay luto na ang tinola ni tita, at ako nalang ang hinihintay niya.
Ang laki nang bahay niya, pero siya lang mag isa. Si tita ay nag ka-pcos dati, mga bukol sa ovary na naging dahilan para hindi na siya magka-baby at mas pinili nalang maging mag isa kahit mag asawa.
Kung mag aasawa pa naman siya ay mas iniisip ni tita nab aka iwan din siya, dahil sa hindi niya kayang bigyan nang anak ang magiging asawa niya.
"Aakyat palang sana ako para tawagin ka," nakangiting sabi ni tita habang nilalapag sa hapag ang mga pagkain, "pero mas mabuti nang bumaba ka at dala mo si..."
"Meowmeow po," sabi ko habang nakangiti.
"Si Meowmeow, para makakain na rin siya," tumango ako at nilapag si Meow sa sahig.
"Ang weird nang pangalan nang aso mo 'meowmeow' pero aso?" natatawang sabi ni tita.
"Cute naman po," natatawa ko ring sabi.
Kahit sino naman ang mawe-weirdohan sa pangalan nang aso ko. Kung sabagay ay weirdo din naman ang amo niya kaya hindi na nakakapag taka.
Nag umpisa na kaming kumain ni Tita, habang ang alaga ko naman ay nasa sahig at kumakain din nang sa kanya. Kakarating lang pala nang alaga ko at dinilever lang kanina nang mismong shop.
"Oo nga pala, pamangkin," napataas ako nang dalawang kilay ko nang bigla akong tawagin ni Tita.
Binaba ko ang kutsara't tinidor ko, patapos na rin akong kumain at kahit papaano naman ay umaayos ang pagkain ko.
"Kailangan natin pumunta sa psychotherapist, sa susunod na lingo. Alam mo naman ang kalagayan mo di'ba, kailangan mong gumaling para sa mama mo," paalala ni tita.
Psychotherapist?
Baliw na ba ako para ipunta nila ako sa doctor ng mga baliw. Gano'n ba kalala ang ginawa ko sa sarili ko para dalhin ako at doon mag pa gamot.
"Tita, bakit po doon?" hindi naman ako baliw.
Alam ko ang mga ginagawa ko, pati na rin ang mga nangyayari sa'kin. At dahil yun sa mga tao na walang ginawa kundi ang pabagsakin ako, mga taong hinihila ako pababa.
"'yon ang recommended nang doctor mo nang nakaraan, kung saan ka gagaling doon tayo pupunta," diretso na sabi ni tita.
Napabuntong hininga nalang siya bago binaba na rin ang kutsara't tinidor niya bago hinawakan ang kaliwang kamay ko bago ngumiti. Ngiting totoo pero halata din sa mga mata niya ang pagod.
"Kung iniisip mong baliw ka dahil dadalhin ka naming doon, you're wrong Monica. Dadalhin ka namin doon para magamot ka, ang depression ay hindi basta sakit, alam mong pwede kang mamatay. Hindi sa virus, kundi sa sarili mong iniisip," tumingin ako sa kamay naming ni tita.
Parehas sila nang kamay ni mama, pero ang sa kanya ay mas malambot pero maugat.
"Tita," banggit ko sa pangalan niya pero umiling lang siya.
"Binili ko si Meow para sa'yo, para hindi ka nag iisa. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari sa'yo, pero halata naman sayo na hindi mo pa kaya mag open up sa mga tao na nasa paligid mo kaya hindi kita pipilitin," muling siyang bumuntong hininga at sinandal ang likod niya.
Simula nang mahospital ako ay si tita na madalas ang laging nandito sa'kin, habang wala si mama sa tabi ko ay siya naman palagi na nag babantay sakin.
"Sana lagi mong isipin, ang gusto naming nang mama mo ay gumaling ka at magkaroon nang maayos na buhay," tumango-tango ako.
Alam ko naman 'yon, pero nakaraan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit naman ngayon ay hindi ko pa rin ma intindihan ang na iisip ko.
"opo, tita, papaya lang po ako kung na sa tabi ko rin si mama," malungkot kong sabi.
Napayuko nalang ako at nag umpisa nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko.
Ilang araw ko na kasing hindi na kikita si mama. Kahit sabihin na nasa paligid lang siya, gusto ko pa rin siya Makita. Gusto ko mag sorry dahil sa ginawa ko, gusto ko mag sorry dahil sa na isip kong solusyon sa problema ko.
"pero, monica," umiling na ako bago tumayo.
Alam kong ang bastos nang ginawa ko, nag uusap pa kami pero tatayo na ako. Gusto ko Makita si mama, kung gusto talaga ako ni mama gumaling ay sana nandito siya sa tabi ko. Hindi yung nag tatago sa malayo o iba ang uutusan ang iba para bantayan ako.
"iyon po ang desisyon ko tita. Gusto ko pong kasama si mama na pumunta sa psychotherapist, kung gusto niyo po talaga ako gumaling sana po nandito siya," sabi ko bago dinampot si Meowmeow sa sahig na sinisimot ang lalagyanan niya nang pag kain, "Akyat na po ako tita,"
Bago tumalikod na sa pwesto niya at umakyat sa kwarto ko. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.
Tama naman ako. Alam naman ni mama na depress na ako ay sumasabay pa siya, kung sana ay nag pakita na siya una palang sakin, edi sana ay hindi na ako mag iisip kung galit pa ba siya sakin o hindi.
Hindi. Hindi, monica, alalahanin mo ang mama na nag trabaho pa rin. Baka naman ay marami lang siyang inaasikaso sa pag punta niya sa ibang bansa.
Pero mahirap bang mag pakita sa anak niya?
Napailing nalang ako sa na iisip ko. Ayan nanaman ako, magulo ang isip at di matigil ang negative sa buhay ko.
Napabuntong hininga nalang ako bago nilapag si Meowmeow sa sahig nang kwarto ko. Mas maayos na sigurong dito nalang ako sa kwarto.
Walang ni isang hazard thing sa loob nito, wala nga akong makitang matulis na pwedeng gawin para saktan ang sarili ko.
Siguro nga ay baliw na ako. Nababaliw na ako sa sobrang pag-ooverthink nang mga bagay-bagay na imposible naman mangayari o kahit maliit na negative sa ibang bagay ay hinahanapan ko na.
Wala eh, I feel betrayed. Lahat nang mga tao na akala ko hindi kayang magawa sakin ang mga masamang bagay ay na gawa nila.
Nakakatakot na makisalamuha. Nakakatok mag tiwala sa mga tao na hindi mo malaman kung totoo ba o hindi. Natatakot na ako.
Natatakot ako sa mga pwede kong sabihin na baka ay may masabi rin sila patalikod. Teka, sino ba niloloko ko? Lahat naman nang tao ay may masasabi sa kapwa nila, lahat naman ay hindi dapat pagkatiwalaan.
Hays, bakit ganito na kasi ang nangyayari?
Dati naman ay problema lang sa magulang ang kinakaharap ko, at nagiging masaya ako sa school kahit papaano. Pero ngayon, ang gulo-gulo na nang lahat nang bagay.
Parang wala na akong pwesto para sumaya pa, parang lahat sila ayaw akong sumaya at maging masaya.
Minsan tuloy ay na iisip ko nab aka may nagawa akong malaking kasalanan para mangyari sakin 'to. Para maging ganito kagulo ang buhay ko.
Nakakapagod na. ang sarap saktan nang sarili ko, para ang maisip ko ay ang sakit lang nang sugat na ginawa ko.
Pero isa lang ang masasabi kong toto 'yon ang,
Ang sarap saktan nang sarili, katulad nang pag hiawa sa balat. Dahil hindi mo mararamdaman ang sakit, makikita mo lang ang dugo, pero ang katawan mo ay manhid dahil sa nararamdaman mo.
Napangiti ako. Binuksan ko ang cellphone ko para buksan ang facebook ko, agad na bumungad sakin ang mga litrato nilang tatlo sa school.
Masayang-masaya silang tatlo, habang magka-akbay at ang iba kong classmate ay nakikisingit pa sa litrato nila.
Alam kong makaka-move on din ako sa ginawa nila, hindi man ngayon pero alam ko darating din ako sa panahon na yun.
Pero ngayon, habang malaki pa ang galit ko sa kanilang tatlo. Lintek lang ang walang ganiti, at sisimulan ko 'yan sa lunes.
Uunahin kita Bea. Uunahin kita.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
Teen FictionSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...