"Can you see the suicidal in my eyes?" –anonymous.
Chapter 7
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Isang puting kwarto ang agad na sumalubong sa'kin, habang may isang ulo na nakayuko ang sa gilid ko.
Bakit hindi pa ako patay?
Tinignan ko ang kamay ko, kung saan may mga nakakabit na kung ano at may benda kung saan ang mga ginawa kong mga sugat.
"M-ma" halos mapiyok kong sabi. Sobrang sakit ng lalamunan ko, kung magsasalita pa ako ng isang beses ay pakiramdam kong tuluyan nang mapupunit.
"Gising ka na" walang emosyon niyang sabi bago tumayo. Inabutan niya ako agad ng isang baso ng tubig, agad ko 'yong ininom dahil ayon naman ang kailangan ko.
"M-ma" tawag ko ulit sa pangalan niya. Nakaiwas lang siya ng tingin sa'kin habang ang kamay niya ay hawak ang bote ng tubig.
Napakagat ako ng labi ko sa ekspresyon ni mama, para siyang walang pakealam sakin. Galit ba siya sa ginawa ko?
Para sa kanila naman ang ginawa ko para mawala na ako sa landas nila, at hindi na maging pahirap sa kanila.
"Bakit mo ginawa 'yon, Monica?" tumutulo na ang luha ni mama.
Hindi ko siya kayang makita na umiiyak sa'kin. Palagi nalang siyang pinapaiyak ni papa sa tuwing nag-aaway sila, ngayon pumapatak naman ang luha ni mama ng dahil sa'kin.
Wala talaga akong ginagawang tama sa lahat.
"Ma, sorry" tanging na sabi ko. Yumuko ako at kinalikot ang daliri ko, hindi ko kaya na makita si Mama.
"Dahil ba sa nobyo mo kaya mo ginawa 'yon? Monica, malaki ang pangarap ko para sa'yo dahil alam kong kaya mong pantayan ang mga sinasabi ko sa'yo pero ngayon, sisirain mo ang buhay mo sa isang lalaki?" sigaw niya.
"Wala akong boyfriend ma." Pagdedepensa ko.
Dahil para sakin ang pinakaimportante ay yung maging proud ka. Ang maging masaya ka at patunayan kay papa na kahit ikaw lang ang nasa tabi ko, ay kaya ko. Kaya natin ma.
Na kaya natin kahit wala si papa.
"Bakit mo 'to ginawa? Bakit pati ikaw iiwan mo ako, anak?" tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.
"Sorry, ma" wala akong masabi.
Naging selfish ako sa ginawa kong desisyon. Hindi ko naisip si mama na mag-iisa nalang kapag nawala ako, kaya ba ayaw sakin ng lahat dahil puro nalang sarili ko ang iniisip ko? Ganon ba 'yon?
"Ginawa mo na 'yan, monica. Binigay lahat ng pangangailangan mo sa pag-aaral, sa bahay, kahit sa ibang luho mo ginagawan ko ng paraan 'yan. Para kahit paano hindi mo maisip ang ginagawa ng ama mo, at para kahit paano ay maging buo ka." Humahagulgol na sabi ni mama. "Pero bat hindi mo naisip 'yon?"
Bakit nga ba hindi ko naisip yun?
"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala ng makita ka sa loob ng kwarto mo? Na naliligo sa sarili mong dugo, habang iniisip na ano paba ang pagkukulang ko bilang ina sa'yo? Ano paba ang gusto mong gawin ko, Monica?" napakagat ako sa labi ko. Walang kahit anong salita ang gusto lumabas mula sa'kin.
Galit si mama, disappointed siya sa ginawa ko. Nagbigay nanaman ako ng sama ng loob sa kanya.
Sobrang naghihirap si mama sakin. Siya lang ang nagtataguyod ng pag-aaral ko, bawat pangangailangan ko at sa bahay. Bakit ko pa na isipan na bigyan siya ng sama ng loob na katulad ng ganitong bagay?
Isa talaga akong malaking Disappointment kahit saan parte tignan.
Hindi ako makaimik, hinahayaan ko lang ang mata ko na maglabas ng mga luha. Mas ayos na rin 'to kesa hindi ako umiyak at punuin ko nanaman ang dibdib ko ng sakit na nararamdaman ko.
Ilang minute kaming ganoon ni mama, umiiyak kaming dalawa habang ako naman ay nakayuko lang. Iniisip ano ba ang pumasok sa isip ko ng araw na 'yon.
"Tama ang tita Amica mo. Mas mabuti ng sakanya ka na muna."
"What? Ma, ayaw ko mahiwalay sa'yo ma!" naiiyak kong sabi.
Hindi ko kayang mahiwalay kay mama, hindi ko kaya. Wala na akong papa, pati ba naman mama ay iiwan na rin ako?
Paano na ako?
"Buo na ang desisyon ko, inaayos na ng tita mo ang lahat sa hospital mo. Pati na rin ang papers mo sa school, sa kanya kana sasama." Walang emosyon ni mama bago tumayo.
Kasabay ng pagbukas ng pinto at mula doon, niluwa si tita Amica na may hawak na kung ano-ano. Ngumiti siya sakin, bago mabilis na lumapit sa pwesto ko at hinalikan ang noo ko.
"Kamusta ka na, Monica?" mahinhin niyang tanong sakin. Hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako kay mama na hindi kayang makatingin sa pwesto namin.
"Aalis ako ng bansa, Monica. Sa susunod na linggo na ang alis ko, sa pag-alis ko wag mo bigyan ng sakit ng ulo ang tita Amica mo." Paalala ni mama.
"Iiwan mo ko ma?" sambit ko.
Ang nag-iisang tanong sa utak ko, iiwan ako ni mama?
Wala na akong kaibigan, wala akong malalapitan na tatay, pati ba naman si mama mawawala rin sa tabi ko?
Sana kung ganon, di nalang ako na ligtas. Wala rin naman palang matitira sa'kin bakit pa ako nagising? Para ano? Patayin ako sa sakit at sikip ng dibdib ko o para ipamukha sa'kin ang pagiging walang silbi ko sa buhay?
"Oo. Amica, ikaw na ang bahala sa kanya. May trabaho pa ako," walang pakealam ni mama bago siya tuluyan na lumabas ng kwarto.
Napayuko nalang ako, habang ang luha ko ay patuloy sa pagtulo.
Ganon ba kahirap na mahalin ako, bakit sarili kong magulang hindi ako kaya mahalin?
"Wag ka na umiyak, Monica. Aalagaan naman kita katulad ng mama mo." Pag-aalo ni tita.
Hindi ko siya pinansin, umiyak lang ako ng umiyak hangga't sa makakaya ko pang-umiyak. Lumabas na ang pagiging mahina ko, umiiyak na ako sa mga problema ko.
Masakit sa mata pag-umiiyak, pero mas masakit kapag hindi ka umiiyak kahit gusto mo dahil lahat yun naiipon sa dibdib mo.
"Ano ba ang naging problema? Bakit ginawa mo 'yon? Alam mo ba kung gaano umiyak ang mama mo no'n habang buhat ka ng kapitbahay niyo at tinatakbo pasakay ng ambulansya?" tanong ni tita sa'kin.
Hawak niya nang magaan ang kamay ko, habang ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
"Paano niya po ako nakita?" sound proof ang bahay.
Kahit anong kalabog ang gawin ko sa loob ng kwarto ko ay hindi nila maririnig, kaya paano nalaman ni mama ang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
JugendliteraturSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...