"A problem will get heavier when the only person carrying it is you."
Chapter 9
"Tita, hindi po ba pupunta si mama?" dismayadong tanong ko.
"Busy ang mama mo ngayon, monica. Hindi siya nagsabi kung kalian siya babalik, pero sigurado naman ako na bibisitahin ka rin niya." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni tita.
Pangalawang araw ko na dito sa hospital. Sa dalawang araw na rin na 'yon ay hindi ko pa nakikita si mama, pagtapos niyang umiyak sa harap ko ay iyon na ang huling pagkikita namin.
Alam kong busy si mama. Palagi naman siyang busy pero ngayon, kailangan ko siya.
Muli akong bumuntong hininga, bago nahiga. Kahit paano ay kumakalma ang sarili ko habang nandito ako, pero sa tuwing naalala ko ang mga pinagdaan ko ng nakaraan ay halos di ko na kayanin ang sakit ng dibdib ko.
Ang bigat, sa tuwing naalala ko ang isa sa kanila. Sa bawat nangyari nang nakaraang araw, kahit alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa sa kanila ay naguguilty pa rin ako.
Hindi ko rin maiwasan isipin ang school, kung kalian kailangan ko bumawi saka ako umabsent at naging ganito. Sigurado din ako na kalat na sa school namin ang ginawa ko.
"Monica?" nabalik ako sa sarili ng mahina akong tabigin ni Tita. Nakangiti siya sa'kin bago inabot ang mga mangga na nasa plato. "Aalis muna ako. Kailangan kong kausapin ang doctor mo para makalabas ka na bukas."
Tumango nalang ako. Nagmadali siyang lumabas at sinarado ang kwarto.
Paano pagpasok ko pagtawanan nila ako? Paano kung pagpasok ko kung ano-ano nanaman ang malaman ko na tungkol sa'kin na pinagkakalat nila?
Kakayanin ko pa kayang pumasok kahit wala naman akong kaibigan?
Hay, bakit ko pa kasi sila pinatulan ng araw na 'yon. Bakit ko pa sila sinita sa ginawa nila, sana hinayaan ko nalang sila dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali.
Napahawak ako sa dibdib ko na muling kumabog.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Galit ako sa kanila mas lalo na kela Bea at sa ibang sumisira sa'kin, pero gusto ko sila kasama. Nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin pero hindi ko naman alam kung ang pinagsamahan namin no'n ay totoo.
Pakiramdam ko sa lahat ng bagay ay nanghihina ako, kahit wala naman akong ginagawa na ikakapagod ko. Ang dibdib ko palaging bumibigat sa tuwing naiisip ko ang problema mas lalo na sa problema sa school at sa kaibigan ko.
Pero sa tuwing naiisip ko naman kung hindi ko nalaman na sinisiraan at pinag-uusapan nila ako patalikod ay magmumukha rin akong tanga. Akala ko talaga tunay sila pero tama nga ang sabi ng iba;
Hindi lahat nang tinuturing mong kaibigan ay tunay. Hindi lahat nang nakakasalamuha mo at kasama sa tawanan ay totoo.
'yon ang natutunan ko sa lahat ng nangyari, kailangan ko maging maingat sa lahat ng tao na nakapaligid sa'kin. Mula sa pagsasabihan ng problema at sa pwede ko makasama. Hindi naman kasi lahat pwede mong kasama, hindi naman pala lahat kailangan mong pagkatiwalaan. At mas lalong hindi naman lahat ng tao kailangan kang magustuhan.
Dahil ang trust ay binubuo ng tao, at hindi binibigay ng basta-basta.
Ayon ang positive pero bakit nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko sila?
Nilapag ko nalang ang hawak kong plato bago nahiga. Ang sabi sa'kin ni tita ay kung maraming gumugulo sa'kin ay mas piliin ko nalang ang matulog at humanap ng kalilibangan.
Simula ng tanungin ako ng doctor sa nararanasan ko, hindi na ako iniiwan ni tita. Kahit sa pagtulog ko ay hindi niya pa rin ako iniiwan, wala rin dumalaw ni isa sa mga tinututring kong kaibigan.
Siguro mas masaya talaga sila kung wala na ako.
Tinignan ko nalang ang orasan na patuloy sa pag-andar. Ang tagal ni tita, hindi naman siya nagtatagal ng ganito sa labas.
Ngayon, mas gusto ko na may kasama ako kahit paano ay nawawaksi sa isip ko ang saktan ang sarili.
Tumingin ako sa pinto nang marinig ko ang mahinang katok. Mukhang nandito na si Mama o tita.
Hinintay ko ang pagbukas ng pinto, at isang tao ang hindi ko inaasahan ang bumungad sa'kin.
May hawak siyang plastic, mukhang may iilang pagkain. Ang mukha niya ay walang kahit anong ekspresyon, diretso lang siyang nakatingin sakin.
Unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin, nakatingin lang siya bago dumako ang tingin niya sa kamay ko. Marahan siyang umiling sa'kin bago pa man siya makarating sa pwesto ko agad ko na siyang tinanong.
"Anong ginagawa mo dito?"
AMIKA'S POV
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ni Monica. Tulala nanaman siya at wala sa sarili, kinakabahan ako at sana ay hindi totoo ang hinala ko.
Agad na bumungad sa'kin ang kapatid ko. Hindi mapanatag ang mukha niya simula ng dalhin namin ang anak niyang si monica.
Kahit sinong ina naman siguro ang malagay sa panganib ang anak, siguradong mawawala sa wisyo.
"Hindi ka talaga papasok sa loob? Ilang beses ng nagtatanong ang anak mo sa'kin ate Ali. Hindi ko na kayang sagutin ang iilang sagot niya," aniko.
Sa ilang beses na hinahanap siya ni Monica, gano'n din ang ulit na nagsinungaling ako. Ang buong akala ni Monica ay wala ang mama niya dito pero halos hindi na rin umuwi si Ate sa kanila kakabantay.
"Hindi ko pa kaya harapin siya ngayon, Amika." Katulad pa rin ng nakaraan. Ayan pa rin ang sinagot niya.
Wala na akong magagawa kung 'yan ang desisyon niya. Iniintindi ko ang kalagayan nilang dalawa, alam ko na hindi niya kayang harapin ang sarili niyang anak dahil sa pagkakamali niya dati.
Pumasok kami sa loob ng office ng doctor. Kinakabahan akong umupo sa upuan sa harap niya bago ngumiti,
"Doc" na unang nagsalita si Ate Ali.
Kita ko ang pag-aalala niya sa sasabihin ng doctor, hanggang ngayon ay tulala pa rin ang anak niya. Kung ako nga ay kinakabahan sa sitwasyon ni Monica, siya pa kayang nanay nito.
"Ano na po ang lagay ng anak ko?" aniya.
Hinawakan ko ang kamay niya, para pakalmahin. Isa rin akong nurse, alam ko ang iilang sintomas ng mga sa'kit pero ayaw ko manguna. Ayaw ko pangunahan ang sasabihin ng doctor tungkol sa pamangkin ko.
"Mrs, at first we're not sure sa theory namin dahil ang nasa isip namin ay pressured lang siya. Katulad ng sabi niyo sa'min nakaraan na nagkaroon kayo ng ilingan pagdating sa grades niya. Pero ng isang araw I asked her, at doon ko na confirm na mas malala pala sa akala ko 'to."
"What do you mean, doc?" agad na tanong ko.
"She had a Depression, Mrs. I asked her specific questions at lahat 'yon ay nararamdaman niya. One of that is Anxiety, being nervous, restless, or feeling tense. Isa po 'yan sa mga major symptoms ng depression. " Tama ang hinala ko.
Tama nga ang hinala ko na pwede siyang magkaroon ng depression, sa pagiging tulala niya at malalim na iniisip na nakikita ko siya ay malaki talaga ang possibility na may Depression siya.
"Paano po 'yon nangyari? Bakit siya nagkaroon ng gano'n?" humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ate.
Nanginginig na ang kamay niya. Dahil sino ba naman ang hindi?
Inulit ng anak niya ang ginawa niya dati.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTHERAPIST (COMPLETED)
Teen FictionSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Problema sa pamilya't kaibigan, ang mag tutulak sa kanya upang pagtangkaan ang sariling buhay. Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kanyang kakaharap...