CHAPTER 25

342 8 3
                                    

Chapter XXV

Nung araw ding iyon ay hinanap ni Yen si Sam.

Nakita nya ito sa gilid ng isang pathway na mag-isa. Nilapitan nya ito at tinabihan sa pagkakaupo.

“Hi.” Bati nya.

Nilingon sya ni Sam.

“Ano? Nagawa mo na?” tanong nya ngunit nakatingin sa libro.

“Yes. It’s done!” nakangiting sagot ni Yen.

“Good.”

“Bati na tayo?” agad na tanong ni Yen. Tinignan sya ni Sam.

Umayos ito ng upo at humarap sa dalaga.

“Tell me Yen. Bakit mo nagawa yun? Bakit?” seryoso nyang tanong.

Matagal silang nagkatinginan.

“Galit ka ba kay Lj?”

Umiwas ng tingin si Yen.

“No. I simply don’t like her!” madiin na sagot nya. “Alam ko iisipin mo na selfish ako. Pero para sakin, imposibleng maging magkaibigan kami ni Lj. Magkaiba kami, magkaibang-magkaiba!” patuloy nitong sagot sa seryosong mukha.

Hindi nakasagot si Sam. Malalim syang napaisip.

Paano sila magiging mag-kaibigan ni Lj kung ang mga tao sa paligid nila ay nag-aaway-away.

Pumasok sa isip nya ang Cool at Music Club.

---------------

May klase si Sam ng mga oras na iyon at hindi maalis sa kanyang isipan si Lj at ang kanyang bestfriend na si Yen.

Nakaupo sya sa isang silya at hindi nakikinig sa klase.

“Kailangan magdesisyon ka kung ano ang tama. Dapat kung makikipaglapit ka isang tao, siguraduhin mo na walang masasaktan na tao sa paligid mo. Dapat kang mamili kasi kung hinayaan mo lang yan. Posible na lahat sila, mawala sayo.” Bigla syang tinabihan ni Spongky at binulong ang lahat ng iyon.

Habang sinasabi iyon ay kunwari ay nakatingin ito sa kanilang teacher.

Seryoso syang napatingin sa katabi. Ngumiti si Spongky.

“Tinatanong ko ba opinion mo?” masama nya itong tinignan.

“Joke lang. Di kana mabiro! Napaka-seryoso mo kasi dyan eh.”Napakamot nalang ng ulo ito.

----------------

Nagpasya si Sam na tumambay muna sa likod ng school para makapag-relax. Nakatayo sya at nakatanaw sa malayo.

Pumasok sa isip nya ang mga sinabi ni Spongky.

“Hayy Sam, ano bang gagawin mo? Kailangan mong magdesisyon.” Inis na sabi nya sa sarili.

Mahalaga sa kanya si Yen dahil bestfriend nya ito at kailangan nya rin itong alagaan dahil sa sakit nito. Pero aminado naman sya na unti-unti ng gumagaan ang loob nya kay Lj.

Napabuga na lang ng hangin ang binata.

Napalingon sya sa kaliwa nang mapansin na may paparating.

Si Lj.

“Andito ka rin?” bungad ni Lj.

Pinagmamasdan lang nya si Lj. Tumigil ito at huminto tatlong hakbang ang layo sa kanya.

Iniwas nya ang tingin dito. Parehas silang nakatanaw sa malayo at tahimik.

“Yung sinabi ko kagabi Lj..” nagsimulang magsalita si Sam. Nilingon sya ni Lj at hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon