CHAPTER 9

360 11 2
                                    

Chapter IX

Nagpahatid si Lj sa S.V Children Care sa kanilang driver. Agad syang bumaba at tumingin sa paligid, malinis at maaliwalas ang paligid. Malawak at may natanaw syang playground di kalayuan.

“Mukhang wala pa si Mr. Pedroza ah. Ibig sabihin nauna ako sa kanya!” nakangiting sabi ni Lj sa sarili.

Naglakad sya palapit sa pintuan ng Bahay Ampunan, umakyat sya sa limang baitang lang na hagdan at nagtingin-tingin sa paligid. Papasok na sana sya sa loob nang biglang may paparating, dalawang tao at napadako ang tingin ni Lj sa kanila.

Nabigla si Lj dahil ang isa sa kanila ay si Sam.

“Andito ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay.” Casual na sabi ni Sam saka humarap sa may edad ng babae na katabi nya. Naka-eyeglass ito. “Ah Mrs. Perez, sya po yung isa kong makakasama dito. Si Lj Seron po!” pinakilala ni Sam si Lj.

Hindi parin agad nakasagot si Lj dahil ang akala nya talaga ay nauna syang dumating ngunit naunahan parin sya ni Sam.

“Lj Seron? Bat parang pamilyar ang pangalan mo Hija?” takang tanong ng babae.

Sasagot sana si Lj ngunit inunahan sya ni Sam.

“Pamilyar po kasi sya po yung nag-iisang anak nung may-ari ng Seron Group of Companies.” Nakatingin si Sam sa dalaga nung sumagot ito.

Hindi naman inaasahan ni Lj ang sinagot ni Sam.

“Ah kaya pala. Welcome Lj sa S.V Children Care! Im Rihsa Perez, ako yung katiwala dito. Marami akong naririnig about sa parents mo, salamat at ito ang napili nyo para sa inyong Foundation Day!” masigla ang bati nito sa dalaga.

“Ah, salamat po Mrs. Perez. At wag po kayong mag-alala, papasayahin po namin ng sobra yung mga bata dito sa Bahay Ampunan.” Nakangiti naman na sagot ni Lj, nawala naman ang ngiti nya nang mapatingin sya kay Sam.

“Maraming salamat talaga sa inyo. Oh sya, pumasok na tayo sa loob. Ipapakilala namin kayo sa mga bata.” Naglakad ito.

Papasunod n asana si Sam pero napansin nya na hindi agad naglakad si Lj. Paglingon nya dito, nakatingin si Lj sa kanya.

“Why did you say that?” tanong ni Lj.

“Ang ano?” kunot-noo na tanong ni Sam.

“Na anak mayaman ako?”

“Bakit totoo naman diba? Mayaman ka.” Casual na sagot ni Sam.

“Yeah, anak mayaman nga ako pero hindi ibig sabihin nun ipagyayabang ko yun.” Seryosong sagot ng dalaga. “Sana hindi mo na lang sinabi yun, gusto ko kasing humarap sa kanila bilang simple at ordinaryong tao lang. Yung tipong pakikisamahan nila ako hindi dahil anak mayaman ako kundi dahil isa akong ordinaryong estudyante na handang tumulong sa kanila.” Makahulugang sagot ni Lj, pagkatapos sabihin yun ay nauna ng naglakad si Lj at hindi naman agad naka-hakbang si Sam dahil sa sinabi ng dalaga.

Nakilala na nila Lj at Sam ang mga bata at agad silang nakipag-bonding. Kahit nagkaka-ilangan sila ay hindi sila nagpapahalata, ang mahalaga ay mapasaya nila ang mga bata.

Nakikipaglaro si Sam sa ibang mga bata habang si Lj ay nakaupo sa harap ng study table at tinuturuan ang iba pang bata. Napapasulyap si Lj kay Sam, parang nakikita nya ang other side ng isang Samuel Pedroza.

“Marunong din palang tumawa tong mokong na to eh!” sabi ni Lj sa kanyang isip. Napangiti sya ng bahagya dahil pakikipag-bonding ang binata sa tatlong batang lalaki, ang isa’y nakasakay sa likod nito at humahabol naman ang dalawang bata.

Dahil sinusundan ni Lj ng tingin ang dalawang bata ay nabigla sya ng makita na nadapa yung isa. Si Bugoy.

“Bugoy!” mabilis na lumapit si Lj. Hindi rin inaasahan ni Sam yun kaya ibinaba nya agad ang batang nakasakay sa likod nya at napalapit rin kay Bugoy.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon