CHAPTER 26

320 7 1
                                    

Chapter XXVI

Kinabukasan, naging masigla pareho sila Sam at Lj.

“Good Morning lola!” pagkalabas nya ng kwarto ay hinalikan nya sa pisngi ang matanda na ikinabigla naman nito.

“Aba! Anong meron apo at mukhang napaka-saya mo ngayon?”

Hindi nawawala ang ngiti ng binata.

“Ah lola. Pwedeng mag-request?”

“Ano yun?”

“Pwede bang magluto ka mamaya ng masarap na ulam. May kasama kasi tayong magdi-dinner mamaya eh!” nakangiting sagot nya.

“Sino. Si Yen?”

“Hindi po si Yen. Basta lola ah! Yung specialty nyo yung ihanda nyo.” Pagkasabi nun ay naglakad na muli ang binata palabas sa kanilang bahay.

“Oh sige. Mag-iingat ka Samuel!” napailing na lang ang matanda.

--------------------

Pababa na si Lj sa marmol na hagdan ng kanilang mansion ng makita nya ang kanyang ama.

“Good morning dad!” masigla nyang bati. Bumeso sya.

“Good morning! Mukhang ang ganda ng aura mo ngayon ha sweetheart?”

“Of course dad. Dapat salubungin ang araw na may ngiti sa mga labi.” Nakangiting sagot nya.

“Sige dad. Pasok na po ako! Bye dad!” nagpatuloy si Lj sa labas.

Nang wala na sa paningin ni Mr. Seron si Lj ay napabuntung-hininga ito.

“Hayy Lj. Makikita parin kaya namin ang ngiti mo na yan pag pinagtapat na namin sayo ng mommy mo ang desisyon namin?” tanong nya sa isip.

------------------

SamVon University...

Parehas na nasa library ang grupo nila Lj at Sam. May isang table ang nasa pagitan ng dalawang grupo at pare-parehas na mga busy sa pagbabasa ng libro.

Tinatanaw ni Sam ang dalaga. Hindi sya makakuha ng tamang tyempo kung pano makakausap ang kasintahan para imbitahan mamaya sa kanilang bahay.

“Ah guys. May hahanapin lang akong libro ah!” tumayo si Sam at pasimpleng naglakad habang inaagaw ang atensyon ni Lj.

Napalingon sa kanya si Lj. Sinenyasan sya ni Sam na sumunod sa kanya saka nagpatuloy na naglakad ang binata.

Nagtaka si Lj. Napatingin muna sya sa mga kasama at busy ang lahat sa pagbabasa.

“May kulang pa pala sa librong kinuha ko. Teka lang ah, hanapin ko!” tumayo si Lj at mabilis ang hakbang.

Nasa pagitan sila ni Sam ng isang Book shelve.

“Bakit? May sasabihin ka?” tanong ni Lj. Nagpanggap sila pareho na may hinahanap na libro pero ang totoo ay nag-uusap lang sila ng palihim.

Wala naman masyadong estudyante sa pinuntahan nila kaya Malaya silang makapag-usap.

“Wala. Namiss lang kita!” biro ni Sam. Para itong bata na nakangiti at nagpapa-cute.

Napatawa si Lj ng mahina. Patuloy silang nasa pagitan lamang ng book shelve at dun nag-uusap.

“Aang totoo kasi..” parang nahihiya naman si Sam na sabihin ang kanyang sadya.

“Ano?” kunot-noong tanong nya.

“Ahm. Kasi gusto sana kitang invite sa bahay namin mamaya na mag-dinner! Kasama natin si lola Fina. Yun ay kung okey lang sayo?” bulong ni Sam.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon