CHAPTER 11

350 9 3
                                    

Chapter XI

Sa isang Five-star Hotel ginanap ang Company event at 20 minutes din ang binyahe ni Lj dahil sumabay ang mahabang traffic. Bandang 5:30 pm nang makarating ang dalaga, mabilis syang naglakad at sa isang malawak na venue sya dumiretso.

Marami na rin ang mga tao ang andun, puro naka-pormal ang mga ito. Hindi sya sanay sa ganung event kaya medyo nailang sya ng may mga taong napapatingin sa kanya habang sya ay naglalakad, hawak nya ang bandang dulo ng kanyang dress dahil sumasayad ito sa sahig.

Natanaw nya na ang kanyang mommy. Mabilis syang lumapit dito, may mga kausap ito kaya hindi agad sya nakabati sa kanyang ina.

“Mommy!” mahina nyang tawag. Napalingon ito sa kanya, tinignan sya ni Mrs. Seron mula ulo hanggang paa.

“Is she your daughter?” tanong ng isang babaeng kaharap ni Mrs. Seron. Napilitan syang ngumiti dito.

“Ah Yes. She is Lj, my daughter. Excuse us.” Ngumiti ang mommy nya at hinila sya nito ng medyo malayo sa mga kausap nito.

“Look at yourself. Bat hindi ka man lang nag-ayos? Pinapunta kita dito para ipakilala sa mga kilalang tao tapos ganyan lang yung ayos mo?” mahina nitong sinermunan ang dalaga.

Napatingin naman si Lj sa kanyang sarili. Kung tutuusin ay napaka-ganda ng suot nyang purple dress pero dahil nasa isip nya ang Bahay Ampunan na pupuntahan nya sana sa mga oras na to ay nawalan sya ng gana na mag-ayos.

“Go to Rest room. You need to look good this evening Lj!” utos nito saka tumalikod na sa anak.

Napabuntung-hininga si Lj at napilitan na pumunta sa Rest room. Naglagay sya ng konting make-up at inipitan ang mahabang buhok.

“Hayy, ano ba kasing ginagawa mo dito ngayon Lj? Dapat nag-eenjoy kana ngayon kasama yung mga bata sa Bahay Ampunan eh!” himutok nya sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Pagkalabas nya ng Rest room ay natanaw nya ang kanyang daddy. Napalingon din ito sa kanya at napangiti, nilapitan sya nito.

“Hey baby! Ang akala ko, hindi ka pupunta eh.” Hinalikan sya nito sa pisngi.

“Eh hindi ko naman po kayo kayang tiisin ni mommy eh!” sagot nya. Hindi nya ipinahalata na napilitan lang sya sa pagpunta.

“Come Lj. May ipapakilala ako sayo.” Inalalayan sya ng kanyang dad at lumapit sa dalawang tao. Pamilyar sa kanya yung lalaki na ka-edad ni Mrs. Seron.

“Remember him Lj? Mr. Eric Gil and his wife Mrs. Lanie Gil. She’s my daughter, Lj.” Pinakilala sya nito sa mag-asawa.

“Hello po. Good evening sa inyo!” nakangiti syang bumati sa mga ito. Dumating ang mommy ni Lj.

“Oh! Sya ba yung nag-iisa nyong anak Lyn? She is very beautiful.” Nakangiti rin si Mrs. Gil sa kanya.

“Of course. Nagmana sa maganda kong asawa eh!” sagot ni Mr. Seron.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na ang Event, nakaramdam na ng pagka-inip ang dalaga. Nag-speech pa ang ilang Businessman na nakatanggap ng award, nakaupo sya at napipilitan sa pagpalakpak. Naiwan syang mag-isa sa mesa dahil sabay-sabay na tinawag sa stage ang kanyang mommy at daddy pati ang mag-asawang Gil.

Nakangiti syang pumalakpak.

-----------------

Isang kulay blue Sports Car ang pumarada sa parking lot ng hotel. Isang lalaki ang lumabas mula sa driver seat, naka blue itong polo at nakatupi ang manggas nito sa siko. Nakapamulsa pa ang kaliwang kamay sa pantalon nito. Nagsimula itong humakbang para pumunta sa Event.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon