CHAPTER 1

809 15 4
                                    

Chapter I

Araw ng Lunes, maagang nagising c Samuel upang pumasok sa SamVon University. Unang araw nya sa klase bilang 3rd year college student at malaki ang pasasalamat nya sa scholarship na natanggap nya kya nakapagpatuloy pa sya sa kolehiyo.

Nakahanda ng pumasok si Samuel ngunit hindi nya inaasahan na hinihintay pala sya ng kanyang lola sa kusina.

“La, la.. Papasok na po---”, nabigla ang binata ng makitang may nakahain na pagkain sa mesa.

“Oh apo, tamang-tama. Kakahain ko lang ng almusal, o sya kain kana!”

Napakunot noo si Samuel.

“La, diba sinabi ko na kanina na wag na kayong maghanda ng almusal. Hndi nman ako nagugutom eh!”

Ngunit walang nagawa ang binata kundi ang pagbigyan ang kanyang lola Fina.

“Oh, ung gatas mo. Wag mong kalimutang inumin yan.”, paalala pa ng matandang babae. Napakamot na lang ng ulo si Samuel.

Nang matapos mag-almusal, kinuha na ni Samuel ang helmet at dumiretso na sa labas para ihanda na rin ang kanyang motor.

“Mag-iingat ka Samuel sa pagmamaneho ha.”, pahabol pa ni lola Fina sa binata.

“Wag po kayong mag-alala lola. Para sa inyo, mag-iingat po ako. Sige, mauna na po ako!”

Yun lang at pinaandar na ni Samuel ang motor.

Seron Residence...

Nakahanda na si Lj para pumasok sa unang klase nya bilang 2nd Year college student. May isa pang dahilan kung bakit maagang nagising ang dalaga ng araw na yun.

Nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto si Lj nang makarinig ng busina sa labas ng kanilang mansion.

“Oh my! Si daddy. Kailangan ko syang maabutan.”

Mabilis syang tumakbo pababa ng mahabang hagdan dala ang kanyang shoulder bag na kulay purple. Malapit na sya sa gate ng makita nya ang kanyang dad na papasakay na sana sa kotse nito.

“Dad wait!”, tawag ni Lj.

“Oh baby, good morning! Diba’t ang aga pa para pumasok ka school.”

Nakasimangot si Lj.

“Eh dad, talagang inagahan ko talaga para maabutan ko kayo ni mommy. Hindi ko na kasi kayo nakikita dahil masyado kayong busy sa kumpanya.”

“Oh Lj!”, niyakap nya c Lj.

“Where’s mom?”, agad na tanong ng dalaga.

Buntong hininga lang ang sagot ni Mr. Seron sa kanyang anak.

“Oh yes. As usual, what’s new?”, puno ng disappointment ang mukha ni Lj.

“Lj, anak. May business meeting ngayon ang mommy mo sa Tagaytay at hindi sya pwedeng mawala dun, hindi ba sya nagpaalam sayo?”

“Dad, ni hindi nga kami nagkikita ni mommy eh. Paano sya magpapaalam sakin?”

Mahinahon naman na nagsalita ang daddy ni Lj.

“Baby, i hope u understand me and your mom. Hindi basta-basta tong trabaho namin, maraming umaasa sa Seron Group of Companies and you know that!”

Tahimik lang na nakikinig ang dalaga.

“Dont worry Lj. Babawi kami ng mommy mo after all this. Marami lang talagang dapat tapusin ngayon. Promise yan!”, tinaas pa ni Mr. Seron ang kanang palad dahilan para mapangiti ng tuluyan si Lj.

“Hihintayin ko yan dad ah. Sabi mo yan!”

Nagyakap ang mag-ama. Di nagtagal yon at nauna ng umalis si Mr. Seron ky Lj, may ibang kotseng maghahatid kay Lj sa SamVon University.

Puting kotse ito kung san si Mang Teroy ang driver nya.

“Mam Lj! Mam Lj! Yung ipod nyo po naiwan nyo.”, habol ng isang babaeng naka-uniform matapos makasakay ng kotse ang dalaga.

“Ay thanks po yaya. Teka, anong Mam Lj? Diba sabi ko, Lj nalang po itawag nyo sakin.”, parehas nyang tinignan ang driver at ang katulong.

“Ah kasi po Mam---”

“Uh Uh uh! No mam ok? Sige kayo, magtatampo po ako sa inyo pag tinawag nyo pa akong Mam.”, biro nya.

Bandang huli ay napasuko nya ang dalawa at inalis na ang pagtawag nila ng Mam sa dalaga.

Napakabait at napaka-down to earth ng personality ni Lj Seron. Kahit na nga ay isa syang anak mayaman ay nanatili parin itong mabuti sa kanyang kapwa, mayaman man o mahirap. Ito rin ang dahilan kung bakit sinang-ayunan ng University ang grupo na last year nya lang binuo, ang Music Club.

She really loves music. Kahit pa nga tutol ang mommy nya sa pagkahilig dito ay tinuloy nya pa rin buuin ang club na iyon dahil alam nya na dun sya sasaya.

Ngunit hindi nya inaasahan na hindi lang pala ang mommy nya ang malaki ang pagtutol sa music. Hanggang sa University rin ay may mga estudyanteng tutol sa Music Club, hindi nya alam kung bakit. Sinigurado naman ni Lj na hindi sya basta-basta papatalo sa mga ito at papatunayan nya na isa ang music kung bakit nagkakakulay ang buhay ng bawat tao sa mundo.

SamVon University...

Mabilis na pinarada ni Sam ang kanyang motor sa parking lot ng school, sakto naman nung tinanggal nya ang kanyang helmet ay may pumarada rin na isang magarang pick up car katabi ng kanyang motor. Masayang nagbabaan ang mga estudyanteng nakasakay sa likod ng pick up, isang babae at dalawang lalaki.

Sumunod na lumabas ay ang isang babaeng nasa passenger seat at ang lalaking driver na mataman naman nakatingin kay Sam. Sinalubong naman ni Sam ang tingin ng binata.

“What a bad day to me?”, nang-aasar ang tingin nito ky Sam.

“Yeah right Spencer!”, sang-ayon naman ng isang babae na halata ang kaartehan.

Napangisi si Sam. Ayaw nyang patulan ang mga ito kaya nagpasya na lang syang umalis para pumasok sa campus. Ngunit bago pa sya nakalayo ay nagparinig pa ang mga ito sa kanya na dahilan naman para sya ay mapahinto.

“Scholar lang kasi.” pagkatapos sabihin yun ay sabay-sabay silang tumawa.

Humarap si Sam sa kanila.

“Oo, iskolar lang ako. At least, napatunayan kong hindi ko kailangan ng pera o kayamanan ng parents ko para lang makapag-aral. Eh kayo?”

Hindi nakasagot ang mga ito at ramdam ang pagka-pahiya. Tumalikod na si Sam para lumayo sa lugar na iyon. Hindi nya na nakita ang sobrang pagkaasar sa kanya ni Spencer.

Patawid na si Sam nang makarinig sya ng busina ng kotse. Huminto ito malapit sa kanya at bumukas ang side window sa back seat.

“Hi Sammy!” masayang bati ng dalaga kay Sam sabay ang pagbaba sa kotse.

“Hi Yen!” bati rin ni Sam.

“Sabi ko na nga ba eh, maaga kang papasok! By the way, how’s lola Fina?” todo ang ngiti nito kay Sam.

“Ok lang sya. Mas malakas pa nga ata sakin si lola eh!” biro ni Sam.

Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may kotseng paparating at sabay silang napatingin ni Yen, sinundan nila ito ng tingin hanggang pumarada ito sa parking lot ng school at bumaba sa back seat ang isang dalaga. That’s Lj Seron. Sinalubong ito ng isang grupo ng estudyante na kanina’y nakasagutan ni Sam.

“Ayan na ang lider ng mga spoiled brats.” mataray na sabi ni Yen habang nakatingin sa grupo nila Lj.

Hindi naman maiwasan na tignan ni Sam ang dalagang si Lj.

“Let’s Go!” aya ni Yen sa binata. Saka naman natauhan si Sam at binawi ang tingin doon.

“Ah.. Tara!” sabay silang naglakad ni Yen papuntang campus.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon