CHAPTER 35

135 3 1
                                    

Chapter XXXV

Sa sobrang gulo ng isip ni Lj ay hindi nya na napansin na nakarating na pala sya sa SamVon University. Malapit lang kasi ito sa hotel kung san ginanap ang company event.

Nagbakasali rin kasi ang dalaga na dun nagtungo si Sam.

May lungkot sa mga mata ni Lj nang pumasok sya sa Music Hall. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa stage ang maliwanag.

Mula sa gilid ng stage ay naglakad ang dalaga palapit sa piano na nasa bandang kaliwa ng stage. Umupo sya sa medyo mahabang upuan na nasa harap ng piano.

Bahagya ng nagulo ang buhok nya dahil may ilang hibla na natanggal mula sa pagkakapusod at walang pakielam dun si Lj.

-----------------------------

Lakad-takbo si Sam. Nakalayo na sya sa hotel at patuloy paring hinahanap si Lj.

“Lj asan ka na? Sorry dahil hindi ako nakinig sayo kanina, patawarin mo ako.”Bulong nito sa isipan.

May pumasok sa isip nya kung san maaring pumunta ang dalaga. Mabilis ang takbo nya upang makapunta sa lugar na iyon.

--------------------------------

Binuksan ni Lj ang takip ng piano sa kanyang harapan. Iniisip nya ang nangyari kanina at mas lalo syang nalungkot nang maalala ang mga sinabi ni Sam.

“Alam mo kung anong pakiramdam ko ngayon Lj, pakiramdam ko niloko mo lang ako. Sinadya mong pumunta ako sa lugar na to para mapahiya ako!”naalala nya ang mukha ni Sam na labis na nasaktan sa nalaman.

Sa sobrang inis ni Lj sa sarili ay baralbal nyang tinugtog ang piano. Wala syang pakielam kung may mabulabog sya basta gusto nya lang ilabas ang sama ng loob sa piano.

Hindi nya na napigilan ang pagtulo ng luha sabay ng pagdadabog sa piano. Ilang saglit pa ay nagsawa din sya at itinakip nalang sa bibig ang isang kamay dahil hindi nya na kaya pang pigilan ang emosyon.

“Ganyan na ba ang tamang pagtugtog ng piano ngayon?”

Natigil sa paghikbi si Lj nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Nilingon nya ito at mula sa dilim ay lumabas si Sam.

Nakangiti ito sa dalaga at naglakad.

“Sam.” Hindi makapaniwala si Lj na sinundan ng tingin ito hanggat sa tumabi ito sa kanya sa upuan. Parehas silang nakaharap sa piano.

Tinignan muna ni Sam si Lj saka bumaling sa piano.

“Hindi ganyan ang tamang pagpa-piano. Ganto!” ipinatong ni Sam ang dalawang kamay sa piano.

Pumindot muna sya ng isa kasunod ang pangalawang tono hanggat sa tumugtog na nga si Sam gamit ang piano.

Piano chords ng kantang Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar.

Hindi naman inaasahan iyon ni Lj. Hindi nya akalain na marunong mag-piano ang binata, napangiti sya at nagtatanong ang tingin sa katabi.

Nakangiti si Sam ng lingunin nya ang dalaga na hindi parin talaga makapaniwala.

Mas lalong nagulat si lj nang magsimulang kumanta ang binata.

“Mabuti pa sa lotto.May pag-asang manalo.

Di tulad sayo.Imposible.”

Napatakip ng bibig si Lj gamit ang dalawang kamay. Sobrang hindi sya makapaniwala.

Hindi naman inaalis ni Sam ang tingin sa dalaga habang tumutugtog ng piano kasabay ang pagkanta.

“Prinsesa ka.Ako’y dukha.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon