CHAPTER 4

466 14 2
                                    

Chapter IV

            “What happened to her?” takang tanong ni Eula matapos umalis ni Lj.

            “Obvious ba? Eh di galit.” Sagot ni Ryan.

            “At bat sya magagalit? Ako na nga tinapunan ng juice ng iskolar na yun, kakampihan nya pa.” Inis na sabi ni Danz.

            Sumabat na sa usapan ang isa pa nilang kagrupo na kanina pa tahimik dahil sa kababasa ng libro. Si Kiko.

            “Hindi nya sinasadya yun. Why don’t you ask Ryan?” sabay tingin nito kay Ryan. Parang naasar naman si Ryan dito.

            “Oh, dude. Andyan ka pala? Alam mo, mas mabuti pang magbasa ka na lang ng mahiwagang libro mo dyan kesa naman nagsasalita ka pa. Nakakasira ka ng mood eh!” asar na tinignan ni Ryan si Kiko.

            Ngiting aso lang ang sinagot sa kanya ni Kiko at nagpatuloy ito sa pagbabasa ng libro.

            “Ryan, so? What now?” naghihintay ng sagot si Danz.

            “Ok. Fine! Sinadya ko ngang sanggiin ung braso ni Sam, ano ngayon? At least nakaganti tayo db? Mayabang eh!” matapang na sagot ng binata.

            Naningkit naman ang mga mata ni Daniliz.

            “How dare you! Ginawa mo yun kahit alam mong matatapunan ako ng juice? How dare you Ryan!” sigaw ni Danz at hinabol ng hampas si Ryan pero mabilis na nakatakbo ang binata.

            Ngingiti-ngiti na lamang si Kiko, habang seryoso ang mukha ni Spencer. Nag-aalala sya na baka galit sa kanya ang dalaga.

            Samantala, isa sa dahilan kung bakit lumabas ng Coffee shop si Lj ay para sundan si Sam. Naabutan nya ito sa parking lot at papasakay na sana ng motor nito.

            “Sandali...” tawag ni Lj sa binata. Halata sa mukha nito ang galit ng lumingon ito kay Lj dahilan para huminto sa paghakbang ang dalaga.

            “I just came here to---” naputol ang sasabihin ng dalaga ng biglang nagsalita si Sam.

            “Ano? Andito ka para ituloy yung pambubully nila sakin?” hindi napigilan nito na ipakita ang nararamdaman na galit.

            Hindi naman agad na nakasagot si Lj.

            “Salamat ha! Salamat!” pabalang na sagot ni Sam kay Lj. “Salamat sa inyo dahil nawalan ako ng trabaho kung san kinukuha ko ang pang-allowance ko sa araw-araw. Salamat din dahil sa ginawa nyong to ay hindi ko na mabibigyan ang lola ko ng pandagdag pambili sa kanyang mga gamot!” tuloy-tuloy na sabi nito.

            “Mr. Pedroza---” hindi pa rin maituloy ni Lj ang sasabihin.

            “Palibhasa mayayaman kayo kaya hindi nyo nararanasan tong hirap ko. Masyado kayong mayabang lalo na yang boyfriend mo, yang Spencer na yan!”

            Mula sa sinabing iyon ni Sam ay napakunot-noo ang dalaga.

            “Teka, hin---”

            “Oo iskolar lang ako pero hindi ibig sabihin nun ay pwede nyo na akong maliitin. Pwede bang pagsabihan mo yang mga kagrupo mo pati na rin yung boyfriend mong mayabang!” isa pang sabi ni Sam na sobrang ikinairita na ni Lj.

            “Hindi ko sya boyfriend!” malakas ang pagkasabi nun ni Lj dahilan para matahimik ang binata.

            “Hindi ko sya boyfriend. Tsaka pwede ba? Tumigil ka muna dyan at pagsalitain mo muna ako. Hindi ako makasingit sayo eh!”

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon