CHAPTER 22

269 5 1
                                    

Chapter XXII

Napapagitnaan si Troy ng dalawang naka-black Suit sa loob ng kotse. Nanatiling may tapang sa kanyang mukha.

Hangga’t huminto na ang kotse. Pumasok sila sa isang malaking mansion.

Ang Gil Residence.

Bumaba sila ng kotse at nakabantay parin ang mga lalaki sa binata.

“Bitiwan nyo na ako. Kaya ko ang sarili ko!” tinignan nya ng masama ang mga humahawak sa kanya.

At binitiwan na nga sya ng mga ito. At inayos ang suot na polo.

Nauna syang pumasok sa loob at naabutan nyang hinihintay sya ng kanyang mommy at daddy.

“Troy, anak!” sinalubong sya ng kanyang ina na bakas ang pag-aalala.

“Mom!” niyakap nya ang ina. Mis na mis nya ito.

“Kala ko magmamatigas ka pa rin eh!” bungad ng kanyang ama di kalayuan.

Saka sya kumalas sa pagkakayakap sa ina at hinarap si Mr. Gil.

“Bakit dad, kahit naman magmatigas pa ako. Hindi parin naman kayo titigil di ba?” matapang nyang sabi.

Humakbang naman ang ama palapit sa kanya.

“Hindi mo kasi naiintindihan Troy!” medyo may galit sa boses nito.

“Talaga! Talagang hindi ko naiintidihan kung bakit nyo ginawa sakin yun. Bakit dad? Bakit?” sa pangalawang bakit ay humarap sya sa ina.

“Troy---” mahinahon lang si Mrs. Gil.

“Ano? Bat hindi kayo makasagot? Ano ba kasing dahilan, bakit nyo ako ipapaka------”

“Nalulugi na ang kumpanya! At ang Seron Group of Companies lang ang makakatulong satin Troy!” hindi na nakapagpigil si Mr. Gil na sabihin sa anak ang totoo.

Hindi agad nakapagsalita si Troy. Napatingin sya sa kanyang ina. Umiiyak ito sabay ang pagtango.

“At ako? Ako ang nakita nyong kasagutan para sa pagkalugi ng kumpanya nyo? That’s unfair!” singhal nya sa ama.

“Troy, don’t you see it? Para rin sayo to anak.” Pilit ng ama.

Napatawa ng pagak ang binata.

“Oh come on dad. Wag na tayong maglokohan dito! Hindi para sakin yan, para sa kumpanya nyo!” tinuro nya ang ama.

“Troy anak, makinig ka muna.” Aktong lalapitan sya ng Mrs. Gil.

“No! Ayaw kong makinig sa inyo. Hindi ko gagawin ang gusto nyo! Hindi!” pagkasabi nun ay humakbang sya palabas ng mansion.

“Troy! Troy!” hinabol sya ng ina. Bigla itong napahinto at napahawak sa dibdib.

“Troy...” bigla itong napaluhod.

Nilingon sya ng binata.

“Mom!” mabilis ang hakbang nya pabalik. “Mommy!” nasalo nya ang mommy nya bago tuluyan itong nawalan ng malay.

May pag-aalala ring lumapit si Mr. Gil.

----------------

Dinala ang mommy ni Troy sa isang private hospital. Tumaas ang blood pressure nito kaya nawalan ito ng malay.

Naka-upo sya sa upuan sa gilid sa isang hallway ng ospital. Malalim ang kanyang naiisip.

Nilapitan sya ng kanyang ama.

“It’s all your fault. Kung hindi ka nagmatigas, hindi mangyayari to sa mommy mo!” kinuwelyuhan ni Mr. Gil ang anak.

“Dad, hindi ko naman ginusto na mangyari to. I’m sorry!” mahinahon na sagot nya.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon