CHAPTER 2

511 12 2
                                    

Chapter II

                Isang hapon, nasa harap ng campus ang grupo nila Lj. Ang Music Club. Naka-upo sila sa batong upuan at may mesang bato din ito sa gitna.

            Abala si Lj sa pagsusulat sa kanyang notebook nang bigla syang nilapitan ni Spencer na may hawak na gitara.

            “Hey Lj! Look at me.”

            “Later Spencer!” hindi man lang ito lumingon sa binata.

            Hindi naman pumayag ang binata at kinuha nya ang notebook nito at pinasa sa ibang kagrupo nila.

            “Hey! That’s mine.”

            “Mamaya na kasi yan Lj. This is a favor and i’m sure you’ll like it.” Pilit parin ni Spencer.

            Matagal silang nagtinginan ni Spencer.

            “Ok. I have no choice.”

            Malaki ang pagkakangiti ni Spencer. Nagsimula itong magtipa sa gitara na hindi inaalis ang tingin kay Lj.

“Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka.

 Sino ba tong mukhang gago at nagkandarapa sa pagkanta

  At nasisintunado sa kaba...”

Hindi mapigilan ni Lj ang mapangiti.

“Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin.

 Sa iyong tingin ako’y nababaliw giliw,

 At sa awitin kong ito, sana’y maibigan mo.

 Ibubuhos ko ang buong puso ko.

 Sa isang munting harana, Para Sayo...”

“Woohoo!” palakpakan ang member ng music club na sina Eula, Daniliz, Kiko at Ryan.

“So? You like it?” tanong ni Spencer kay Lj. Matagal bago sumagot ang dalaga.

“Hmm.. Ok na rin!” birong sagot ni Lj. Tawanan naman ang ibang member ng music club.

“Oh c’mon Lj. I saw your smile a while ago. Nagustuhan mo db?”

Sa mga oras ding iyon ay paparating ang grupo nila Sam, ang Cool Club. Galing basketball court ang mga ito at nagpapasahan sila ng bola.

Patuloy parin ang pangungulit ni Spencer kay Lj. Nang hindi nila inaasahan ay may tumamang bola sa batok ni Spencer dahilan para sya ay mapalingon.

“Ouch!”

Gumulong ang bola pabalik kay Sam. Pinulot nya ito at pinagpagan ang bola, naasar naman si Spencer sa pinakita ni Sam.

“Oops. Sorry, nakaharang ka kasi dyan eh. Yan tuloy natamaan ka, dapat kasi sa Music Hall nyo ginagawa yan. Hindi naman to ang tamang lugar para dyan.”

“Hey you! Who are---” hindi naituloy ni Spencer ang sasabihin ng biglang nagsalita si Lj.

“Excuse me? Sino ka para sabihin yan Mr. Pedroza. Pare-parehas lang tayong estudyante dito kaya may karapatan kami kung san namin gusto pumunta.” Halata sa mukha nito ang inis. “I knew it, hindi talaga kumpleto araw nyo kapag hindi nyo nasisira ang araw namin no?”

            Nabaling ang tingin ni Sam sa dalaga.

            “Wala kaming sinasabing ganyan Ms. Seron. At bakit naman namin sisirain ang araw nyo? ” sagot ni Sam.

"Untitled Love Song"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon