Dyes:
--------------------------------------
Trina's POV
Nung isang araw ko pa hinahanap ung laptop ko. Ichecheck ko kung my email na galing kay tanda. Pero til now I can't find it.
*tok tok tok
"Tricia, gising ka pa ba? Napansin mo ba ung laptop ko? Di ko kasi mahanap!" sigaw ko sa labas ng kwarto ni Two habang kumakatok. Hindi ko xa tinigilan hangga't hindi nya ako nilalabas.
"Two nakit--" hindi ko na naituloy ang pagkatok, binuksan na nya kasi.
"For God's sake Trina! It's almost 12 midnight na oh. Nauna ka pang magpaalam samin ni Three na matutulog ka na tapos hanggang ngaun gising ka pa?" aantok antok pa nyang sagot.
"Hehe. I'm sorry. So ano? Did u saw it?" nag-fake laugh with peace sign ako para hindi xa magalit.
Bumalik xa sa loob ng kwarto nya. May kinuha sa sidetable ng kama. "Eto ba?" nakataas na hawak nya ang laptop ko. Kukunin ko na sana ng bigla niyang nilayo. "Oops! Don't you remember that this is not yours anymore?" this time nasa likod na nya ang laptop ko.
"Tricia give that back to me!" matigas kong sabi sa kanya.
"Oh my sweetie! We had a deal. At the mall. Vince and the girl. The date! Remember?" putol putol nyang kwento. Napapataas ang kilay ko. Wala akong maalala.
Isip. . .
Isip. . .
Isip. . .
Isip. . .
*ting! (bombilya..)
"Naalala mo na?"-Tricia
"Yeah! Pero bakit di mo pinaalam na kukunin mo na? Para tuloy akong tanga na hinahanap ang wala." galit galitan ko.
"Hmp!" nagfake smile xa. "Hindi mo agad binigay sakin dat time so kinuha ko na lang." aba at ang kapal ng Tricia na to ah.
"Eh dapat pinag--" she closed the door. Strike 2 na. Patience Trina! "Goodnight my dear sister!" sigaw nya pa pagkasara ng pinto.
Aish! Humanda ka sakin Tricia. Babawian kita. Yan ang pinuputok ng butchi ko pabalik sa kwarto ko.
--------------------------------------------------
Trixxy's POV
"Aalis na ako!" paalam ko kina One and Two.
"San punta mo?"-Tricia
"Sa beach! Sa resort nila Prince aka Princess."- ako
"Okay! Ingat.." si Tricia na nagsalute pa.
"Ba't di mo kami sinabihan kagabi?" -Trina
"Next time nalang kayo sumama. Barkada trip yun ei."pagpapaliwanag ko. Baka kasi magtampo tong si One. "Gotta go! Baka ako na lang hinihintay." paalam ko.
"Fine. Enjoy!"-Trina
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Inistart ko na rin ang kotse ko.
*fastforward
Nandito na kami sa resort. It's somewhere in Pangasinan.
Wow as in ang ganda dito. It seems like a paradise.
Nasa beach na silang lahat. Naliligo na. Ako nalang ang hindi pa. Nagpapalit pa kasi ako ng swimsuit.
Sana di nila ako mapansin. Papalapit na ako sa kanila ngayon.
"Wow! Ang seksi ni Three oh!" oh my Harry bakit mo ko pinansin? Nakatingin na tuloy silang lahat.
"Witwiw!" isa pa tong si Nash lalo tuloy akong namula.
Nagtawanan naman silang lahat. Walang ibang tao dito. Kami lang. Pinareserve kasi ni Princess.
"Tigilan nyo nga ako. Aalis na ako dito sige." panakot ko sa kanila. Aktong aalis na ako pero hinawakan ako ni Patrick.
"Etong si Three oh hindi na mabiro. Haha."sabay akbay nya sakin.
Akala ko aakbayan nya lang ako. Nang biglang "Waaah! Patrick. Ibaba mo ako." bigla nya kasi akong binuhat. Nagtawanan na naman sila. Ibinaba din naman nya ako.
Walo kaming lahat sa barkada. 4 girls, 3 boys and a half-half, si Princess yun. Haha.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah!" biglang sulpot ni Prince aka Princess. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Guys meet Vin--"
"Vince?" ako
"Babe?" Vince
Sabay kami nyan. "BABE??!!" sigaw nilang pito.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Princess.
"Yeah! We're schoolmates." sagot ko.
"Boyfriend mo Three?" umakbay na naman sa kin si Patrick.
Hala! Bakit tong si Vince kung makatingin parang iniihaw na ako sa nagbabagang uling. Ansama na ng aura nya. Patrick pakitanggal na ng kamay mo please.
"I'm her future boyfriend." sagot nya. Ha?! Ansabee? Future boyfriend? Too much confidence ang baon nya. Haha.
Parang tatlo lang kami sa lugar na to. Tahimik kasi ung anim. Nakanganga pa. Haha. Kung sino ang magsasalita dun ang tingin nila.
Masama na din ang tingin ni Patrick. Nag-a-eye-to-eye na sila.
"V-vince! Ba't ka pala andito?" pumagitna na ako para matigil na ang patayan nila ng tingin.
"He's my cousin. Sinama ko kasi siya. "
"Ba't wala xa kanina sa van na sinakyan natin?"-ako
"He used his own car."- Princess
Nag-nod lang kami. Isang sasakyan lang kasi ang sinakyan naming barkada. Bumalik na din sa pagligo yung iba. Hinigit naman ako pabalik ni Patrick sa tubig. Kung anong itsura ni Vince? Ewan ko lang. Hindi na kasi ako lumingon.
------------------------------------------
Vince's POV
Sana hindi nalang ako sumama sa baklang to. Na-o-op tuloy ako. Ahh asar!
Nabigla pa ako ng makita ko si babe. Tapos tapos yung kasama nyang lalake kung makadikit sa kanya lintang linta ang dating. Nakakainis! Kaya ba ayaw nyang magpaligaw sakin kasi may gusto siya dun? Pwes! I'll make her fall for me. *evil grin*
"Hi Vince!" bigla xang umupo sa kaharap ng inuupuan ko. Hindi ako tumutungo para tingnan xa kasi ano eh, ung suot nya. Ano kasi nakakailang. "Hoy Vincent, ba't di ka namamansin?" tawag nya ulit. This time nakahawak xa sa chin ko. Napapikit naman ako. "Hoy! Ba't ka nakapikit? Ganun na ba ako kapangit para hindi mo tingnan?" nakapout siguro xa hindi ko makita eh. Malamang nakapikit ako. Hehe.
"Eh ba't kasi ganyan ang suot mo?" singhal ko sa kanya na ngayon ay nagmulat na ako ng mata. Gulat na gulat xa sa pagkasabi ko.
"Huh?! What's wrong with it?"takang tanong nya.
"B-basta magpalit ka na lang!" nag-iwas ulit ako ng tingin.
"Ayoko nga! Why should I follow you?" paalis na sana xa pero napigilan ko.
"Eh kasi nakikita ng barkada mo yang katawan mo." namumula na siguro ako pagkasabi nyan. Inabot ko sa kanya ung jacket. Hindi nya tinanggap.
"Haler! Beach to Vince. Dyan ka na nga!" iwanan ba naman ako. Pero sinundan ko xa baka makain xa nung linta.
"Babe! Wait." naabutan ko xa. Inakbayan. Halata namang nagulat xa pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Pati kabarkada nya napatingin din.
#