Dose:
Trixxy's POV
"Hindi mo pa rin pala naaasikaso Trina!" bungad ni tanda pagkarating namin.
"Isang linggo palang naman ah!" pagdadahilan ni Trina. Sinenyasan ni Tanda ang mga alagad nya. Biglang hinawakan si Trina at Tricia. Nagpupumiglas sila pero hindi sila makawala.
"How are you Three?" baling sakin ni Tanda. "Why don't you try to take the job? Dito muna ang mga kapatid mo!" pag-aalok nya.
"NO!!!" sigaw ni Trina. "Let me!" pinagdiinan nya.
"You're too slow Trina. I've already given you enough time but you didn't make it." malumanay na dahilan ni Tanda. "It's either Tricia or Trina will take the job!"
"No! Ako na!" pagtanggap ko sa pinapatrabaho nya.
"Three?!" bulalas nung dalawa.
"Don't worry girls. I can do it!" -ako
"Good!" sabi ni tanda. "You have 5 days para matapos Three."
"What? 5 days? Maxadong maiksi ang time na yan!" pagrereklamo ko.
"If you don't finish within that time. You'll never see your sisters again!" nagpanting ang tenga ko ng sinabi nya yun. "So will you take it or leave it?"
"Give me the profile." inabot naman ng alagad nya ang white folder.
"Remember Three 5 days or else." pagbabanta nya.
Lumapit ako kay One at Two. "I'll be back promise!" tsaka hinalikan ko sila sa noo. Umalis na ako at nagtungo sa bahay. Kailangan ko pang pagplanuhan ang mga galaw ko. "Five! I only have 5days!" pagkasabi ko nun, napaharurot ko ng mabilis ang kotse ko.
"Oh Trixxy asan sina Trina at Tricia?" tanong ni manang pagkarating ko ng bahay.
"Ah nagbakasyon lang po. 5 days silang mawawala." pagsisinungaling ko. Hindi na ako kumain ng hapunan. Dumiretso na ako sa kwarto ko para sa gagawin kong plano. Hindi basta basta ang taong ito. Yun ang alam ko kahit hindi ko pa nababasa ang profile nya. Basta samin ipag-uutos ni Tanda. Siguradong bigatin ito.
I should have to finish this before saturday.
I opened the folder. Isang business man ang babawian ko ng buhay. Ano kayang atraso nito kay tanda?
Nilabas ko ang mga nakatagong baril sa kwarto ko. Gagamitin ko silang muli.
Nagsimula na akong magplano para sa pagkitil ng buhay ni Mr. Sy.
Nang matapos ko ang plan A and B hindi ko na nagawang matulog pa. Iniisip ko ang kalagayan nung dalawa kong kapatid.
5 days. . .
5 days. . .
5 days. . .
5 days. . .
Paulit ulit na naglalaro sa utak ko ang mga katagang yan. Pinapaalala na di dapat ako mag-aksaya ng oras. Na para mabawi ko na sila Trina at Tricia sa kamay ng demonyong matandang yun.
"Trixxy hija? Gising ka pa ba?" tanong ni manang sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.
"Opo manang. Bakit po?"
"Hindi ka pa kumakain. Dadalhan ba kita jan?" alok ni manang.
"Hindi na po manang. Di naman po ako gutom. Bababa na lang po ako pag nakaramdam ako ng gutom."- ako
"Oh sige! Matutulog na ako ha!" paalam ni manang.
"Sige po."
Nag-i-internet surfing ako ngayon. Bigatin nga talaga ang Mr. Sy na yun. Isa xa sa laman ng isang website. Magkakaroon ng party ang mga bigating businessmen and women. Dito ko isasagawa ang plano.
-------------------------------------------
Sensya maiksi.. hehe .. may part 2 po yan..