Darkness 1

276 11 4
                                    

Dedicated to Kotorohikari! We're friends pala on FB gurl. di ko akalain. haha

***

"Hector maaari ko bang hiramin ang iyong unipormeng pambasket ball nong nakaraang taon?" Tanong ko sa amo/kaibigan na si Hector. Apo sya ng may-ari ng may pinaka malaking rancho dito sa amin. Dito sa Alegria!

"Oh, ito na Koko. Sayo na, di ko na gagamitin yan." Sabi nya sabay abot sakin nung kulay asul na jersey nya last year. Andito kami ngayon sa bahay ni Aleng Nena.

Siya yung dating katulong ng mga Dela Merced hanggang sa sya'y tumanda at ipinasya ng mga amo namin na patayuan sya ng sariling bahay, at ito na nga yon. Malimit kaming magpunta dito ni Hector, minsan nga't dito na sya natutulog dahil parang lola na ang turing nya sa matanda dahil ito na ang nag-alaga sa kanya simula nung maaksidente sila kasama ang kanyang mga magulang na syang kinamatay ng mga ito.

"Ayos lang talaga Hector? Di mo na to gagamitin?" Tanong ko pa uli.

"Oo Koko, ayos lang. Di ko na gagamitin yan!" Sagot nya.

Ayos! May bagong jersey na naman ako. Kahit na hindi naman talaga ito bago dahil nung isang taon pa to, mukha pa rin syang bago dahil minsan lang naman ginamit ni Hector. Baka isang beses nga lang eh.

Soccer player ako ng paaralan namin kaya magkaiba ang uniporme naming pang'sports, ngunit gusto ko rin yong mga jersey ng pangbasket ball, kaya kung may pagkakataon hinihiram o hinihingi ko kay Hector yung kanya. Binibigay nya naman agad kaya walang problema.

Makapal ba mukha ko? Di naman. Slight lang. haha.

"Tara Koko, samahan mo ko sa bayan at may bibilhin ako. Baka gusto mo na ring bumili ng gamit para sa pasukan? Libre kita!" Sabi nya sabay tayo.

Ayos ulit! Makakalibre ako neto... Alam nyo naman na siguro na trabahador lang si tatay sa rancho nila Hector at sakto lang ang sahod nya para sa pang-araw araw namin.

Nabigyan na ako ni itay para pambili ng mga gamit ko sa pasukan. Mukhang nakaipon sya ng konti kaya nabigyan ako ng mas maaga ngayon. Pero kung malilibre naman pala ako ni Hector. Bakit hindi di ba? Iipunin ko na lang itong bigay ni itay.

Hoy. Di ako gastador kung akala nyo. Nag-iipon ako dahil may gusto din akong abutin. Tao lang din ako tulad nyong mapangarapin!

Haha. Ang mais ko na.

"Sige Hector, Tara!"

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon