Darkness 5

129 8 0
                                    

***

Ang ganda talaga ng babaeng nakita ko nung isang araw. Chesca. Chesca daw ang pangalan nya!

Di ko maiwasang magmuni muni habang naglalakad. Andito ako sa Tinago falls, nautusan ni itay kanina. Inaya ko na rin sila Hector at ang barkada kanina na maliligo sana kami dito ngayon ngunit nagbago isip nilang lahat kaya walang nakapunta at ako lang mag isa. Nakakaputa!

Badtrip na talaga sana ako ng biglang lumiwanag ang paligid dahil nakikita ko na naman ang isang anghel. Si Chesca!

"Heyyy.." nilapitan ko agad siya. "Hindi ko alam na agad pala kitang makikita sa araw ding ito." Nawala bigla ang pagka badtrip ko. Di bale nang di naka punta sila Hector, andito naman si Chesca! Kung suswertehin ka nga naman.

Ngunit di nya ako sinagot at diretso lang ang tingin dun sa mga naliligo sa falls.

"Oh, suplada." sabi kong natatawa ng napagtantong di nya talaga ako sasagutin.

"Pwede ba, I don't talk to strangers." sabi nya'ng nakairap.

"Whoa! Spokening dollars!" natatawa ko pa ring sabi.

Parang ngayon sya naman ang badtrip na badtrip. Pero ang ganda nya parin talaga.

Huminga sya ng malalim na parang kinakalma ang sarili at biglang ngumiting bumaling sa akin, kaya nabuhayan ako ng loob.

"Taga maynila ka ano?" tanong ko sa kanya na agad nya namang sinagot.

"Oo. Ikaw? Taga san ka?"

"Taga rito lang, Chesca." sagot ko sa kanyang naka ngisi parin. Di sya nagsalita kaya dinagdagan ko na ang sinabi ko. "Naku! Ang ganda mo. Kung dito ka sana mag aaral, edi magkaklase tayo. Anong year ka na sa high school?"

"Ah, kakagraduate ko lang." sagot nya.

"See? Ako rin! Mag aaral ako sa Alegria Community College. Yung nasa may sentro. Nagbabakasyon ka lang ba dito?" dirediretsong tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero baka dito na rin ako mag aaral." sagot nya na agad nagpasaya sakin.

"Ganun? Sa Alegria CC din ba? Syempre! Anong kukuhanin mong kurso? Education, Agri Business at Business Ad lang ang offer dito eh!" pagbibigay impormasyon ko.

"Business Ad siguro." sagot nyang nakangiti.

Mas lalo naman akong natuwa sa sinabi nya.

"So na enrol ka na?"

"Hindi pa nga." sabi nyang ikinabigla ko.

"Ano? Bukas na ang last day a? At mag ti take ka pa ng exam."

"Oh, don't worry about it." sabi nya na parang wala lang sa kanya at nagkibit balikat.

May itatanong pa sana ako ng marinig ko ang boses ni itay at tinatawag ako.Hinahanap na ata ako. Napagpasyahan kong magpa alam na.

"Sige Chesca. See ya later, alligater!"

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon