Darkness 8

84 6 0
                                    

***

 First day ng pasukan, pinasyal ko si Chesca sa school since bago sya dito. Masayang masaya ako dahil sisimulan ko na talaga ang panliligaw sa kanya.

Dinala ko siya sa isang room ng subject na magkaklase kami.

"Klasmate tayo dito Chesca, pero wala pa naman masyadong pasok ngayon kasi unang araw pa lang. Yun ang alam ko!"

Tumango siya at inayos ang buhok dahil nililipad ng hangin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang ganda talaga!

"Koko pupunta na ako sa first class ko." Biglang sabi nya.

"Ha? Pero wala pang prof ngayon dun." Hindi sya sumagot at nagsimula na lang maglakad kaya sinundan ko.

"Uy Chesca, wait for me!"

"Koko, mamaya na lang tayo magkita." Utas niya'ng parang naiinis.

"Eh nililigawan kita, gusto ko lagi tayong nagkikita." Giit ko.

"Mamaya na Koko." Pinal na sabi nya. Alam kong pinagtitinginan na kami ng iba pero wala akong pake. Magsasalita nako ng marinig ko si Hector.

"Koko, tama na nga yan. Ayaw daw niya." Nakangising sabi nya.

"Hector... Pero akala ko...." hindi ko natapos ang sinabi ko dahil biglang nagsalita si Chesca na ikinatuwa ko.

"Ayokong magloko ka sa school Koko. Siguro mas maganda kung pumasok ka sa klase mo at papasok din ako sakin." Nakangiting sabi nya. Tama naman, kaya di nako nakipagtalo pa.

"Tama! Thanks, see ya later alligater." At pumunta na akong first class ko.

Pagdating dun naabutan ko lang ang mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi makipagkwentuhan o makipagchikahan tungkol sa mga pinaggagawa nila nung summer. Nakita ko rin si Abby at ang ibang babaeng barkada na palagi nyang kasama, kaklase ko sila dito. At tama ako na wala talagang prof sa first day.

Wala akong nagawa kundi umupo na lang sa isang bakanteng upuan. Iniisip ko kung ano nang ginagawa ni Chesca ngayon, panigurado wala din silang prof. Magkaklase kaya sila ni Hector?

Malalim pa rin ang pag iisip ko ng biglang may umupo sa tabi ko. Nilingon ko at nakitang si Abby to.

"Koko, ano bang balak mo dun sa bagong salta?" Tanong niyang ipinagtaka ko.

"Liligawan ko sya. Gusto ko sya Abby, kaya liligawan ko sya." Sagot ko.

"Bakit sa kanya Koko? Bago pa lang sya ah. Hindi mo sya kilala, wala akong tiwala sa kanya. Baka sa huli sasaktan ka lang nya." Naiiyak nyang sabi.

"Kaya nga liligawan ko sya diba? Ng mas makilala ko pa. Wag ka munang magsalita ng tapos." naiinis ako kaya iniwan ko sya at lumabas ng room.

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon