Darkness 7

102 7 0
                                    

***

Sa loob ng araw na yun palagi lang si Chesca nasa isip ko. Di talaga siya mawala wala eh. Kahit nagtatrabaho kami ngayon ni tatay sa bakahan, wala eh. Siya pa rin naiisip ko.

"Hector!" tawag ko sa kanya ng makita ko syang nangangabayo.

"Uy." Gamit nya na naman si Abbadon, yung paborito nya'ng kabayo. Pinahinto nya ito saglit at binalingan ako.

"Ano? Maganda ba iyong Chesca na pinakilala ko kanina?" Tanong ko. May gusto lang akong alamin at ang opinyon nya na rin!

"Hindi. Hindi ko type ang mga ganun, Koko. Mag ingat ka run. Mukhang manloloko." Natuwa naman ako sa sagot nya. At talagang nag bigay pa sya ng babala.

"Hector? Halos di makabasag pinggan ang mukha nun! Kita ko. Mala anghel. Tapos sasabihin mo saking manloloko?" Napailing na lang ako.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." patuloy nya pa ring sabi. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Magana akong nagtrabaho ngayon dahil may inspirasyon ako.

Nang nag linggo na, na utusan naman ako ni itay sa palengke. Sakto din namang may bibilhin din si Hector kaya sumabay na naman ako sa Jeep Commander nya. Wala pa rin akong ibang bukambibig kundi si Chesca habang nagba'byahe kami at mukhang nababanas na si Hector sakin.

"Tama na yan Koby. Masasaktan ka lang sa huli!" Minsan lang ako tawagin ni Hector ng Koby. Pag yan na ang tawag nya sakin, ibig saibihin seryosong seryoso na sya. Kaya nabigla talaga ako.

"Salamat sa paalala Hector, pero pupursigihin ko pa rin sya. Iba to Hecter eh, at mukhang mabait naman sya!"

"Wag mong sabihing di kita pinaalalahanan Koby." at napailing na naman sya. Bahala na.

Nauna akong matapos mamili, dahil konti lang naman pinapabili ni itay. Sabi ni Hector mauna na ako sa sasakyan, saglit lang daw sya. Di pa ako nakakarating ng parking, nakita ko na naman ang palaging laman ng isip ko. Nakasandal sya sa pick up nila, nilapitan ko na.

"Hello, mahal ko." Napatalon sya ng marinig ako. Biro ko lang naman ang mga endearments ko dahil natutuwa talaga ako pag ganyan ang reaksyon nya.

"Anong ginagawa mo dito Koko?" parang nairita nya'ng tanong ngunit nawala agad ng bigla sya'ng ngumiti. "I mean bigla ka na lang sumusulpot."

"Syempre, may binili lang sa palengke." kinindatan ko sya at biniro pa. "Kasama mo na naman tong kinakalawang na pick up nyo, ah?"

Uminit ang pisngi nya sabay sabing "Eh, sorry naman kung poor."

"Ok lang yan." tumawa ako. Gusto ko sanang humingi din ng tawad dahil mukhang nahiya talaga sya, pero hinayaan ko na. Imbes, tinanong ko sya kung nakapagsimba na ba sya? Umiling naman siya bilang sagot kaya inaya ko na, pero sa next na lang. Sayang din ang pagkakataon.

Parang nagdadalawang isip pa sya ngunit sumagot din.

"Depende Koko." nawala ang ngiti ko. Nagpapa hard to get ba sya?

"Oh, kala ko ba gusto mo ko?" Assuming na ba talaga ako? Gusto ko lang naman malaman eh.

"Ha?" mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Eh, diba binigyan mo ako ng pagkakataong manligaw?" Paalala ko sa kanya.

Mukhang nag iisip sya ng tamang isasagot sakin. Napakamot pa sya ng ulo.

"Oo." Mahinang tugon niya. Halos mapatalon ako sa tuwa. Ang laki na naman ng ngiti ko.

"SALAMAT!" Tuwang tuwang pagpapasalamat ko sa kanya.

Saglit pa ay nakarinig kami ng bumubusina. Sabay kaming lumingon ni Chesca dun. Si Hector pala. Nakalimutan ko sya saglit ah. Nauna pa tuloy sya sa sasakyan.

"Ay, andito na. Sige Chesca. Anyway, pwedeng malaman ang full name mo?"

"Seriously?" napataas ang kilay nya ngunit sinagot din ang tanong ko. "Francesca Alde."

"Alde?" Pinakatitigan ko sya. May hinala ako, pero di ko na pinansin, "Kaya pala maganda." sabi ko na lang, dahil mukhang nailang sya sa titig ko.

"See ya later, alligater!"

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon