Darkness 2

194 10 1
                                    

Dedicated kay ate, friends dn kami sa fb nyan. Co-admin sa Montefalco's.. lol. Hi ate, kilala mo na me! xD

***

Dumiretso na kami sa magarang sasakyan ni Hector pagkalabas ng bahay ni Aleng Nena. Hindi ko alam kung anong tawag nitong sasakyan nya... Commander or something? Napapa'englis ako neto ah? Langya!

Ay oo, Jeep Commander pala. Naalala ko na.

Syempre pumwesto na ako sa harap at sya nama'y sa driver's seat. Makikipag kwentuhan pa 'to eh.

"Ano Hector, siguro naman papansinin mo na si Kathy ngayong pasukan? College na tayo Hector ta's matagal na yung nagpaparamdam sayo. Sing tanda na ata ni aleng Nena yung pagpapapansinin nya sayo eh. Kawawa naman." Sabi ko sa kanya habang kinakabit yung seatbelt.

Tumawa naman sya habang pinapasok ang susi sa susian ng sasakyan at pinaandar na. "Hindi ko sya gusto Koko. Kung gusto mo ikaw nalang ang pumorma. O baka naman yung Abby ang mas type mo. Nagpapapansin din yun sayo ah?" At humalakhak sya.

Alam ko ang sinasabi nya. Hindi naman ako manhid eh, nararamdaman ko ang mga pagpapapansin ni Abby. Hindi naman sa nagmamayabang pero kahit mahirap lang ako may ipagmamalaki din naman ako kung pisikal na katangian ang pag uusapan. Lamang lang ng limang paligo si Hector sakin, bukod sa magara nyang sasakyan at mayaman sya!

Ha-ha. Mahangin ba?

"Tang*na mo Hector! Sayo may gusto tas ipapamigay mo?"

"Eh sa hindi ko sya gusto, anong magagawa ko?" Palusot niya.

"Eh, ano bang mga type mo? Siguro naman may nagustuhan ka na diba? Imposibleng wala! Baka nga dun sa amerika ang dami mong naging girlfriend? Ano Hector, sabihin mo na."

"Nakaka bakla ka Koko. Masyado kang chismoso. Wala. Wala akong type, wala pa din akong gusto. At lalong wala akong naging girlfriend sa amerika. Lagot ako kay tanda kung meron." Mahabang litanya nya.

"Asus Hector, ang arte mo! Umamin ka na kasi. Para namang di kita kilala!" Panggagantso ko din sa kanya.

Tumawa lang ulit sya. Ayaw talagang umamin oh?

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon