Darkness 4

138 8 0
                                    

 ***

Mabilis lang kaming natapos mamili ni Hector. May tig iisang supot kaming dala at napagpasyahang ilagay na sa kotse yung mga pinamili namin.

"Koko may nakalimutan pa pala ako, mauna ka na pakidala na lang to. Susunod agad ako." sabi niya sabay abot sakin nung supot. Kinuha ko yun at agad ng pumihit paalis. Ngunit di pa man ako nakalabas nakasalubong ko naman si Abby kasama yung mga barkada nyang si Kathy at Mindy.

Agad syang ngumiti nang makitang nakita ko rin sya.

"Hi Koko, namili ka na rin pala?" sabi nya sabay lagay ng takas nyang buhok sa likod ng tenga.

"Ah, oo Abby, kasama ko nga si Hector. May nakalimutan lang kaya bumalik. Ilalagay ko na to sa sasakyan nya eh, susunod na lang daw sya." sagot ko. Agad namang bumaling si Kathy at  si Mindy sakin. Nagulat ng malamang kasama ko Hector at andito rin.

"Hhhmmm. Let's go Abby, maya na yang landian nyo." sabi ni Kathy sabay kaladkad kay Abby at Mindy. Namula naman si Abby at agad ding sumunod. Sino ba namang hindi kung kinakaladkad ka na? Napa iling na lang ako at dumiretso sa parking.

Natagalan pa si Hector sa pagbalik kaya pinasya kong puntahan ulit. Ngunit may nahagip ang paningin ko na syang nagpahinto sakin. Kitang kita ko ang busangot na mukha ng isang maganda at may makinis na kutis na babae. Parang badtrip na badtrip sya, pero ang ganda nya pa rin kahit naka kunot na ang noo nya.

Lumapit ako sa kanya ngunit di nya napansin ang presensya ko, kaya sinadya ko talagang bungguin sya ng onti at ayon! Lumingon na sya sakin.

"Ooops, sorry!" humingi din ako agad ng paumanhin upang di nya ibaling ang kanyang pagka badtrip sakin. Ngumiti din ako at kinindatan sya. Ngumiwi sya at may sinabi ngunit di ko nakuha.

"Ako nga pala si Koko." pagpapakilala ko sa kanya at naglahad ng kamay. Napakagat labi sya at parang natatawa. Parang may nakakatawa syang naiisip tungkol sa pagpapakilala ko ngunit di ko na inintindi dahil inabot nya din naman ang kamay nya at sinabing Chesca daw ang pangalan nya.

Walang duda, ang ganda ng pangalan tulad nya, at ang lambot pa ng kamay! May sasabihin pa sana ako ng tinawag nako ni Hector kaya nagpaalam nako sa kanya.

"See ya later, alligater!"

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon