Darkness 10

136 10 0
                                    

***

Hindi ko alam kung bibigyan ko ng pansin ang mga mumunting pahiwatig ni Hector. Malakas talaga ang pakiramdam ko na may laman ang mga yun.

Hahayaan ko nalang muna. Ang dapat kung bigyan ng pansin ay ang panliligaw ko kay Chesca. Napangiti ako ng maalala sya.

"Nak, ang laki ng ngiti natin ah? Ano bang meron?" Naku, nahuli pa pala ako ni itay na ngingiti'ngiti dito. Baka isipin nya nabubuang nako.

"Tay, ano bang palatandaan na umiibig ka na?" Fvck! Di ko alam kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko. Natanong ko pa talaga kay itay. Langya talaga! Ito na ba ang epekto ni Chesca? Nakakabakla!

"Umiibig na ba ang anak ko? Naku nak wag ka munang mambuntis ha? Di pa tayo mayaman eh. Wala ka pang pampamanhikan kung sakaling magpapakasal ka na." Aniyang tumatawa pa. Ngunit napansin ko ang lungkot sa mukha nya kahit nakangiti sya. Siguro naiisip din nya si inay tulad ko.

Tatlong taon na rin ng iwan nya kami. Di na ako nasundan nila kaya wala akong kapatid at kami nalang dalawa ni itay magkasama ngayon.

Naalala ko pa dati tuwing uuwi si itay galing bukid alam kong pagod na pagod sya pero pag sasalubungin na sya ni inay ng yakap ngingiti na sya at parang bulang biglang maglalaho ang pagod nya.

Alam kong mahirap lang kami pero di kami nagkulang sa pagmamahal, lalo na ako na mahal na mahal at alagang alaga nilang dalawa dahil nag iisang anak nga lang. Kaya naman talagang nahirapan akong tanggapin ang pagkawala ni inay. Mahal na mahal ko sya, wala nang mag aalaga sakin lalo na't parang nawala din si itay nung mga panahong yun. Alam kong mas naapektuhan sya dahil wala na ang taong pinakamamahal niya.

"Eh tay ang layo naman ng sagot mo. Tinanong ko lang po kung anong palatandaan ng mga taong umiibig. At anong kasal sinasabi nyo? Syempre mag aaral pa ako ng mabuti para masabitan nyo ako ng medalya pagka graduate!" Sagot ko sa kanya at humagalpak ng tawa. Naiisip kong sa panaginip ko lang mangyayari yun.

"Yan ang tama nak. Kung andito lang ang inay mo, proud na proud yun sayo." Malungkot pa ring sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

"Naks. Nagdadrama ka na naman tay. Tama na yan, sagutin nyo na lang po yung tanong ko!" Pag iiba ko ng usapan.

"O sige nak. Ganito, di ko naman talaga alam kung anong mga palatandaan sa pag-i pag-ibig na yan. Ang alam ko lang nung nakilala ko ang inay mo, di ko na sya makalimutan. Pag andyan sya parang ang liwa'liwanag ng paligid, di ko pa nga sya makausap ng diretso nun eh, nabubulol ako. Nakakantyawan tuloy ako ng mga katropa ko." Kitang kita ko ang saya sa mukha nya. Di na sya nagsalita pagkatapos nun at parang nagbabalik tanaw.

Hinayaan ko na sya at di na inistorbo. Naiisip kong sana ay magkaroon din ako ng pag ibig na tulad ng sa mga magulang ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon