Darkness 3

158 7 1
                                    

Dedic. for her, kc sya una naglagay ng story na to sa readingslist nya! lol. Hi beh. :D

***

"Koko, pakidala nga nung bola sa likod. Papahanginan ko, mukhang kulang sa hangin eh." Sabi ni Hector sakin pagka park nya ng sasakyan sa likod ng pamilihan. Bumaba naman ako agad at pumunta sa backseat.

"Ge Hector, ito'ng Spalding na bola ba?" tanong ko sa kanya sabay abot dun sa bolang may "SPALDING". May dalawa pa kasing bola dito sa likod, bale tatlo lahat at may iba't ibang pangalan. Kinuha ko yung pinaka bago.

"Teka, bago pa to ah. Ba't kulang agad sa hangin Hector?" tanong ko ulit sa kanya bago pa man nya masagot yung unang tanong ko. Nakakapagtaka kasi na ke bago bago pa at kulang na sa hangin agad!

"Yan na kasi ginamit ko, straight 4 days simula nung binili ko yan. Hindi ko na naisipang palitan nung iba kaya ganyan, tas hiniram pa nila Harvey nung isang araw, di ko alam ano nangyari? Tara!" sagot nya sabay aya sakin patungo sa may shop.

Pagkatapos namin dun sabay na kaming bumili ng mga gamit pang skwela, syempre libre nya. Ayos diba?

Malapit na talaga ang pasukan kaya dapat maghanda na kami. Tapos naman na kami mag take ng Entrance Test sa Community College, kaya paghahanda nalang sa mga gamit ang kailangan.

"Hector salamat talaga dito ha?" pasasalamat ko sa kanya. Sabihin nyo nang makapal ang mukha ko, pero sino ba namang tatanggi sa grasya diba? Sinasabi ko inyo hindi ako yun.

"Walang anuman Koko, wag ka mag alala pababayaran ko yan sayo!" sabi nyang naka ngisi.

"Ano? Kala ko ba libre? Takte Hector sinasabi ko sayo maghihintay ka ng isang taon bago kita mababayaran." sagot ko sa kanya na gulat na gulat  at nanglalaki ang mga mata sa sinabi nya.

"Hahaha. Ang epic mo Koko. Kung nakita mo lang mukha mo! Ang epic talaga.. Grabe!" tawa lang sya ng tawa. Minsan di ko maintindihan ang isang to eh. May sira ata? Pasalamat sya't amo ko sya at lamang ng limang paligo sakin, kundi nakatikim na to. Lol, dejk. Syempre amo ko yan at di ko yun magagawa bukod sa mabait talaga ang gagong to.

Siguro kung alam nya'ng mga pinag iisip ko, ako ang mabibigwasan nito. Pero bago pa ako makasagot sa kanya may sinabi naman syang agad nagpawala ng kaba ko.

"Di bale Koko, di naman kasi pera ipapabayad ko sayo. Pabor lang ang hihingin ko sayo." napabuntong hininga naman ako. Salamat naman at pabor lang pala ang hihingin nyang kapalit.

"Oo ba, anong pabor ba yon Hector?" tanong ko agad sa kanya. Kahit ano pa yan gagawin ko. Sya pa? Malakas yan sakin eh.

"Basta. Di pa ngayon Koko, sasabihin ko nalang sayo pag kailangan ko na." sagot nya.

"Cge. Sabihan mo lang ako. Handa kitang paglingkuran Mahal na Amo." at yumuko pa ako para talagang kuha yung akting ko sa pagiging alalay nya kuno.

At nakatanggap naman agad ako ng batok sa kanya sabay sabing "Gago!" at sabay din kaming tumawa. Napapalingon tuloy yung ibang mamimili sa amin.

DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon