Chapter 4- New friend?

13 2 0
                                    

Pagkatapos ng klase habang nag-aayos siya ng mga gamit niya para pumunta sa next class niya. Nilapitan siya ng babaeng katabi niya at kinausap.

"Hi." Bati sa kanya ng babaeng katabi niya. "Umm, hi?" Pagbati niya ng may pag-aalinlangan. "Yung ginawa mo kanina–." Di pa man tapos magsalita ang babae pinigilan na ito ni Abby.

"Kung sasabihin mo lang na isa akong babaeng walang inuurungan o di kaya isang walang hiya o isang baliw na inaway ang anak ng principal. Well, save your breath dahil di mo na kailangan pang sabihin yun." Pagpapaliwanag niya.

"Umm, well I just want to say that what you did a while ago is... IMPRESSIVE!" Nagulat si Abby sa mga narinig niya ang akala niya ay bubulihin o tatarayan na naman siya ng babae lalo na at maganda ito. Pero kinausap at pinuri pa siya nito.

"Ahh? Okay, thanks?" Sagot niya sa babae. "Don't worry. Di ako katulad ng mga ibang babae. Di kita aawayin. In fact I was really impressed on what you did. Cause no one dares to fight against them." Sabi sa kanya ng babae.

"Ahh, ganun ba. Siguro takot sila dahil anak ng principal ang babaeng yun." "Umm, my answer would be definitely yes!!! Exactly, takot sila na baka ma-offend nila si Elise Tang kaya pinapabayaan na lang nila na bulihin sila nito. Until dumating ka, sa tingin ko magiging maganda ang first year of senior high ko!" Sabi ng babae na halatang na-excite.

"Ganun ba." Maikling sagot ni Abby. "Ahh, bago ang lahat i think i owe you an introduction. My name is Lyndsay Ji. You? What's your name?" Pagpapakilala ng babae sa kanya. "I'm Abby. Abby Xi." Maikling pagpapakilala niya. Kinuha naman ni Lyndsay ang kamay ni Abby at agad naman nitong nakipagshake hands.

"I hope we can be friends?" Pagtatanong niya kay Abby. "Oo naman. Masaya akong maging kaibigan ka." Sagot ni Abby ng naknhiti. "Ahh, sa tingin ko kailangan ko nang pumunta sa next class ko. Ano ba ang class mo?" Pagtatanong ni Lyndsay.

"Umm, sa tingin ko English ang next class ko." Pagsagot ni Abby. "Good, parehas tayo ng class tara punta na tayo." Pagaaya ni Lyndsay.

Pagkatapos ng English class, Science class at History class nila ay lunch time na. "Abby, tara. Ayusin mo na ung gamit mo kakain na tayo ng lunch."

Pumunta sila sa cafeteria at kumuha sila ng pagkain. Tinuruan siya kung paano umorder gamit ang ID niya. Kumuha si Abby ng Tuna pasta, french fries, burger at softdrinks. Mahilig sa pasta si Abby kaya lagi siya kumakain nito.

"Abby doon na tayo umupo." Umupo sila sa bakanteng dalawang upuan at isang lamesa. "Okay, kainin mo na yan dahil 12:00 o clock na may pupuntahan pa tayo." Pag-uutos sa kanya ni Lyndsay.

"Ha!? Saan naman tayo pupunta?" Pagtatanong ni Abby habang kumakagat ng burger. "Sigurado akong hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito sa school. Swerte mo nga eh maaga ka dumating sa classroom. Madalas kasi ang mga transfer students di pinapansin lalo na kung magtatanong ng direksyon dahil ayaw nila ang mga ganun." Pagpapaliwanag niya.

"Oo nga eh. Di halata na ayaw nilang maging mapa." Pagrereklamo ni Abby. "Hahahaha kaya nga ituturo ko sayo kung saan ka dapat pumunta pagkatapos mo kumain. Ahh, oo nga pala kung walang tumulong sayo paano ka nakarating sa classroom?" Pagtatanong niya sa dalaga.

"Sa totoo lang hindi naman lahat ng tao sa school na toh ay masungit kagaya mo mabait ka sa akin. Kasi may bumangga sa aking lalaki kanina at tinulungan niya ako makapunta sa classroom." Pagpapaliwanag niya sa kaibigan. "Ano naman pangalan ng lalaki?" Tanong ni Lyndsay. "Hala! Di ko pala natanong kung anong pangalan ng lalaki."

"Pero ano naman hitsura?" Tanong ni Lyndsay habang kinakain ang pizza niya. "Gwapo, matangkad at mabait." Pagdedescribe niya sa lalaki. "Wow grabe naman pala yun 3 in 1 na." Nagtawanan ang magkaibigan at kumain na.

Pagkatapos kumain umalis na sila sa cafeteria at nilibot ni Lyndsay si Abby sa loob ng campus.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon