Chapter 1- First day

15 4 0
                                    

"Abby!!! Abby!!! Abby gising na! Baka malate ka sa school!" Sigaw ng mama niya mula sa kanilang kusina. "Hmm! Opo ma!!! Kanina pa po ako gising pababa na po ako!" Sagot niya sa kanyang mama. "Abby, nagawa mo. Nakapasok ka na sa Royale Highschool. Thank you Lord. Ang kailangan ko na lang ay mag-aral ng mabuti para makapagtapos na ako." Bulong niya sa sarili.

"Morning ma! Wow, ang sarap ng pagkain ah. Sino may birthday?" Tanong niya sa kanyang mama. "Ano ka ba porke't nagpasya at chicken tayo may birthday na. Nagluto ako ng mga paborito mo kasi last day mo na dito sa bahay bago lumipat sa dorm mo. Magiging busy ka na rin kaya naisip ko na pasarapin toh last breakfast natin."

"Ma huwag mo nga yang sabihin para ka namang nagpapaalam eh." Sabi ni Abby habang sumusubo ng pasta. "Hay naku ikaw talagang bata ka." Sabi ng mama niya sabay upo sa tabi niya.

"Good morning family Xi!" Sigaw ng kapatid niya. Siya si Mikka Xi Ang nakababatang kapatid ni Abby. Nasa 1st year highschool palang ang kapatid niya at honor student din sa isang private school. "Lagot nandito na ang kapatid mong parang naka-droga." Sabi ng mama niya sa kanya.

"Ma! Anong naka-droga!?" Pagrereklamo ng kapatid niya. "Paano ba naman kasi lagi kang high." Sagot naman sa kanya ng mama niya. "Ma! Di ba pwedeng parang machine gun lang ang bibig ko!" Pagdadahilan niya.

"Ayy oo nga pala ate tumawag na ba si papa?" Tanong niya sabay upo sa hapag-kainan. "Ah oo nga pala di pa tumatawag si papa. Ma tawagan na kaya natin siya." Sabi niya sa kanyang kapatid at mama.

Isang OFW ang papa niya sa Hongkong. Tinatawagan nila ito palagi bago pumunta ng school. "Papa!" Sigaw ni Mikka. "Papa first day po ng klase namin ni Ate Abby." Sabi ni Mikka. "Oo nga pala noh first day na ng eskwela niyo Mikka makinig ka palagi sa teacher ha. Huwag puro daldal. Kapag honor ka pa rin ngayong school year bibilhan kita ng bagong cellphone at laptop." Sabi ng kanyang papa.

"Yey! Sabi mo yan papa ha bibilhan mo ako ha." Paninigurado niya. "Oo naman. Ikaw naman Abby mag-ingat ka dun sa bago mong iskul. Ano nga ba ulit pangalan nun riyo, raye,  rooy—" "Royale Highschool po." Pagtatama niya. "Ahh yun nga ayusin mo ang pag aaral mo ha balita ko matatalino at mayayaman ang mga nagaaral dyan kaya pagbutihan mo. Huwag ka rin makipag away para di mawala ang scholarship mo ha." Pagpapaalala ng kanyang papa.

"Opo tatandaan ko po yan." Sagot niya. "Oh paano na ibababa ko na toh ha magtatrabaho pa ako." Pagpapaalam ng kanilang papa. "Ba-bye papa!" Sabi nilang tatlo. "Tut." Pagbaba ng tawag. "Oh kung tapos na kayo, mag-toothbrush na at sakay sa sasakyan." Utos sa kanila ng mama nila.

Sa loob ng sasakyan. "Oh Mikka naalala mo sinabi ng papa mo ha mag-aral kang mabuti para makuha mo ung cellphone at laptop mo. Tignan mo ang ate mo mag-aral siya ng mabuti at kahit na private school iyon di siya nawala sa honor kaya maaga namin siyang nabigyan ng gadgets." Sabi ng kanyang mama.

"Oo nga po. Natatandaan ko po. At dahil di na sa bahay titira si ate wala na akong mapaghihiraman ng cellphone o laptop. Kaya pagbutihan ko po ma." Sagot niya sa kanyang mama. "Oh nandito na tayo Mikka. Bumaba ka na susunduin naman kita mamaya ng 4:00 pm. Dalian mo ihahatid ko pa ang ate mo at 4:00 am na." Utos ng kanyang nanay.

"Ma! Bakit kasi ang aga Ng dating ko. Wala pang katao tao oh. Tsaka mamaya pa namang 7:30 am ang pasok ko eh. Isama mo muna ako ma sa school ni ate at di ko pa din naman yun nakikita eh." Sabi niya sa kanyang mama.

"Ha? Eh nandito na tayo eh." Sabi naman sa kanyang ng kanyang mama. "Ma! Di ba may trabaho ka ngayon. Tsaka pagbalik mo pagkatapos ihatid si ate mga 7:00 na yun kasi tatlong oras ang biyahe di ba ma? Kaya sama niyo na muna ako. Please. Please ate." Pagmamakaawa niya.

"Hay Abby ikaw na ang bahala." Utos sa kanya ng kanyang mama. "Dahil tama ang pag calculate ng oras ni Mikka sa pagbalik at pagpunta mula dito papunta ng school ko. At may dahilan din siya. Payag na akong sumama siya." Sagot niya. "Yehey! Oh ano ka na mama, bleh!" Asar Ni Mikka sa kanyang mama.

"Di talaga ako mananalo sa inyong dalawa. Oh sige dahil nakapagdesisyon ka na, tara na!" Pag-aaya ng mama niya.

"Oh Abby nandito na tayo sa gate. Mahigpit pala ang security dito kailangan pang magpakita ng ID ng estudyante." Pagrereklamo ng kanilang mama. "Mama Mia! A-ate ang laki ng school mo at ang SOSYAL pa. Wow, parang castle." Sabi ni Mikka na May paghanga.

"Abby saan ba kita ibababa sa dorm na lang ba?" Tanong ng kanyang mama. "Ah opo sa dorm na lang po ma." Sagot niya. "NO WAY!! Ate ito ang d-dorm mo!?" Sabi niya habang in shock.

"Yup!" Maikling sagot niya. "Ate ang ganda sobra. Mas maganda pa ang kwarto mo dyan kaysa sa bahay. May aircon, may sariling wifi, may terrace, may sariling kusina, may sariling banyo at isang malambot at makinis na kama. Grabe ate pwede ba akong tumira dito?" Pagtatanong niya.

"Hoy ikaw na bata ka. Di iyon pwede. Kung dito ka rin titira sino nang kasama ko sa bahay?" Pagsaway niya kay Mikka. "Akala ko ba ma ayaw niyo sa akin kasi para akong naka-droga tapos gusto niyo pa rin naman pala akong kasama." Sabi niya sa mama nila.

"Ano ka ba? Gusto kitang kasama kasi wala akong choice. Kung papipiliin ng ako na kung sino sa inyong dalawa ang titira dito ikaw ang pipiliin ko. Para naman mawalan na kami ng adik sa bahay." Pagpapaliwanag niya.

"Ate oh si mama!" Sumbong ni Mikka sa kapatid. "Tama na nga po yan. Kayong dalwa lagi na lang kayo nag-aaway. Tara naihahatid ko na kayo sa kotse at papasok na rin po ako sa school. 6:00 am na ma ang klase ko po ay magsisimula ng seven at hahanapin ko pa po ang classroom ko." Pagyaya niya sa dalawa.

"Oh sige na aalis na kami ingat ka ha nagmessage ka o tumawag ka lagi sa amin bago at pagkatapos ng klase mo. Oh di kaya pagkatapos ng part time job mo okay." Pagpapaalala ng kanyang mama. "Opo gagawin ko po yan ingat po kayo sa biyahe. Mikka mag-aral kang mabuti ha huwag muna magboyfriend." Paalala niya.

"Opo ate. Baka nga ikaw pa ang magka-boyfriend. Sige na ate bye!" Pagpapaalam nila habang nasa loob ng kotse. "Bye!" Pagpapaalam din ni Abby. Nagdrive na ang mama niya palabas ng gate ng school.

Lumingon siya sa napakalaking entrance ng kanilang school sabay sinuot ang backpack niya. "Royale Highschool here i come." Sabi niya sa sarili. Sabay pasok sa checkpoint ng school.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon