Chapter 6- Trouble!!!

9 2 0
                                    

"Abby uuwi ka na ba sa dorm mo? Sabay na tayo." Pag-aaya ni Lyndsay. "Ahh oo uuwi na ako pero aalis rin ako maya-maya." Sagot sa niya.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong sa kanya ni Lyndsay. " I'm going to my part time job sa isang cafe. Nagsimula na kasi ako last month eh. Nagbiyahe lang ako mula sa amin hanggang dito." Pagpapaliwanag niya.

"Oh sige, let's go back first sa dorm natin since first day ng school. Wala pa tayong homeworks kaya sasama ako sayo sa part time job mo."

Bumalik ang dalawang magkaibigan sa kanilang dorm at nalaman nilang magkatabi lang pala sila ng kwarto kaya pinapasok na lang ni Lyndsay at pinaghintay si Abby sa loob ng kwarto niya.

"Dito ka muna. Mag shoshower lang ako at magbibihis pagkatapos ko pupunta na tayo sa kwarto mo. Okay?" Sabi niya sa kaibigan. "Okay." Maya-maya natapos ng magbihis si Lyndsay. Kinuha niya ang wallet niya at pumunta sila sa kwarto ni Abby.

"Wow! You gotta be kidding me. Ang linis ng kwarto mo! Di katulad sa akin ang dumi! Marami pa pala akong di alam sa iyo. Di ko alam na isa ka palang CLEAN FREAK!!! Sana pala nilinis ko muna ang kwarto ko. And you know what's worst ginawa mo yun in the short period of time! Para ngang 20 min. mo lang ginawa yun eh.

Flashback
"Dito ka muna. Mag shoshower lang ako at magbibihis pagkatapos ko pupunta na tayo sa kwarto mo. Okay?" Sabi niya sa kaibigan. "Okay."

Napansin ni Abby na makalat ang kwarto ni Lyndsay kaya naglinis siya. "Kahit na wala silang katulong sa bahay nila mukhang tamad talaga siyang maglinis. Huff, I really can't bear it." Bulong niya sa sarili. Isa kasing clean freak si Abby. Mahilig siyang maglinis at mabilis rin siyang kumilos.

"Abby tapos na ako mali-" Di na niya natapos ang sinasabi niya ng mamangha sa nakita niya. Naging sobrang linis ng kwarto niya. Maayos ang mga libro niya. Pati rin ang kama, natupi ng maayos ang mga damit niya, hugas na ang lahat ng plato, wala na rin ang mga basurang nakakalat sa buong kwarto at higit sa lahat naging maaliwalas at mabango ang kwarto niya.

"D-di ako makapaniwala na nagawa mo tong lahat sa loob lang ng 20 minutes!? Sa tingin ko kailangan kitang papuntahin sa kwarto ko araw araw! Hehe."

End of flashback

"Maliligo lang rin ako at magbibihis ha. Pwede kang manood ng tv muna." Pagaaya niya sa kaibigan. "Sige."

"Tapos na ako." Lumabas si Abby na suot suot ang kaniyang uniform. Kumuha rin siya ng isang zipper jacket para matakpan ang kanyang uniform. At dahil naka jeans siya hindi halata na nagtatrabaho siya.

"Oo nga pala Lyndsay. Pwede mo rin bang isekreto ang pagtatrabaho ko sa coffee shop. Ayaw ko lang kasi na malaman toh ng mga kaklase natin at gumawa pa ng malaking gulo. Baka nga matangal pa sa akin ang scholarship ko." Pakikiusap niya sa kaibigan.

"Of course no problem." Lumabas na ang magkaibigan sa kanilang dorm at pumunta na sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Abby.

"Good afternoon po sir Vincent." Pagbati niya sa may ari ng coffee shop. Vincent Oh siya ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan ni Abby. Senior rin siya ni Abby sa school nila dahil Grade 12 o second year senior high siya. Honor student rin siya sa section A l. At higit sa lahat isa rin toh sa mga gwapong senior.

"Sabi ko naman sayo di mo na kailangan maging sobrang galang. Isang taon lang naman ako mas matanda sayo bakit kailangan mo pa ng 'po'. Ginagawa mo na akong matanda eh." Pagsasaway niya sa employee niya.

"Ayy, pasensya na po. Ah, pasensya na sir." Pagtatama niya sa sarili. Isang server si Abby sa coffee shop. "Ahh, oo nga pala May gusto ka bang orderin Lyndsay?"

"May dinala ka palang kaibigan dito Abby. Wow naman first day pa lang may kaibigan ka na." Sabi sa kanya ni Vincent. "Ahh, sir si Lyndsay nga pala kaibigan ko. Sinamahan niya rin ako dito kasi gusto niya rin daw magbasa dito."

Isa kasing coffee shop library ang part time job niya. Pwede kang magbasa habang kumakain o naghihintay sa order at tsaka libre rin ang wifi. "Ganun ba kung ganun nice to meet you Ms. Lyndsay. Hope you enjoy your meal." Sabi ni Vincent kay Lyndsay. "Thank you."

"Ito na ung order niyo ma'am. One cappuccino and blueberry cheesecake. Enjoy." Sabi niya habang inilalapat niya ang mga pagkain. "Okay thanks." Sagot naman ng kaibigan niya.

"Di ka pa babalik mamaya pang 6:00 pm ang uwi ko eh." Pag-aalala ni Abby. "Hindi pa tsaka may gagawin rin naman ako dito magreresearch ako ng tungkol sa lesson natin kanina." Sagot naman sa kaniya ni Lyndsay.

Bumalik na sa trabaho si Abby. At maya-maya May pumasok na dalawang lalaki. "Welcome sir, may i ask your order?" Pagtatanong niya ng malumanay.

"Umm, one black coffee ang akin." Sabi ng isang lalaki. "Me, same as him." Sabi ng isang lalaking nagcellphone. "Okay sir." Sagot ni Abby.

Maya maya nang ibibigay na ni Abby ang order. "Sir ito na po ung- ahh!!!" Nagkabanggaan si Abby at ang lalaking nag-cecellphone kaya natapunan si Abby ng mainit na kape. "What the- Ano bang klaseng server ka!!!" Sigaw nang lalaking nabangga niya. Nabasa rin ang lalaki pero kaunti lang naman, kumpara kay Abby na halos buong damit niya ay natapunan.

"Sorry po sir. Di ko po sinasadya. Tumayo po kasi kayo bigla ng ilapag ko na po ung-" Di pa natatapos ni Abby ang sasabihin nang magsalita ang lalaki. "Now you're saying that I'm the one who cause this trouble!!!" Pagdepense naman ng lalaki sa sarili niya.

"Excuse me anong nangyayari dito?" Pagtatanong ni Vincent. "Sir Vincent di ko po sinasadya na matapon sa kanya ung kape. Nagkabanggaan po kasi kami." Pagpapaliwanag niya. "Vincent ikaw ba ang may ari nito?" Pagtatanong ng lalaking natapunan ng kape.

"Oo ako nga." Sagot ni Vincent. "Oh, that's why pati server mo useless!Parehas kayong dalawa!" Sigaw ng lalaki sa kanila ni Abby at Vincent. Umalis na ng coffee shop ang dalawang lalaki at napansin ito ni Lyndsay at nagulat siya dito.

"Anong ginagawa nila dito?" Bulong ni Lyndsay sa sarili. At nakita niya si Abby na basang basa ang damit. "Abby, are you okay? What happened?" Pagtatanong niya. Nasa malayo layo kasing lamesa si Lyndsay at naka earphones siya kaya di niya alam ang nangyari.

"Ikukuha lang kita ng damit Abby ah dito ka lang." Sabi ni Vincent sa kanya. "Tell me ano ba talaga ang nangyari. Bakit basang basa ka?" Pagtataka ni Lyndsay. Ikinwento ni Abby ang mga nangyari at nagulat ang kaibigan niya ng marinig iyon.

"You mean ang dalawang lalaking kakaalis lang. My gosh you know what, you're in trouble!!!" Pag-aalala sa kanya ng kaibigan. "Why would I be in trouble? It's me who got wet, and still I'm the one who's in trouble?! So pathetic!" Pagdedepensa niya sa kanyang sarili.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon