"Ano!? Maging maid niya!?" Sigaw ni Lyndsay sa cafeteria. Kaya nagtinginan ang mga tao sa kanila. "Ano ka ba ang ingay ingay mo naman. Oo nga sabi niya kung gusto ko daw na i keep niya ang secret ko sundin ko daw siya."
"Pero di ba mas nakakahiya yun? Kasi para kanyang alalay sa loob ng school?" Pagtatanong ng kaibigan niya. "Hindi naman namin ipagsasabi kahit kanino ang tungkol dun. Yung mga close friends lang naman namin ang pagsasabihan namin. Tsaka may laban na rin naman ako sa kanya, noh."
"Paano ka nakakasiguro tsaka ano naman yung laban mo sa kanya?" Tanong ni Lyndsay.
Flashback
"Ano sabi mo maid mo?" Tanong ni Abby. "Oo, di ba mas simple lang. Di na kita itorture o di kaya i kick out sa school na toh gaya ng mga sinasabi mo. You just need to be my maid." Sagot naman sa kanya ni Charles.
"Sige papayag ako sa dalawang kondisyon." Pagsagot naman niya sa lalaki. "May kondisyon ka pang nalalaman ah. Sige kung may dalawa kang kondisyon meron din ako." Mayabang na sagot niya sa babae.
"Sige pero ako muna. Una gusto ko na tutupad ka sa usapan na hindi mo ipagkakalat na nagtatrabaho ako sa coffee shop at na maid mo ako. Kung hindi gagantihan kita." "Oh sige payag ako dun. It's my turn now. My first condition is, you need to do everything i say."
"Yun lang ba? Sus ang dali lang naman. Ako naman. Ang huling kondisyon ko dapat bayaran mo ako monthly." "Ano why do i need to pay you every month?" Pagtataka niya.
"Huwag kang magalala 24/7 naman ako eh. Tawagan mo lang ako and i'll be there." Sagot ng babae habang naka cross arms siya at sabay na itinataas ang dalawang makakapal niyang kilay.
"Okay, payag na ako I'll pay you every month. What about P30,000 is that enough?" Pagtatanong ng lalaki habang naka cross arms din. "Wow boss ang laki nun ah sige ayos na ako dun. Sabihin mo na ang huli mong kondisyon para matapos na tayo." Pag-uutos niya sa lalaki.
"And my last condition is... BAWAL MA INLOVE SA ISAT ISA." Sabi ng lalaki habang nakapamulsa sa kanyang leather jacket. "Ano!?" Pagtatanong ni Abby.
"Bakit di ka ba sang ayon?" Tanong sa kanya ng lalaki. "Hindi. Ibig kong sabihin oo sang ayon naman ako pero feeling ka naman na ma iin-love ako sa tulad mo." Mataray na sagot niya.
"Since we agree on all our conditions. Being my maid will start tomorrow. Don't worry i won't go back to my words." Sagot ng lalaki habang nakangiti.
"Hoy huwag na huwag ka talagang hindi tutupad sa pangako mo dahil may hawak rin ako sayo." Sabi ni Abby.
"And what do you have against me?" Sabi sa kanya ng lalaki sabay ismid.
"Alam ko na nag-aaral ka sa section A l. Kaya kapag nalaman ng buong school ang tungkol sa masamang ugali mo towards girls. At nakarating sa dean... di ko na alam kung anong mangyayari." Sabi niya sabay ng pagkibit balikat niya.
"Oo na we have a deal." Sagot ng lalaki na para bang naiinis.
End of flashback
"Ikaw talaga. Basta may pera go na go ka. Pero sigurado ka bang kaya mo? Pag-aalala sa kanya ng kaibigan.
"Kakayanin ko!" Sagot niya. "Pero paano naman ang trabaho mo sa coffee shop?" Tanong sa kanya ng kaibigan. "Napag-usapan na namin yun. Sabi niya since na nagtatrabaho ako doon exempted daw yun sa pagiging maid ko sa kanya." Pagpapaliwanag niya.
"Support naman ako sayo Abby kung ano ang gusto mong gawin eh. Ill support you no matter you like." Sagot ng kaibigan niya. "Thank you ha ang bait mong kaibigan."
"Of course and your welcome." sagot sa kanya ng kaibigan.
"Good that you're here." Sabi ng isang lalaki. "Pwede bang makiupo." Nagulat si Abby ng marinig ang boses ng lalaki at nang tumingin siya tama nga ang himala niya si Charles Su nasa cafeteria rin.
"Are you done staring Abby? Or baka naman na break mo na agad ang second condition ko?" Bulong sa kanya ni Charles.
"Hindi noh. Tsaka kung gusto mong umupo marami namang ibang upuan ah. Sa iba ka na lang umupo." Pag-uutos nito.
"Pwede naman yun pero gusto ko dito eh. Tsaka malay mo baka malaman pa ng buong royal highschool ang-" di pa man din niya natatapos ang sasabihin niya. Pinigilan na siya ni Abby. "Oo sige na pwede ka naman talaga umupo dito eh kasama ung dalawa mong kaibigan." Sagot niya.
"Sounds good. Mukhang sinusunod mo na first condition ko ah." Sabi ng lalaki sabay ang kanyang ngiting mapang-asar.
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Romance•Hmm... I think we'll be even now. •Got captured by a school hearthrob or is it a school demon? Paano nangyari ito? Kailangan kong makawala sa kanya bago mahuli ang lahat at mangyari ang kinakatakutan ko. Pero sa tingin ko huli na ang lahat.Tama nga...