Chapter 14- About the past

4 1 0
                                    

Kinabukasan

Maagang pumasok si Abby at si Lyndsay. Pero nang lumabas sila wala silang nakitang anino o kahit man lang bakas ni Charles.

Medyo nalungkot si Abby. Pero di lang niya ito pinahalata kay Lyndsay.

Nang matapos niya ang klase niya palihim siya na nag-aabang kay Charles ngunit hindi ito dumating o kahit man lang dumaan sa classroom niya.

Canteen

Ngayon ay nasa canteen silang dalawa ni Lyndsay at umupo sa isang malaking lamesa na lagi nilang inuupuan kapag nandyan sila Charles.

"Abby!" Tawag sa kanya ni Lyndsay. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala at pa tingin tingin sa paligid eh."

Tumango lang siya.

"It seems like you're waiting for something or is it... 'someone'." Pagdidiin ni Lyndsay.

"A-ah ano?! H-hindi noh! B-bakit ko naman siya hihintayin?!" Pag dedeny niya.

"Aha! Huli ka! Alam ko nang hinihintay mo nga talaga siya." Malakas na sigaw ni Lyndsay. "Pero nasaan na nga ba si Mr. Su? Bakit kaya hindi siya nagpapakita sa atin?" Pagtataka ni Lyndsay.

"Hmph! Baka naman natauhan na siya! Siguro ay nabunggo niya ang sarili niya at nalaman na mali ang pinaggagawa niya sa akin!" Sigaw rin ni Abby.

"Chill, okay. Pwede rin naman yun pero bakit galit at malungkot ka pa di ba dapat masaya ka na dahil makakalaya ka na sa Su na yon?" Tanong ni Lyndsay.

"A-anong sinasabi mo diyan? B-bakit naman ako magiging nalungkot? K-kung ganun nga ang mangyayari ay m-mas magiging masaya ako." Sabi naman niya sa kaibigan.

"Mmmm? Talaga ba? Eh, paano naman kung meron na siyang nagugustuhang babae at wala nang oras para kulitin ka?" Sarkastikong tanong ni Lyndsay.

"Ano!?" Mas malakas na sigaw ni Abby kaya napatingin ang lahat ng kumakain sa canteen sa kanya. Pati na rin si Lyndsay at nagulat sa inasta niya.

"A-ano. Ang i-ibig kong sabihin p-pakielam ko." Papahinang sabi ni Abby sa kaibigan at tsaka umupo.

"Oh, andyan pala sila eh." Sabi ni Lyndsay na dali dali namang tinignan ni Abby.

Hinanap niyang mabuti ang sinasabi ni Lyndsay pero di niya ito nakikita. At nalaman na lang niya na pinaglalaruan lang pala siya ni Lyndsay nang marinig niya ang tawa nito.

"Hahahaha! Akala ko ba wala ka nang pakielam bakit ang bilis mo na man atang tumingin? Anong bang meron?" Natatawang tanong ni Lyndsay.

"Tsk!" Tanging nasabi ni Abby.

Nagpatuloy lang sila sa pagkain ng magsalita ulit si Lyndsay.

"Oh? They really came."Sabi ni Lyndsay habang nakatingin sa likod ni Abby.

"Alam mo bumenta na sa akin yan. Kaya wag mo nang ulitin." Sagot naman sa kanya ni Abby na hindi man lang tumingin sa likuran nito.

"Hindi kaya." Pagdedepensa ng kaibigan niya.

"Hi girls!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nilingon naman ito ni Abby at nakita niya si Erick kasama si Justin at si... Charles na buong magdamag na niyang hinahanap.

"Hi babe." Sabi ni Erick kay Lyndsay at naglakad papunta sa kanya at umupo sa tabi nito.

Babe!?

"Anong Babe?!" Tanong niAbby.

Napatingin naman sa kanya silang lahat maliban kay Charles.

"Hindi mo pa alam?" Tanong ni Justin.

"Ang alin?!" Pagtatakang takong ni Abby.

"Kami na." Sagot naman ni Lyndsay sa kanya.

Tumingin naman sa kanya si Abby na puno ng pagtataka.

"Ano!? Kailan?! Paano?! Bakit di mo sinabi?!" Sunod sunod na tanong ni Abby.

"Ah. Kahapon lang nung nasa trabaho ka. Paulit ulit niya kasi akong tinatanong eh kaya sinagot ko na siya. Di ko nasabi sayo kasi nag-aalala ako baka pagod ka na. At sasabihin ko na sana ngayon sayo kaso bad mood ka eh." Pagpapaliwanag ni Lyndsay.

"Sigurado ka ba diyan sa lalaking yan?" Tanong ni Abby sa kaibigan.

Dahil sa sinabi niya napatingin tuloy ang lahat kasama na si Charles sa kanya.

"A-anong akala mo sa kaibigan ko manloloko?!" Tanong sa kanya ni Charles.

"Oo! Bakit hindi ba? Kilala siya sa buong school bilang chickboy. Kaya bakit ako magtitiwala sa kanyang hindi niya lolokohin ang kaibigan ko?!" Sigaw niya kay Charles.

"Abby. Huwag ka naman ganyan, alam kong masama ang tingin nang mga babae sa kanya dati. Pero nagbago na siya." Mahinahong sabi sa kanya ni Lyndsay.

"Papaano ka naman nakakasiguro? Dahil para sa akin once a cheater, always a cheater." Sabi naman ni Abby.

"Alam kong mahihirapan kang maniwala pero totoo yun nagbago na talaga ako." Sabi naman ni Erick sa kanya na ma'y maamong mukha.

Tinignan naman si Abby ng lahat at para bang gusto nilang malaman kung maniniwala siya o hindi.

"Erick. Mag-usap nga tayo." Sabi ni Abby. "Ung, tayong dalawa lang." Dagdag pa niya.

Napatingin naman sa kanya si Charles.

"B-bakit kailangan pang kayong dalawa lang? Pwede naman kayong magusap dito ha." Si Charles.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Sabi ni Abby sa kanya sabay tayo. Sinundan naman siya ni Erick palabas ng Canteen.

"Lyndsay, sa tingin mo ano kayang mangyayari?" Tanong ni Justin.

"Pakiramdam ko magkakaroon na ng world war 3." Sabi ni Lyndsay Habang sinusundan nang tingin ang kaibigan at boyfriend niya.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Abby kay Erick.

Kinakabahan si Erick na baka kung anong gawin sa kanya ni Abby. Pero gusto rin naman niyang patunayan na seryoso siya kay Lyndsay.

"A-ano? A-anong gusto?" Utal niyang sabi.

"Anong gusto mo para layuan ang kaibigan ko? Kung gusto mo siyang makitang masaktan ng dahil sayo itigil mo na ang kalokohan mo." Deretsahang sabi ni Abby.

"H-hindi! Hidi ko siya gustong makitang masaktan o umiyak lalong lalo na ng dahil sa akin. Mahal ko siya, abby. At pangako ko sayo na hinding hindi ko siya sasaktan." Sabi naman sa kanya ni Erick.

"I don't believe in promises. For me actions speak louder than words. At kapag nakita kitang nagloko sa kaibigan ko. Baka di mo na ulit makita ang gwapo mong mukha kahit kailan. Naiintindihan mo ba?!" Sabi ni Abby.

'Gulp'

"Oo. Naiintindihan ko." Maikling sagot niya kay Abby.

"Magtitiwala ako sayo ngayon. Pero sa oras na biguin mo ako. Ipinapangako kong mamamahinga ka na habang buhay." Nakakatakot na sabi ni Abby. At sabay tumalikod dito at bumalik sa Loob.

'Gulp'

"Grabe. Nakakatakot siya sobra." Sabi ni Erick sa sarili sabay hawak sa magkabilang braso niya.

Bumalik na rin naman siya sa loob pagkatapos nun. At nagpatuloy lang ang buong araw nila.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon