"Hay ano ba yan wala namang nangyayari sa akin. Kanina pa ako naghahanap ng classroom ko pero wala. Di ko alam na sa loob ng magandang reputation ng Royale school mayroon na rin palang mabahong sikreto." Sabi niya sa sarili.
Flashback
"Saan ko ba makikita ang section A l?" Bulong niya sa sarili. May nakita si Abby na tatlong babaeng makikinis, magaganda at mukhang mayayaman. Nilapitan niya ito at nagtanong.
"Excuse me, Miss pwede ba akong magtanong? Itatanong ko lang sana kung saan ko makikita ung section—" Di pa man din natatapos ni Abby ang sasabihin. Nagsalita na ang babae. "What!?" Sabi ng babae kay Abby.
"Ahh, di ka ba nakakaintindi ng Tagalog. Uhm, miss i just wanna ask if you know where to find my section? It's actually section—" Habang nagsasalita si Abby pinutol na naman ito ng babae.
"Hey, you! Alam ko kung paano magtagalog di ako mangmang tulad mo section na lang di mo pa makita! At higit sa lahat do I look like a map!?" Sabi ng babae sa kanya ng pasigaw. "I think you're a transferee that's why you have the guts to ask me where to find your damn section!" Sigaw ulit sa kanya ng babae.
Dahan dahang lumapit sa kanya ang babae at tinapat ang bibig nito sa tenga ni Abby. Binulong niya na. "If you don't want to be in trouble. Then don't ever talk to me." Bulong sa kanya. Habang tumatawa ang dalawang babae sa likod nito.
"Come on girls! Let's leave this trash alone!" Sigaw nito. Tuluyan na ngang umalis ang magkakaibigan na nakangisi. Natauhan si Abby at nang tumingin sa paligid napansin niyang pinagtitinginan na pala siya ng mga tao.
"Ano ba yun? Nagtanong naman ako ng maayos ah tapos sasabihin niya pang do I look like a map?Mopmopin ko mukha mo eh. Oo mukha ka ngang map. Kamukha mo yung map ni Dora the explorer. Tapos ung dalawa mong kaibigan ung backpack at si boots. Kainis hay." Sinabi ni Abby sa kanyang sarili habang naglalakad.
Kahit na sinong tanungin ni Abby ay hindi siya tinutulungan. Pinagtatawanan lang siya ng mga tao lang nakakita ng nangyari kanina. Wala man lang gustong tumulong sa kanya. Naghahanap nga si Abby ng guard pero mukhang walang guard sa loob ng campus nila.
End of Flashback
"Paano na yan quarter to seven na pero wala pa rin akong nakikitang section A 2. Tatlong building na rin ang napuntahan ko pero pito ang building nito kaya baka mahihirapan akong hanapin ito isa isa." Sabi niya sa sarili habang naglalakad ng nakayuko.
"Saan ko ba talaga makikita yung— ahhhhhhhhhh!" Sigaw ni Abby sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Meron pala kasing bumangga sa kanya. "Miss, I'm sorry are you okay? Are you alright miss?" Pagtatanong ng lalaki. Dahan dahang iniangat ni Abby ang kanyang ulo at sinabing. "Bakit mo ba kasi ako—" Sabi niya ngunit naputol ito dahil sa nakita niya ang mukha ng lalaki.
Mala anghel ang mukha ng lalaki. Maputi ito, makinis ang mukha, gwapo, at napansin di niyang matangkad ito. "Miss are you alright? Do you want me to send you to the infirmary? Hey miss, why are you startled? Are you hurt?" Sunod sunod na tanong ng lalaki.
Natulala na lang si Abby sa kagwapuhan ng lalaki. At ng matauhan siya. "Ahh, hindi ayos lang ako. Di naman ako nasaktan." Mabilis na responde niya sa lalaki.
"I'm glad to hear that. Sorry miss ha di kasi kita nakita nung tumatakbo ka. Ah, sandali transferee ka ba? Para kasing di pa kita nakikita dati." Sabi ng lalaki. "Ahh, oo transferee nga ako. Sa totoo niyan hinahanap ko nga ang section ko pero kahit isang oras na akong naglalakad dito wala pa rin akong nahahanap."
"Naghahanap ako ng guard o teacher pero wala akong makitang paggala gala." Sabi niya sa lalaki. "Yun ba. Wala ka talagang makikitang guard o teacher na paggala gala. Di kasi pwede sa loob ng campus ang mga guard at ang mga teachers naman nasa kani-kanilang office. Tsaka 15 min. na lang magsisimula na ang klase." Pagpapaliwanag ng lalaki.
"Oo nga eh pero di ko pa rin makita ang classroom ko." Malungkot na sabi sa kanya ng lalaki habang tumatayo. "If you don't mind tutulungan kitang makita ang classroom mo." Pag-aaya ng lalaki.
"Talaga!?" Sabi sa kanya ng babae. "Oo naman bawi ko na rin ito sa iyo dahil nabangga kita. Tara." Sabi ng lalaki sa kanya. Naglakad sila ng lalaki at tinandaan ni Abby ang mga dinaanan nila.
"Here you go. Ito ang classroom mo. Section A 2. Pasok ka na para makahanap ka pa ng upuan." Pag-aaya sa kanya ng lalaki. "Hmm, sige papasok na ako ha. Salamat ulit sa tulong mo. Bye." Sabi niya sa lalaki. "Bye." Sagot naman nito sabay wagayway ng kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Love Between Us
Romantizm•Hmm... I think we'll be even now. •Got captured by a school hearthrob or is it a school demon? Paano nangyari ito? Kailangan kong makawala sa kanya bago mahuli ang lahat at mangyari ang kinakatakutan ko. Pero sa tingin ko huli na ang lahat.Tama nga...