Chapter 16- Living together 1

6 2 0
                                    

At the park

"Abby!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Mabilis na tumingin si Abby sa taong tumawag sa kanya. At hindi siya nagkamali ng akala ito ay si...

"Charles!" Sigaw ni Abby.

Tumatakbo si Charles papalapit kay Abby habang si Abby naman ay tumayo.

At nagulat si Abby ng tuluyang makalapit si Charles sa kanya ay bigla siya nitong NIYAKAP!!!

"Akala ko di na kita makikita." Sabi ni Charles sa kanya na yakap yakap pa rin si Abby.

Rinig na rinig ni Abby ang paghabol ng hininga ni Charles. Halatang napagod ito kakatakbo.

"C-charles. A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Abby sa kanya tsaka sila nagbitiw sa pagkakayakap.

"A-ah. K-kasi nalaman ko na pinaalis ka sa dorm niyo. K-kaya hinanap k-kita." Nahihiyang sagot naman ni Charles.

"At paano mo naman nalaman na pinalayas ako?" Taas kilay niyang tanong.

"A-ah. Kasi..."

Flashback

Charles Dorm

"Ano na naman ba ang ginagawa niyo ditong dalawa?" Tanong ni Charles sa dalawa niyang kaibigan na ngayon ay nakaupo sa sofa ng kwarto niya.

"Ano ka ba? Para namang di mo kami kaibigan. Andito kami para samahan ka!" Nakangiting sagot ni Erick at tsaka kumuha ng Softdrink. Umupo siya sa tabi ni Justin at kinuha ang cellphone niya.

"Samahan mo mukha mo!" Sigaw ni Charles at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"Hala!" Malakas na sigaw ni Erick.

Halos mabitawan ni Charles ang hawak niyang baso ng tubig ng sumigaw si Erick.

"Hoy, ano ba! Kung makasigaw ka akala mo naman katapusan na ng mundo! Ano bang nangyari!?" Inis na sigaw ni Charles. Habang si Justin naman ay para bang wala pa rin pakialam sa nangyayari.

"S-si... S-si... S-si... A-ano kasi..." Utal utal na sabi ni Erick.

"Sino ba!? Siguro nag-away na naman kayo ni Lyndsay ano!? Kainis nang dadamay ka pa!" Mas inis na sigaw ni Charles.

"Baliw! Di kami nag away ni Lyndsay! Tungkol toh sa jowa mo!" Sigaw naman ni Erick kay Charles.

"Hahaha! Idadamay mo pa ako diyan eh wala naman akong... Bakit!? Anong nangyari kay Abby?!" Biglang tanong ni Charles.

"Eh, akala ko ba wala kang jowa!? Tapos ngayon nalaman mo nang si Abby yun? Bakit jowa mo ba siya?" Sarkastikong tanong naman ni Erick.

"Sabihin mo nalang sa akin kung ano ang nangyari kay Abby!" Si Charles.

"Kasi sinabi sa akin ni Lyndsay na... pinaalis si Abby sa dorm nila." Malungkot na sabi ni Erick.

"A-ano?!" Sigaw ni Charles.

At tsaka kinuha ang jacket niya at lumabas.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Pahabol na tanong ni Erick.

Di lang ito pinansin ni Charles at dali daling pumunta sa dorm.

Naabutan niya doon si Lyndsay. Pero nung dumating si Charles ay wala na si Abby. Sabi sa kanya ni Lyndsay na baka nasa malapit lang si Abby.

Kaya hinanap niya ito at nakita nga niya si Abby sa Park.

End of Flashback

"A-ah ano. M-may nagsabi lang sa akin." Pagdadahilan niya.

"Sino? Si Lyndsay ba?" Tanong ni Abby.

Hindi sumagot si Charles at hindi rin ito tinapunan ng tingin.

"Ah. Si Erick." Sabi pa ni Abby na tatango tango.

"P-paano mo nalaman?" Takang tanong ni Charles.

"Ung mukha mo." Sagot naman ni Abby na nakatingin lang sa malayo.

"Why? What's the problem with my face? May nakasulat bang si Erick ang nagsabi sa akin?" Takang tanong niya.

"No, there's nothing written on your face. But your facial emotions told me the truth. You're kinda nervous when I ask if that's Lyndsay." Deretsahang sabi niya.

"Eh paano mo nalaman ang kay Erick?" Si Charles.

"You don't have lyndsay's phone number. Magboyfriend sina Lyndsay at Erick. Malamang sa kanya mo iyon nalaman." Nakangiting sabi naman sa kanya ni Abby.

"Ahh, oo nga noh." Sabi naman ni Charles na tumango tango rin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Abby.

"H-ha?" Parang binging tanong ni Charles na kahit narinig naman niya ito.

"Bakit ka ba nandito?" Pag-uulit ni Abby.

"K-kasi di ba. W-wala ka namang matutuluyan?" Sagot ni Charles.

"Oo. Eh ano naman sayo?" Deretsong sabi ni Abby.

"K-kung gusto mo... A-ah p-pwede kang tumira sa... Condo ko." Nahihiyang sabi ni Charles.

"Ha?" Tanong ni Abby kahit na narinig niya ang sinabi nito. Sadya lang na nagulat ito sa sinabi ng lalaki.

"A-anong ha?" Takang tanong ni Charles.

"Ang ibig kong sabihin... kaya ka nandito ay para sabihing doon ako sa condo mo matulog, tama ba?" Paglilinaw ni Abby. Para kasi itong nabingi sa sinabi ni Charles.

"Oo. B-bakit? A-ayaw mo ba?" Sabi ni Charles na kunot ang noo.

"Ah, hindi naman sa ganun. Kaso nga lang sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ako? Gusto mo kong... patirahin sa condo mo?" Pag-uulit pa niya.

"O-oo nga. Ang kulit mo naman eh." Sagot naman ni Charles.

"Pero bakit?" Dagdag pa na tanong ni Abby.

"Anong bakit? H-hindi ba pwedeng patirahin ko ang maid ko sa condo ko? Tsaka sabi mo dati di ba. Huwag kang magalala 24/7 naman ako eh. Tawagan mo lang ako and i'll be there." Pagdadahilan pa ni Charles na tila bang ginagaya niya ang boses ni Abby.

"Ahh. Oo nga noh ma'y point ka naman. Pero akala ko kasi nagiging mabait ka na sa akin. Kasi kung magiging mabait ka sa akin baka iba ang isipin ko." Pang-aasar sa kanya ni Abby.

"A-anong iniisip mo?! P-pakielam alam ko ba sa iisipin mo! Isipin mo ang ang gusto mong isipin!" Sigaw ni Charles.

"Kung mali ang iniisip ko bakit ka nauutal at nilalayo mo ang tingin mo sa akin. Ha?" Pang-aasar pa niya.

"H-hindi noh! Kung ayaw mo sumama edi wag!" Galit na sigaw ni Charles.

"Hoy sandali hintayin mo ako sasama ako!" Sigaw ni Abby.

Condominium

"Wow!" Maanghang sabi ni Abby. "Ang laki naman nito tapos ikaw lang ang nakatira. Ang yaman mo talaga." Dagdag pa niya.

Maganda talaga at malaki ang Condo ni Charles. Halata ding mamahalin ito. At ngayon lang kasi nakapasok si Abby sa isang condo.

"Hmm. May Isa akong libreng kwarto sa taas dun ka matutulog." Seryosong sabi ni Charles.

"Ok." Sagot naman ni Abby.

"Oh, sige na. Umakyat ka na. It's already 9:00 pm. There's still class tomorrow kaya kailangan maaga ka magising." Pagpapaalala ni Charles.

"Yes, I know. Matutulog na ako goodnight." Pagpapaalam ni Abby.

"Goodnight." Sabi rin ni Charles sa kanya habang tinitingnan palayo si Abby na umaakyat sa taas.

Papasok na siya ng kwarto niya ng maalala niya.

"Wait. Did she just say...goodnight to me? Oh, this is freaking awesome." Ngiting ngiti na sabi niya sa sarili at sinarado ang pintuan ng kwarto niya.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon