Chapter One

244 2 1
                                    

Keira's POV

Tik tok. Tik tok.

Hay! Ang tagal mag uwian.

Tik tok. Tik tok. Tik -- ow! Narinig kong tumatawa yung mga classmate ko sa kin.

Ang sakit ah. Binato na nga ako, tinawanan pa ko.

"Miss Monteza! Are you even listening to me?" tanong sa kin ng dragong si Miss Santiago.

Yes ma'am. Nakita mo namang tulala ako sa wall clock eh. Malamang nakikinig ako sayo.

"N-n-no po, ma'am. I'm sorry po." I lower my head. Nakakahiya kayang mabato ng chalk sa noo.

KRIIIIIINNGGGGG!

Yes! Save by the bell!

"Okay, class. For your assignment, read Chapter 6 of the book. Miss Monteza, be sure to be attentive next time. Class, you may go." pagkasabi nyang yun ay lumabas na sya at nagwawala ng lumabas ang mga kaklase kong lalaki.

Ang malas ko naman. Nag aabang lang naman ako ng oras para mag uwian na eh. Naku naman.

"Sa susunod kasi wag kang mag aabang ng uwian."

"AY PALAKANG TUMALON TALON NANG WALANG PAA. Ano ba Tori? Seriously? Akala ko ba umuwi ka na," bwisit tong babaeng to. Ang hilig manggulat.

"Sino bang inaalala mo? Si Zayn Malik? No worries, ako ang mahal nun," proud na sabi nya sa kin.

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo. Kahit kaunti lang. Para sa ikakapayapa ng mundo," sumimangot naman sya sa sinabi ko. I rolled my eyes.

Putchatan. Ako ang excited sa mga kaklase ko na umuwi sila pa ang nauna sa kin. Lumabas na kami ng room at pumunta sa parking lot.

"You know what, blah blah blah," hay naku. Heto na naman sya sa storya ng pagiging fashionista nya.

Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, ako nga pala si Keira Celine Monteza. 20 years old. BSBA. Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management. Actually, hindi ko naman talaga gusto tong course na to eh. Ang gusto ko talaga, Architecture. Since, dala ng kahirapan dati, hindi ko na tinuloy. Mahirap kayang mag shift nang 4th year ka na at malapit ng magtapos. I just met my true parents two years ago. I am the long lost daughter of the owner of Monteza Homes and Lifescapes, Inc. Yung bestfriend ko? Sya si Victoria dela Vega. Long time bestfriend ko sya. Anak sya ng may - ari ng dela Vega Foods, Inc.

Covering my ears like a kid
When your words mean nothing I go la la la
I'm turning up the volume when you speak
If my heart can't stop it, I find a way to block it
I go la la, la la la la la la la la
La la, la la la la la la la la

"Hoy," siniko ako nung bestfriend ko. I look at her in 'WTF-look'.

"May tumatawag sayo," ay. Ano ba yan, sarili kong ringtone di ko alam. I reach for my phone inside my bag. Si Papa tumatawag. May kinalaman ba to sa kumpanya? Noong nakaraan kasi narinig ko na pabagsak na daw ang marketing and sales ng kumpanya eh.

"Hello 'pa?" I said as soon as I hit the accept call.

"Anak, umuwi ka ng maaga. We have something to tell you," sabi ni Papa. Sa tono pa lang ng boses ni Papa, mukang may problema.

"Sige 'pa. Makikisakay na lang po ako sa kotse ni Tori."

"Okay, anak. Mag iingat ka," with that, he ended the call.

Tori is looking at me wide eyed. She's giving me a 'really-look'.

"Really. So, tara na. Dahil sabi ni Papa kailangan kong umuwi ng maaga."

"Okay." We walked to her car and get in. Sana naman hindi ito tungkol sa company.

---------

"Thanks. Ingat ka," sabi ko kay Tori nang makarating na kami sa bahay.

"Bes, good luck. Alam mo naman na siguro ang lame na tradition ng mga mayayaman kapag pabagsak na ang company nila di ba?" sabi nya. Naikwento ko kasi nung nakaraang linggo yung tungkol dun sa hinala ko sa kumpanya namin eh.

"Don't worry. Hindi mangyayari yun. Sige na, inaantay na ko sa loob," sabi ko. She smiled at me and drive away from our house. Teka, house ba tong matatawagan o mansion? Sige na nga house na nga. Yun naman tawag ng mga magulang ko dito eh.

Pumasok na ko sa bahay namin at nagulat ako nang may nakita akong bisita sa living area. Kausap sya ni Papa at ni Mama.

"O, nandito ka na pala anak. Halika," lumapit ako at dun ko lang na realize na si Lolo pala ang bisita.

"Lolo!" I quickly drop my bag and hug him. Namiss ko kaya to.

"Wow, ang ganda naman talaga ng apo ko," sus, pabola effect pa si Lolo.

"Syempre mana sayo," ganti ko kay Lolo. Naku! Halos 6 months ko ring hindi nakita si Lolo ah. Nag travel kasi sya sa Korea. Actually nga kaya nyang mag travel mag isa eh. Pinilit lang kasi sya nila Mama na magsama ng guard para daw may aalalay sa kanya. Pero tingin ko hindi na kailangan. Malakas at matipuno pa syang tignan eh.

"Hija, get changed first. After that, you can go downstairs," sabi ni Mama sa kin.

"Yes 'ma," Kinuha ko yung bag ko saka hinalikan ang pisngi nila Mama't Papa, syempre kay Lolo rin. Then, I ran upstairs.

Ang room ko? Naku, ang laki laki. Mas malaki pa sa unit ni Tori nung nakikitira pa ko sa kanya. Hindi ko pa pala nakukwento sa inyo kung pano ako nawala.

So the story goes, when me and my Lola are going back to our home. Gabi na kasi natapos ang party nang kaibigan ni Lola. I was tired and so does my Lola. I was told to go to sleep dahil nga malayo pa ang byahe namin. Dahil mabait ako, hindi ako natulog. I was staring at the dark open fields outside nang mapansin kong may kotse rin sa likod namin. As a 6 years old, I was so intimidated at everything and amazed by it. So, tinignan ko lang sya nang tinignan. The driver said na may sumusunod daw sa min. I don't understand why they are so whiny kung may sumusunod sa min. Basta ang alam ko, tumigil na lang kami sa isang open field at pinaalis kami ng driver sa kotse. We were running at the endless field nang barilin si Lola. Sa pag aagaw buhay nya, she told me to run. I ran as fast as I can and I ended up in a place near a house. Ang may-ari ng bahay na yun ang kumupkop sa kin at nag alaga. Unluckily, namatay sila nung 16 ako. Naaksidente yung bus na sinasakyan nila nung luluwas sila dito sa Manila para icelebrate yung birthday ko. Nag - aaral na kasi ako nung time na yun dito sa school na pinapasukan ko. To strive for living, nag aaral ako sa umaga at kumakanta sa resto na pagmamay-air ng pamilya nila Tori. Sa unit ako ni Tori nakikitira at ako na ang nagbabayad sa tuition ko nun. Si Tori rin at ang pamilya nya ang tumulong na humanap sa tunay kong pamilya.

Ang tragic masyado ng buhay ko noh? No worries na ko dahil sabi nila kapag napagdaan mo na ang mahirap na part ng buhay mo, hindi mo na ulit madadaanan pa yun.

I changed my clothes into more formal yet still casual. Then, bumaba na ko.

"Papa, hindi ba pwedeng kapag grumaduate na lang sya ikasal?" teka, boses yun ni Mama ahh. Sino bang ikakasal?

"There's no time, Sophia. We have to save the company," sabi ni Lolo kay Mama.

"There is no other choice, Sophie. We have to tell her in dinner na naka arranged marriage sya. Hindi na rin bata si Keira," Keira? Ako yun ahh. Oh no.

"Ikakasal a-ko?" Uh-oh. Did I just say it that loud? Tanga mo talaga.

-----------

A/n: Hi, guys! So, tapos na yung first chapter. Yehey!
Okay. Author wag OA dahil first chapter pa lang ang natatapos mo, hindi buong book.

Sa mga magiging readers po nito, I hope na magugustuhan nyo tong first chapter of my first story. Kung nagustuhan nyo, just let me know by commenting or voting.

Thanks. Loves you a lot. :* <3~

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon