Chapter 14

24 10 0
                                    

Chapter 14: Task 02

Turn left or right?

How can you find someone who is intentionally hide herself/himself on this injustice reality?

Find the golden flag?

HINDI AKO makatulog dahil sa nangyari, for the n'th time muli kong hinawakan ang mga labi ko hanggang sa hindi ko na mapigilang kagatin iyon.
Bakit ganito ang epekto niya sa akin?

Hindi pa rin maalis ang sensasyong dulot niya. Ramdam ko kung paano maglapat ang mga labi niya sa mga labi ko at siilin ng matatamis niyang mga halik.

Damn! Why I can't forget his kisses? Muli kong isinara ang talukap ng aking mga mata nagbabakasakaling malimutan ko na ang pangyayaring iyon.

Ngunit sa pagpikit ko ay nakita ko ang kaniyang malungkot na mukha. His melancholic smile was bothering me. His words are like a sharpen object that continues to hits me.

 ' I can't live without you, baby,
Even though you can live without me.'

' I love you , even you can't loved me back.'

Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan sa tuwing binabalikan ako ng katotohanang 'hindi maari', mahal kita ngunit hindi maaari, I hate this life!

Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Kailan ko kaya mararanasang mamuhay ng malaya at payapa? Magkaroon ng masaya at kompletong pamilya? Ano kaya ang pakiramdam ng nabubuhay kang kasama mo ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay?

Magkakaroon pa kaya ng pagkakataong maranasan ko ang lahat ng iyon? Sawa na akong mabuhay ng mag-isa at higit sa lahat sawa na akong maranasan ang lahat ng ito.

Living with someone you love is the most memorable and unforgettable happenings you must experience.

I shook my head, hindi na ata ako makakatulog, kahit ano na lamang ang lumalabas masok sa aking isipan. Bumangon ako at hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana.

Malamig at sariwang hangin ang sumalubong sa akin, napakasarap. Nang makuntento ay muling kong sinara ang pintuan ng bintana at ibinalik sa dati ang kurtinang nakatakip roon.

Napagdesisyunan kong lumabas ng silid ngunit bago ako lumabas ay pinasadahan ko ng tingin ang dalawang babaeng kasama ko na mahimbing ng natutulog ang isa pa nga ay nakangaga at mayroong impit ng tunog ang lumalabas sa ka iyang bibig.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa kawalan. "Sila na lang ang meron ako," I whispered. Inayos ko muna ang  kumot na nakabalot kay Cassy na nagulo ng gumalaw ito bago naglakad na palabas ng silid.

Pagkalabas ko ay agad kong tinahak ang daan papunta sa kusina at dumeretso sa refrigerator para kumuha ng tubig na iinumin. Kumuha rin ako ng baso at isinalin roon ang malamig na tubig.

"Ahh," napangiwi ako ng biglang naramdaman ko ang hindi maintindihan sakit na gawa ng malamig na tubig, siguro dahil 'yon sa sobrang lamig nito.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng dumaloy sa lalamunan ko ang malamig na tubig at kumalat iyon sa katawan ko dahilan upang mas makahinga ako ng malalim. Inilagay ko na sa lababo ang basong ginamit.

I am about to turn around when I heard someone's footsteps approaching my direction, hindi ko siya maaninag dahil sa madilim ang paligid. Hindi na ako nag-abala pang buksan kanina ang ilaw dahil iinom lang naman ako.

Huminto na ang yabag kaya't tumalikod na rin ako para mag madaling pumasok sa aming silid. Pagkaharap ko ay isang matangkad na imahe ang nasilayan ko. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko kaya't hindi ako naka sigaw. Bigla 'kong naramdaman ang kaba na dumaloy sa bawat parte ng aking katawan.

Alpha Magus University | The Hidden SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon