CHAPTER TWO

347 9 0
                                    

𝘓𝘪𝘴𝘢 𝘗𝘖𝘝

Andito ako sa kwarto ko ngayon dahil kakatapos ko lang kumain, naglalaro ako ngayon ng mga teddy bears sa kwarto ko

Pinapagalaw ko ang mga ito at pinapasalita na parang mga tao

Habang naglalaro napatingin ako sa bintana, napansin ko na maaraw sa labas, saktong may dumaan na pusa sa kwarto ko

"Meow.." sabi nito

"Teka niyayaya ba ako nito pumunta sa labas???..." sa isip isip ko

Sa bandang huli nagawa niya rin akong isama sa kanya, pero bago yun kumuha ako ng bola ng baseball

Tapos lumabas ng kwarto, nakita ko na nagkwekwentuhan lang sila sa kusina

"Pranpiya saan ka pupunta??.."
tanong ni mommy napalingon ako sa kanya

"Diyan lang po sa labas, maglalaro po kami ng pusa..." sagot

"Nakilala mo na pala si Leo apo haha nakakatuwa naman..." saad ni lolo

"Leo??? Sino po yun??.." tanong ko sa kanila

Tinuro nila yung pusang katabi ko, tumingin ako dito at nag meow ulit

"Ahhh okay halika na leo laro na tayo sa labas...."

"Pranpiya anak, wag kang lalayo ah baka mawala ka..." paalala ni mommy saken kaya tumango lang ako at lum-
abas na ng bahay para maglaro

Naglalaro lang kami ng alaga kong si Leo, pinapahabol ko sa kanya yung bola na para sa baseball, nung binato ko ito, agad niya itong hinabol at nagpunta sa kung saan

Kinuha ko yung cookies na binigay sakin ni mommy sa akin, naghintay ako ng ilang oras pero di parin bumabalik si leo

"Siguro naligaw na yun, masundo nga..." sa isip isip ko kaya naglakad na ako kung saan doon dumaan ang pusa ko

Habang naglalakad ako, di ko maiwa-
sang mapalingon kase parang may nagmamasid sa akin, nakaramdam ako ng kaba

Nang matuntunan ko na si Leo napag
-alaman kong may asong nakaharang sa kanya, kaya dumampot ako ng san-
ga ng kahoy

Kinuha ko ang atensyon nito para makawala yung pusa ko, nakita ko na paparating yung aso sa akin kaya hinagis ko yung kahoy sa malayo

Okay ka lang ba Leo??? tanong ko sa alaga kong pusa, hinimas himas ko ulo niya para mawala yung takot niya

Niluwa niya yung bola, kaya tumayo na ako at aalis, nang may bigla akong narinig, isang kuloskos na galing sa isang garahe

"A-ano yun????..." kinakabahan kong tanong, lumapit ako ng dahan dahan, para malaman kung saan nanggaling yung kuloskos

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now