CHAPTER TWENTY FIVE

181 6 0
                                    

𝘚𝘦𝘰 𝘑𝘰𝘰𝘯 𝘗𝘖𝘝

Pagkatapos namin mag-usap ng nanay na kasama ni jennie, pumayag na siyang sumama sa akin



Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng magsalita yung batang katabi ko



"Pwede po ba tayo dumaan sa bahay? may gusto lang po ako kunin doon bago niyo isauli sa mommy at daddy ko..."




Kaya dumiretso kami sa bahay na sinasabi niya, bumaba siya ng sasakyan ko, at pumasok sa loob




Naghintay ako ng ilang oras at bumalik siya nang may bitbit na teddy bear, at nakasakbit na bag




"Binigay niya ba sayo lahat yan? tanong ko, tumango naman siya sa tanong ko




"Sabi ni lili, kapag daw babalik nako sa mommy daddy ko, pwede ko daw tong kunin..." paliwanag niya





Nakakatuwa silang magkaibigan, dahil alam nila kung paano alala-
hanin ang isat isa, hindi ko masisisi si Jennie kung bakit at paano niya nagawang pagkatiwalaan ang batang nakilala niya





Bale tatlong oras na yung biyahe namin, bigla namang tumawag sakin yung general namin





"Nasan na yung bata??..." tanong nito sakin, napasulyap ako sa gilid ko, nakita ko na nakatulog siya sa haba ng biyahe





"Wag kayo mag-alala kasama ko na siya ngayon, malapit na kami makapunta sa bahay nila Mr & Mrs. kim..." sagot ko






Binaba ko na yung cellphone ko, mahimbing na nakatulog si Jennie habang yakap yakap ang teddybear na binigay sa kanya





Kinuha ko yung blazer ko at ginawa kong kumot sa bata para hindi malamigan, bumilis ang takbo ng kotse ko nung nawala ang traffic sa daan kaya nakarating na ako  sa bahay ng magulang ng bata





"Heto na ho ang anak niyo Mr. and Mrs. Kim, pasensiya na ho at ginabi na ako ng dating, natagalan ako sa traffic, kaya po nakatulog ang anak niyo na si Jennie..."





" Salamat sayo Officer PSJ, salamat sa pagsundo sa anak namin, isang malaking utang na loob ang ginawa mo para samin..." pagpapasalamat ni Mr. Hendrich Kim sakin ganun din sa asawa niya





Kahit paano nagawa namin ang trabaho namin bilang mga pulis, at isang karangalan nayon sa amin
dahil sa wakas makakapagpahinga
na kami ng maayos.

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now