CHAPTER SIX

239 9 0
                                    

𝘚𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦 𝘗𝘖𝘝

"Siguraduhin mong makukuha mo ang anak ni hendrich ah, ayoko na bumalik ka dito na wala kang dala..." utos ng boss ko saka pinatay ang tawag

Inangat ko ng konti ang sumbrero ko, at naglakad ako papunta sa kabila

Dahil nandoon ang mag-ina na sinasabi ng boss ko, naghintay ako ng ilang oras para umalis yung nanay nito

"Bingo..." bulong ko, nilapitan ko yung bata na nakahawak sa dala dala niyang teddy bear

Bata, bata gusto mo bilhan kita ng ice cream doon??..." pang uuto ko pero umiling siya

Haysss eto yung mahirap eh, bat kase ang aarte ng mga bata ngayon, sinu-
bukan ko ulit siyang kausapin

"Ahmm ganito nalang, bili tayo ng kahit anong gusto mo..." tanong ko

"Sorry po, pero sabi ni mommy, hindi daw po ako dapat sumasama sa ibang tao...." sagot niya

Di ko kinaya ang batang to, masya-
dong matalino, kaya wala na akong magawa kundi takpan ilong niya para hindi siya makahinga

"Akalain mo yun, kailangan lang pala kitang patulugin para sumama ka..."

Pinasok ko siya sa van, kasama ko ang driver ng van, kasabwat ko din siya sa pagdukot

"Sige umalis na tayo baka maabutan pa tayo ng nanay nito..."

Agad siyang sumunod sa utos ko, nagpunta kami sa hideout, dahil doon balak ng boss namin makipag-
kita

Mukhang napahaba ang tulog ng batang to dahil hanggang ngayon nakapikit parin ang mga mata niya

"May makukuha ba tayong pera dyan sa batang yan??..." tanong ni Richard

"Syempre, di naman madali kumidnap ng bata tol..." sabi ko sa kasama ko na nagdadrive

"Boss nakuha na namin yung anak ni hendrich kim, nasa hideout na namin yung bata..." ulat ni richard

"Sige hintayin niyo ako, pupunta ako dyan, dala ko narin yung ipangbaba-
yad ko sa inyo..."

Narinig ko yung sinabi ng boss namin kaya todo ang ngisi namin, kumuha ako ng sigarilyo at binigay yung isa sa kasama ko.

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now