CHAPTER THIRTEEN

201 8 0
                                    

𝘔𝘳𝘴. 𝘒𝘪𝘮 𝘗𝘖𝘝


Di ko maiwasan na hindi maiyak sa tuwing naalala ko yung aksidenteng naiwanan ko yung anak ko sa park



At nawala siya na parang bula, hinahagod ng asawa ko ang likod ko para ilabas lahat ng sakit sa puso ko


"Tahan na mahal ko, gagawin ko ang lahat para mabalik ang anak natin si jennie, magpapatulong ako sa kaibigan ko na pulis, i'm sure magagawa nilang hanapin ang anak natin..." sabi ng asawa ko

Niyakap niya ako, ganun din ako sa kanya, nandito kami sa kwarto ni jennie habang hawak hawak ang isa nitong litrato


Niyaya niya ako na kumain muna para magkaroon ng laman ang tiyan ko, ilang araw din akong di nakakain dahil sa kakaisip sa anak namin



"Boss pwede bang humingi ng tulong sayo, kailangan na kailangan kase namin eh, dahil nawawala ang anak namin..." pakiusap nito sa kabilang linya


"Oo ba sige tutulungan ko kayo, punta lang kayo dito sa police station
para pag usapan natin yan..." sagot ng kaibigan niyang pulis, mamaya pa pinatay na nito ang tawag



"Pumayag na siya na tulungan tayo, kaya wag kang mag-alala makikita din ang anak natin..." napangiti ako sa magandang balita



"Salamat mahal ko..." hinawakn niya yung kamay ko at ngumiti pabalik sakin, tinapos narin namin yung pagkain at nagpahinga na



Maswerte ako kay Hendrich Kim sa asawa ko dahil siya yung tipong lalaki na mapagmahal at gagawin ang lahat para samin, at sa anak namin na si jennie.

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now