CHAPTER FOUR

290 8 0
                                    

𝘍𝘭𝘢𝘴𝘩𝘣𝘢𝘤𝘬

𝘔𝘳. 𝘓𝘢𝘸𝘳𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘒𝘪𝘮

Pinapakilala ko sa inyo ang aking naimbentong Extraordinary Human Tranquilizer kung saan kaya nitong baguhin ang isang simpleng tao sa kakaibang anyo

May kakayahan itong pabilisin ang kilos nito at kaya nitong amoyin ang anumang bagay, kahit saang lugar

Paliwanag ko sa mga kasamahan naming scientist na nakikinig sa mga inuulat ko sa harapan

Hawak hawak ko ang isang mallit na bote para ipakita ang laman nito

"Mr. Kim, matanong ko lang meron bang side effects yan kapag nainom ng isang tao..." tanong ng supervisor namin si Mr. Kyuo Chan

"Hindi ko pa nalalaman, pero malalaman ko din yan mr. chan kapag may nakuha na akong tao na susubok sa naimbento ko..." sagot ko

Pagkatapos kong magpakitang gilas sa kanilang lahat, sumunod na tumayo ay si Hendrich Kim

"Good evening to all of you, i'm Hendrich Kim, nandidito ako sa harapan niyo para ipakita ko ang isang mabisang gamot para sa lahat
ng anumang uri ng sakit o lason
sa katawan ng isang tao..."

Nakaramdam ako ng inis dahil sa palagay ko, kinokontra niya ang naimbento ko at ang mas nakakainis doon ay maraming humahanga sa kanya kesa sakin

"Itong anti dote na ito ay 100 % safe na gamitin para sa lahat, kaya sigurado ako once na pinainom niyo to sa may mga sakit, agad itong mawawala ng kusa..."

Pagkatapos niya magsalita, marami ang nagpapalakpakan sa kanya, dahil doon nadagdagan pa ang inis ko sa kanya

"May araw ka rin sa akin Hendrich Kim hintayin mo lang, at balang araw magsisisi ka na binangga moko..." pagbabanta ko, nauna na akong umalis sa convention

Naglalakad ako pabalik sa laboratory ko nang may nakabunggo sa akin na batang babae

"I'm sorry po di ko po nakita..." sabi niya yumuko ito ng konti at ngumiti sa akin

Siya siguro ang anak ni Hendrich Kim hmm, napakaswerte ko naman sa pagkakataong ito, napangisi ako sa naiisip kong plano.

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now