CHAPTER FIVE

277 9 0
                                    

𝘔𝘳. 𝘏𝘦𝘯𝘥𝘳𝘪𝘤𝘩 𝘒𝘪𝘮

Masaya kong sinalubong ang anak kong babae pagkatapos ng convention, binuhat ko siya gamit ang mga braso ko

"Daddy gusto ko punta tayo mall, bili moko teddy bear please..."pagpapacute niya

Kaya natuwa ako sa kanya, di ko alam na pupunta silang dalawa ng mommy niya, kaya pumayag ako sa gusto ng anak ko

Nagpaalam ako sa boss ko na aalis kami ng mag ina ko, buti nalang pumayag

"Kamusta naman yung convention mo dear??.." tanong ng asawa ko

"Masaya, sobrang saya, kase nagustu-
han nila yung inimbento kong gamot para sa mga taong may kinakailangan nun..."

Nasa backseat yung anak namin na si jennie, ang cute cute talaga ng anak ko sa isip isip ko

Habang tinitignan siya sa salamin, kung ako tatanungin niyo, masaya na ako sa ganito, na kumpleto kaming pamilya, at meron akong natutulungan

Nandito na kami sa mall, namasyal kami at kumain sa paboritong fast food ni jennie ang Jollibee, mahilig siyang kumain ng burger at milk ice cream

"Tignan mo dear, ang saya saya ng anak natin..." sabi ni Hailey kaya napangiti ako

Maya maya pa, pagkatapos kumain, nagpunta kami sa arcades para mag-
laro, masayang masaya yung anak ko

Kapag nakakakuha ako ng stuff toys sa claw machine, nakakatuwa talaga siyang tignan kapag lumalabas gilagid niya

"Oh eto princess oh, sayo na tong white dog..." binigay ko sa kanya yung nakuha ko

"Yey thank you daddy!!!!.." masaya siyang nakangiti sa akin, ganun din ang asawa ko,

Natapos ang araw namin na palagi kaming nagkukuwentuhan, kuma-
kanta kami ng mga paborito naming kantahin, hanggang sa pag uwi namin ng bahay tuloy parin yung kulitan namin

"Wala na akong ibang gugustuhin pa, kundi ang makita ko ang mag-ina ko na masaya at palaging nakangiti, para sakin, sapat na yun para mapawi ang pagod ko..."

𝖄𝖍𝖊 𝕽𝖊𝖉 𝕰𝖞𝖊 𝕲𝖎𝖗𝖑Where stories live. Discover now