Mad
Isang malisyosong tawa ang bumungad sa akin ng makalapit ako sa puwesto nila Aby. Maingay ang buong Alley dahil sa celebration ng isa sa mga kaibigan ni Aby mula sa business management department. Si Andrew, senior sa amin at hindi ko naman gaanong close.
"Kala ko hindi ka pupunta?" Pang-aasar niya sa'kin.
Umirap ako at kumuha ng isang baso ng cuervo at inisang inom lang iyon. Lana and Gabby laughed with Aby. Kanina pa nila ako binibigayan ng nakakalokong ngiti.
Pagkatawag kasi kanina ni Aby at matapos na marinig ang usapan ay kaagad akong nagbihis at nagpahatid kay Kuya Magnus papunta sa Alley.
"Kanina pa nakatitig 'yan sa puwesto nila Zuriel. Bothered ka na, sis?" sninundan pa ni Lana ng halakhak ang kaniyang sinabi.
Lalo tuloy nangunot ang noo ko. Kaonti nalang ay maiinis na ako ng tuluyan at baka bigla nalang mapasugod sa kabilang table nila Zurilel kung nasaan rin si Almira at nakikipag-usap sa kanya.
Tama nga iyong paratang ni Aby na may lahing linta si Almira. Kung makadikit kala mo sila!
"Lumapit ka na kasi sa kanila." Utos ni Gabby.
Nanatili akong tahimik at tuloy lang sa pag-inom habang nakatingin sa kanila. Hindi pa yata ako nakikita ni Zuriel na narito. Iyong sinasabi niyang gala namin sa pasko, bahala siya. Pumunta siyang mag-isa.
"Tingnan mo naman 'yung kamay niya sa braso ni Zuriel. Konti nalang bababa na 'yan sa pantalon." Pangde-demonyo ni Aby sa akin.
I sneered, still watching them flirting. Tangina, ang landi.
I am on my sixth glass, if I counted it correctly. When Zuriel shifted his eyes to our table, agad na nagtama ang tingin namin. Umirap ako sa kawalan at umiwas na ng tingin. Paniguradong nakita niya ang ginawa kong pag-irap.
Narinig ko ang tawa nila Lana sa tabi ko kaya lumingon ako. When I gaze back to his spot I saw him walking to me. He nodded his head to my friends before settling down next to me. I move away from him. Huwag siyang dumikit dikit sa akin pagkatapos niyang makipaglandian kay Almira! Afs if hahayaan ko siyang lapitan ako!
Kumuha ako ulit ng isang baso ng alak bago tumingin sa kanya. Ang tapang tapang ko dahil nakainom, handa akong makipagsukatan sa kaniya at walang kabang namumuo sa aking dibdib.
His jaw clenched, probably because of annoyance. Mapungay ang mata niya pero matalim kung tumingin.
Umusog siya ulit palapit sa akin. Umusog naman ako palayo sa kanya. ilang ulit kaming ganoon hanggang sa natigil dahil nasa kabilang tabi ko na si Lana na nakangisi.
I groaned when I saw him smirk.
Mabilis akong tumayo at binitawan ang aking basa sa mesa.
"Sasayaw ako." Saad ko at walang lingon na dumiretso sa dance floor.
Mainit na ang ulo ko kaya sinubukan kong magpalamig habang sumasabay sa indayog ng tugtog.
I was dancing freely. Moving my hips to the sides and slightly twerking until I felt a hand on my waist. Holding me still. Natigil tuloy ang pagsasayaw ko. I am ready to scold the person holding me when I saw Zuriel walk in front of me. Hindi naalis ang kamay sa bewang ko at iniayos lang ng lumipat siya sa harap ko.
My heart thumped so fast that it hurts my ribcage, feels like it's going to bursts.
Nagtaas siya ng kilay sa akin at mariin na ang mga mata ng tumitig.
"What are you doing?" his baritone asked.
Hinawi ko ang kamay niya pero hindi naman ako nagtagumpay.
"Dancing, duh!" I answered sarcastically.
Nagtiim bagang siya sa sagot ko. I smirk at him. Ang galing rin niyang makipagflirt, e. kanina lang si Almira ang hawak niya at ngayon naman ako na!
Sinubukan ko ulit sumayaw kahit na nakahawak pa rin siya sa'kin.
"Zuriel---" naputol ang sasabihin ko ng may sumingit.
"Can I dance with----" tanong sana nung sumingit sa sinasabi ko. Zuriel answered fast.
"Fucking no!"
Lumapit lalo iyong nagtatanong at sinubukang ako ang kausapin. Lumuwag ang hawak ni Zuriel ng hilahin noong lalaki ang balikat ko para iharap sa kanya.
I took that as my opportunity to run away. Mabilis akong humalo sa mga nagsasayaw. Yumuko pa ako para hindi niya ako makita sa magulong crowd. Ramdam ko na ang pagkahilo habang naglalakad. Sa labas ko napilin dumiretso para lumanghap ng sariwang hangin.
I inhaled deeply. Buti at walang nagyoyosi rito sa labas. Baka lalo lang akong mahilo dahil sa usok.
Naupo ako sa gutter matapos ang ilang minuto. Hindi ko dala ang phone ko. naiwan iyon kasama ang sling bag ko sa sofa namin nila Aby.
Gusto ko ng umuwi. Naisip ko na hindi magandang ideya ang pagpunta rito. Hindi ko naman boyfriend si Zuriel kaya hindi dapat ako magselos kung nakikipaglandian siya sa kung kanino. Wala naman akong karapatan na pagbawalan siya.
"Avis."
Napakurap kurap ako ng marinig ang pamilyar na baritonong boses ni Zuriel. Hindi pa pala siya sumuko sa paghanap! Akala ko hindi niya na ako masusundan!
"What are doing here?" sunod niyang tanong.
Tumingala ako sa kanya. may kaonting hibla ng buhok ang nahuhulog sa noo niya. Kahit na lasing ako ay g'wapo pa rin siya sa paningin ko.
"Wala kang paki!" saad ko ng maalala sila ni Almira kanina.
Walang k'wenta ang pagbabawal ng sarili sa pagseselos. Kahit na ilang beses ko pa yatang itatak sa isip koi yon ay balewala.
"Are you mad at me?" tanong niya ulit. Naupo na siya sa tabi ko.
Pansin ko kaagad ang suot niyang Balenciaga. Mamahalin. He's rich, huh? Handsome and rich, prospect ng mga golddigger, which can be Almira.
"Paki mo?" sarkasmo ko.
He cleared his throat. Natahimik kami.
"Galit ka."
This time it is not a question. He stated it.
Buti alam mo, Zuriel!
But of course I did not say it.
"Paki mo ba kasi? Doon ka na nga kay Almira! Hahalik halik pa ta's lalapit sa 'kin!" matapang kong saad habang nakatingin sa mga mata niya. Binulong ko lang ang huli.
A ghost of a smile is on his lips. He stops himself from smiling by pursing his lips. Sinundan ko ang galaw ng labi niya.
"You are mad because of Almira?" nakangiti niya ng tanong.
Tuwang tuwa pa siya, ha!
"Ano naman kung oo?!"
He stares at me. His eyes are different color. Light brown or Hazel? Hindi ko sigurado. Kapag nakita ko ng araw ay matutukoy ko iyon.
Madilim rito at tanging iyong ilaw ng street light hindi kalayuan sa amin ang nagbibigay liwanag. The shadows on his face is defining his prominent jaw and cheekbones.
"Ha! For your information! Sinasabi ko lang ito dahil lasing ako, okay? Ilang baso ang nainom ko kaya huwag kang maniwala sa mga sinasabi ko! Baka mamaya umasa ka pang may gusto ako sa'yo!" Depensa ko ng matanto ang tuno ng boses ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/230134040-288-k277167.jpg)
BINABASA MO ANG
Ruined (Zambales Series #1)
Подростковая литератураFirst installment of Zambales Series