Ignore
The sky never fails to amaze me.
Kahit ilang panahon na ang dumaan ay iyon parin ang itsura ng langit. It is always calm, clear and blue to me.
I wonder if the sky is really calm like I think it is.
How it seems endless, like it is offering me freedom.
I sighed heavily. Mula sa tanawin sa labas ng bintana ng eroplano ay inilipat ko ang tingin ko. Matapos ang ilang taon ay nakabalik rin ako rito.
So many painful memories here. Noong mga nakaraang taon ay takot akong bumalik rito. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako at kung may magandang buhay pa bang sasalubong sa akin rito.
"Mommy, water." Hinila ni Elisai ang manggas ng suot ko.
Hinaplos ko ang buhok niyang nakaharang sa mata niya. Medyo mahaba na ang buhok niya at hindi ko pa gustong ipagupitan. I love his hair.
"Here, baby." Abot ko sa kanya ng bottled water. Inalalayan ko rin siya sa pag-inom.
Nakalahatian niya kaagad ang tubig at nang matapos ay naabala nanaman sa panood ng cartoon sa monitor sa harap ng upuan.
Those past few years was hard for the both of us. I was stressed during my fifth months of carrying Elisai. Sabay ang working at online school ko kaya sobra ang stress. I was all alone during my delivery. Tanging ang malamig na handrails ng kama ang hawak ko sa halip na ang mainit na kamay ni Zuriel. It is hard but we survived it.
"Hi little boy! Do you want some snacks?" Tanong ng isang flight attendant kay Elisai na napaangat ng tingin sa babae.
He smiled softly to her and nodded his small head. Napangiti ako.
"No nuts please, miss." Saad ko ng makakita ako ng mayroong nuts sa push cart.
"Oh, okay ma'am. Here you go, little boy." She put some biscuits on his table. Hinawakan niya pa ang ulo ni Elisai habang nakangiti.
"How old is he?" Baling niya sa akin.
"Four." Sambit ko habang nakangiti ng tipid sa babae.
Elisai is intelligent. Gaya ng daddy niya. He's always curious of things and a good observant. I am so thankful that during those past years I have him. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay.
Binubuksan na ngayon ni Elisai iyong hawak niyang biscuit gamit ang maliliit niyang daliri.
"He's so cute." Huling saad noong flight attendant bago lumipat ng pagseservan na pasahero.
"Do you need help, Eli?"
Tanong ko sa anak kong nakakunot na ang noo dahil di niya mabuksan ang plastic. He tried opening it with his teeth. Natawa ako ng mabigo siya.
"Thank you, Mommy." Saad niya sa maliit na boses ng mabuksan ko na ang biscuit niya.
"You're welcome." I answered and kissed his chubby cheeks.
Parang noong nakaraan lang ay napakaliit niya pa at todo palahaw pa sa tuwing nagugutom. His big hazel eyes staring at me everytime, which makes me fall in love with him. My baby.
Time passed so fast. Ngayon ay heto na siya't kayang kaya ng umupo sa sarili niya. At hati na rin ang atens'yon niya dahil nawiwili na siya sa mga napapanood niyang cartoons.
After niyang magsawa sa scooby doo ay nakatulog siya at nagising ng magtake off ang eroplano. Nagulat at naalimpungatan pa siya ng bahagyang umalog ang eroplano. First time niyang magtravel sa plane kaya natakot siya at umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/230134040-288-k277167.jpg)