| Kabanata 38 |

5.2K 108 10
                                    

Love

"Do you like this?" Tanong ni Zuriel habang nakalatag ang limang floor plan sa aking harap.

"That's a mansion, Zuriel." Ngiwi ko sa disenyong ipinakita niya.

I heard him sighed heavily, frustrated at my rejections.

Nasa loob kami ng office ko habang ipinapakita niya ang mga design niya sa akin. Well, it's is beautiful but surely expensive! Malalaki ang mansiyon na ipinapakita niya! Ano? Ten rooms?! twelve rooms?! Grabe lang, ang gusto ko ay two storey house with four or five bedrooms!

"What design do you like then, baby?" He asked patiently.

Napatingin ako sa labas ng floor to ceiling glass wall sa opisina ko na dating opisina ni Sir Andres.

"Four or five bedrooms?" Alanganing tanong ko.

Bakit feeling ko ay hindi niya gusto iyong kaunting silid lang? Pero saan naman kasi gagamitin ang mga spare rooms kung tatlo lang kami, kasama si Elisai.

"Is that enough?" He asked, arching his brow.

Naniningkit ang mata kong tumingin sa kanya. What are you thinking, huh? Hindi ko alam kung bakit tingin ko ay kaya niya gustong maraming silid ay dahil gusto niyang marami ang anak namin?

"Bakit hindi sapat?" Balik kong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin at napakamot sa kanyang batok.

Don't tell me...

"Hindi lang naman si Elisai ang magiging anak natin, love." Bulong bulong pa niya.

Aba!

"What are you whispering?" Hinila ko siya para mapaharap sa akin pero umiiwas siya ng tingin.

"It's a secret, love." Saad niya saka umayos ng tayo sa gilid ko.

Napailing ako sa kanya pero hindi rin naman napigilan ang ngising kumakawala sa labi.

"Ano nga, Zuriel?" Hindi niya ako sinagot at umikot siya para bumalik sa puwesto niya kanina.

Nagsimula siya ulit sa pag-d-drawing niya ng floor plans.

"Avis!" Biglang bumukas ang pinto ng office.

Nagulat naman ako na napaangat ng tingin kay Kuya Magnus.

"Engineer Sandoval!" Bati niya kay Zuriel na abala pa rin sa drawings.

"Oh? Designs? Bakit hindi ako kasama rito?" Nakakunot ang tanong ni Kuya habang dinudungaw ang drawings.

"I'm proposing, Magnus." Zuriel's baritone.

"Proposing pa rin? Bagal mo, 'vis!" Si Kuya Magnus na ngumisi pa.

Ano?

"Tulungan mo si Zuriel, Kuya." I suggested.

Zuriel's skills are not to ask. Magaling at talagang hindi makukwestiyon but I want my brother to help him. Alam ko namang marami siyang work on progress kaya hindi rin siya magiging hands-on sa bahay ko.

"Ano? Mag-propose?" Si Kuya Magnus.

Nang matanto ko na iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi kanina. I laughed hard while looking at my brother.

"Proposing of house designs, Kuya Magnus! Anong nangyayari sa'yo?" Tatawa tawa kong saad.

"Tsk." He scoffed then turned his back to me.

Tumango siya kay Zuriel. Nagkatinginan sila saka lumapit si Kuya Magnus at nagsimulang bumulong.

"Bro, red room, suggest ko." Rinig kong saad ni Kuya Magnus.

Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway sa narinig.

"Kuya!" Saway ko kaagad sa mga kalokohan ng kapatid.

"Sa sariling bahay mo ilagay, Magnus. For your women." Iling ni Zuriel sa kapatid.

"Hina mo, bro!" Tinapik tapik pa ni Kuya Magnus ang balikat ni Zuriel. Mukhang dismayado sa sagot ni Zuriel si Kuya.

Namilog ang mata ko. Sasakit yata ang ulo ko kapag nagtagal pa rito si Kuya! Pawang kalokohan lang naman ang sasabihin niya!

Buti nalang at mayroong inspection si Kuya Magnus at Zuriel kaya kinahapunan ay nagpaalam nga si Zuriel.

"I'll be back, wait for me." Bulong niya saka marahang hinalikan ang sintido ko.

I smiled widely to him. So sweet.

"Sige."

Nang matapos sa trabaho ay dumiretso ako sa lobby ng company. Naupo ako sa isang upuan habang kinakalikot ang phone ko. I opened my old social media account.

Unang unang bumungad ang posts ni Aby. I liked all of them. Nang magtagal sa news feed ay nakita ko iyong shared post ni Aby. It has a caption:

'Aba, girl. Napakaassumera mo! Feelingerang palaka!'

Natawa ako sa caption ni Abiona pero nawala ang ngiti ko ng makitang picture iyon ni Almira na nakasuot ng gown at nasa tabi niya si Zuriel. Sa tingin ko ay isang party iyon base sa suot nila.

Zuriel was looking at the camera with a little smile on his face. Si Almira naman ay ngiting ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto.

'The best kang kasama, Engineer Zuriel. I really enjoyed the party because of you.'

I rolled my eyes as I look intently on the photo. Kung may powers lang ako ay baka nabura na iyon sa sobrang titig ko!

She's referring to Zuriel but she didn't tag him, huh? Ano ito? Out of knowledge ni Zuriel?

Sinubukan ko namang hanapin kung may comment ba si Zuriel o kahit reaction man lang sa mismong post pero wala kaya tuwang tuwa ako.

Hm, let's see.

Baka naman nagpapantas'ya na iyong si Almira na date niya si Zuriel sa party na 'yan? Ha! Kala mo naman may chance ka, Almira!

Nagtipa ako sa aking phone.

'You are so handsome, love @ZurielSandoval'

Oh, ano? Kaya mo ba ito, Almira? I-tag mo rin ng magkaalaman!

After more than five minutes, replies on my comment flooded.

Lana12:

Fight of the real queen!

Aby:

Oh, come on! Kamusta naman iyong endearment #BugokNaAlmira

Gabby:

Hala, dick whipped ka, AvisSavannah? #BugokNaAlmira

Natawa na ako ng tuluyan ng mabasa ang comments ng kaibigan ko. Lalo pa akong natawa ng may ilang nagcomment doon using the hashtag from Abiona.

I was surprised when I saw Zuriel's name.

ZurielSandoval:

Thanks, love. @AvisSavannah

Todo todo ang pagpipigil ko para hindi umalpas ang kilig na nararamdaman. Nasa lobby ako at magmumukhang tanga ako kapag naglupasay ako sa kilig rito!

Damn, hulog na hulog na ako kay Zuriel! Wala ng pag-asang makaahon pa ako!

Dinagsa ng comments ng mga kaibigan ko ang comment ni Zuriel pero hindi naman siya nagrereply sa kahit na isa sa kanila.

I am still smiling widely as I walk to Zuriel. Nasa harap ito ng sasakyan niya at mukhang inaantay na ako.

"Love," he whispered on my ears when I hug him tightly.

"Love," pag-gaya ko sa kanya.

I felt him stiffened. "Fuck, I can die just by hearing you call me that."

Lalo kong ibinaon ang aking mukha sa dibdib niya. My heart pounding so fast as well as his heart. Kung hindi lang maingay ang mga dumadaang sasakyan ay maririnig ko iyon ng malinaw.

Suddenly, I am eager to go home and lay down on top of him. I'll place my ear next to his chest so I can hear the beat of his heart clearly.

"I love you, Avis." He whispered andplanted a soft kiss on my lips.

Ruined (Zambales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon