| Kabanata 21 |

4.8K 85 9
                                    

Disgust

"Hindi natin sigurado kung siya ba iyan, Magnus!"

I woke up because of the whispered commotion near my bed. Sakit ang unang naramdaman ko ng magising ng tuluyan. Mahapdi ang mga mata ko ng magising. I can't move my arms because of something retraining my movement. Una ko iyong tiningnan ng magmulat ng mata. A cast of cement is there. Balot ng puting cast ang kaliwang kamay ko.

Hindi pa ako napapansin nila Mommy at Kuya dahil nakatalikod sila sa akin. Pawang nakayuko at may tinitingnan sa kanilang phone.

"Mom, this will take months of editing if it is not real!" Si Kuya Magnus na malakas na ang boses.

"K-Kuya." I called on my husky voice.

Muntikan ko ng hindi makilala ang boses dahil sa paos. Agad na bumuhos ang luha sa mata ko. Sobrang sariwa sa akin ang lahat ng nangyari. Paanong buhay pa ako gayong sobra sobra na ang pananalangin kong mamatay na ako ng mahulog.

"Avis!" His tone sounds angry.

Suddenly, everything comes into my mind. Para akong nanginginig sa takot habang paulit ulit na nagpiplay sa isip ko ang pagtawa ni Coen.

"Huminahon ka muna, Magnus!" Mom warned to my furious brother.

Kahit na hindi tanungin ay alam ko na kung ano ang dahilan ng komosyon nila. Hindi ko maatim ang tumitig pa sa kanila. Nagsimula akong kuskusin ang balat ko habang umiiyak.

"I never thought you can be like this, Avis! Hindi ka pinalaki ng ganito! Ano itong ikinakalat ng hayop na 'to?! Sabihin mo kung binaboy ka niya dahil ako mismo ang papatay sa kaniya!" Dumagundong ang boses ni Kuya Magnus habang ang tingin niya ay kakaiba.

Tears fall down on my cheeks as I saw his angry face. Baka nga diring diri na sila sa akin habang nakatingin sa akin. Gusto ko nalang mawala ng tuluyan!

"I-I'm so sorry, kuya---"

"Tangina, Avis! Sabihin mo dahil ipapakulong ko ang hayop na ito sa oras na malaman ko ang katotohanan!" Galit na saad niya.

Hindi ko matanggap ang mga naririnig. Pinapakalma ni Mommy si Kuya pero hindi makalma ang huli at lumalabas ang galit. Napapiksi ako ng biglang magmura si Kuya kasabay ng biglang pagbato niya ng babasaging vase hindi malayo sa akin. Mabilis akong nanginig.

"Dad is fucking critical!" Sigaw ni Kuya.

Mommy is crying beside him as my whole body shakes. Hindi ko na sila matanaw ng mabuti dahil sa luhang tuloy tuloy na tumutulo sa aking pisngi.

Sinubukan kong tumayo at lumapit sa kanila.

"M-Mommy." Tawag ko kay Mom.

Marahas ang iling na ibinigay niya sa akin. Hindi niya ako magawang tingnan. Ang sakit na makitang ganito siyang nasasaktan dahil sa akin.

"Kuya, I'm sorry. Si Dad? What happened?" Sunod sunod kong tanong sa pagitan ng hagulgol ko.

I tried to walk to them. To my family but they step a back. It pains me so much seeing them so disgusted by me.

"Hahanapin ko ang hayop na lalaking ito at papaamin ko sa ginawa niya kung hindi ka aamin, Avis!" Marahas na pahayag ni Kuya Magnus at mabilis na tumalikod.

Natigil ako sa lahat ng balak kong sabihin. My heart feels numb. Masakit ang buong katawan ko at pati na rin ang puso ko.

"Mom, I'm so sorry." Mahinang saad ko ng tumingin kay Mommy.

She's crying too. "Totoo ba ang sinabi ng lalaki sa video, anak? Ginusto mo 'yon?" Umiiling si Mama.

I shivered as I look at my mom's eyes.

Ruined (Zambales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon