| Kabanata 29 |

5K 99 5
                                    

Promise

"We are so excited, Avis! Ninang ako, ha! Tuturuan ko 'yan rumampa!" Marahan pang hinawakan ni Aby ang maliit kong tiyan.

"Paano kapag lalaki?"

Aby acted like she's thinking hard. "Aantayin ko nalang siyang lumaki saka ko jo-jowa-in."

Her joke followed by a loud and continuous laugh.

"Child abuse ka, ha!" Biro kong hampas sa braso niya.

"Mabait naman akong manugang kung sakali." Halakhak niya.

Nagpaalam ako kay Aling Anita at sa barangay na hindi ako makakapasok ngayon dahil ngayon ang dating ni Aby. Si Aby lang ang may alam na narito ako sa Asturias. Ang sabi niya kanina ay nagtatanong raw si Kuya sa kan'ya noong kakaalis ko lang ng Zambales at dahil nga hindi niya rin alam kung saan ako ay wala siyang maisagot.

"I tried to call Zuriel's parents thru Roche and Amos but I failed. Wala raw sa bansa ang mga Sandoval." Dismayadong saad ni Aby habang kumakain kami ng pananghalian.

"Kung gusto mo, I can hire a private agent to find where they are?" She suggested.

I sighed. Maybe Zuriel wanted to get away. Gusto niya ngang mawala ako sa buhay niya. He wanted me gone. Iyong hindi niya na makikita kahit kailan ang kahit na hibla ng buhok ko. I am so sure that this is his plan after realizing that I am just a failed relationship. An experience.

"You don't have to do that, Abiona." Umiling ako sa kan'ya saka tinakpan ang dismayadong mukha sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig.

"I understand, Zuriel. But what if he will change his mind if he'll hear about the baby?" Aniya.

"He wanted me gone, Aby." I said slowly.

My wounds instantly resurfaced. Kung paanong ganoon lang kadali na kalimutan ako at iwan ng wala man lang paalam na parang hindi niya ako minahal.

"Hay, huwag na nga lang natin pag-usapan. Time will pass and someday you will be forgiven and find the justice you deserve, Avis." Abiona smiled at me sincerely.

Naluluhang niyakap ko siya. Of all my friends, Aby was the one who stayed. Siya itong nasa harap ngayon kahit sarili ko kinakagalitan ko. She's here to comfort and help me through my struggles. I am so lucky to have her by my side.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magsimula sa pagwawalis sa kalsada. Aby was not okay at the idea of cleaning. Hindi raw siya sanay na ganito ako kasipag gayong kahit minsan ay hindi niya ako nakita noon na may hawak na walis.

"You are overworking, Avis! Iyong pagkain mo puro pa delata! Paano ang baby mo!" She ranted at me after my whole day of work.

Kung tutuusin ay magaan pa naman itong trabaho ko kaysa sa iba. I don't need to lift anything heavy. Ang nakakapagod lang ay ang pagtayo halos ng buong araw. Kaya pagdating ng hapon ay masakit na ang balakang at ngawit ang mga binti. Iyon ang nakita niya ng makauwi ako sa inuupahan.

Nakaupo siya sa plastic monobloc chair habang nasa harap ako ng lababo at magluluto sana ng hapunan namin pero ramdam ko ang ngawit kaya ilang beses kong minasahe ang binti para bawasan ang sakit.

"Ayos lang naman ako, Aby. Nasasanay na ako sa ganito. Nakakangawit lang talaga iyong pagtayo." Paliwanag ko para mabawasan ang pag-aalala niya pero kaagad rin akong nagsisi ng makita ang reaksiyon niya sa naging pahayag ko.

Mabilis niyang kinuha ang phone at nagtipa doon bago iyon iniangat sa phone.

"I can't tolerate you, Avis. I can't watch you go through like this. Not like this." Iling niya saka naglayo medyo palayo sa akin pero rinig ko pa naman ang sinasabi niya sa phone.

"Yes, please. Earliest flight to New York, Lana. Yes. I'll take care of her there. Akong bahala. Thanks." Iyon ang putol putol na saad niya bago tinapos ang tawag.

"Anong ginagawa mo, Abiona?" Sa palagay ko ay nakukuha ko ang gusto niyang mangyari.

"Nasa'yo naman ang important papers mo, right?" Baling niya sa akin.

"Bakit?" I asked as I followed her to the bathroom.

"Dadalhin kita sa New York, Avis. Doon ka mag-aaral ulit at doon rin manganganak. Huwag kang mag-alala sa pera, ako na ang bahala. Just go with me without asking furthermore questions. Kahit ito lang, Avis. Please?" She pleaded with her eyes.

Nag-iwas ako ng tingin. My hands fell to my small stomach. I don't want to be selfish. I want the best for my baby and I know that if I will stay like this I can't give him/her what I wanted him to have.

Hindi magiging sapat ang kita ko habang konti konti siyang lumalaki. And to add that I am undergrad which means that I can't find a stable job instantly. At kung magtatrabaho ako ay sino ang mag-aalaga ng anak ko?

I am a mother now and I have to think wisely for my baby. At least I can say that I did my best to support him/her.

"Okay." Mahinang sagot ko habang nakayuko.

Hindi umimik si Aby at niyakap lang ako ng mahigpit. That's when I felt my tears started to fall.

The pain I am feeling flooded in my tears. Hinahabol ko ang hininga ko habang umiiyak sa balikat ni Aby. All of my loss and regrets scarred in my mind.

The last thing I can do for now is to slowly accept my reality and forgive myself. Not only for me but also for my baby.

"Ladies and gentlemen, we have landed. Your luggage can be collected at 32B. Enjoy your stay and thank you for choosing our airline!"

Namumungay ang mata ko habang inaalis ang seatbelt. Kinusot ko iyon ng isang beses habang naglalakad kami ni Aby. Inaantok rin siyang naglalakad palabas ng eroplano.

Kukunin ko ang luggage natin." Naupo ako sa waiting area habang tinatanaw ang papalayong si Aby.

I sighed heavily as I run my gaze to my surroundings. Foreigners are walking in and out. Some of them are happy to leave but some of them seems sad.

I caressed my stomach again.

"You will meet your father, I promise." I whispered softly as if I can touch him/her.

Ruined (Zambales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon