Boyfriend
"Saan ang company mo?" Tanong ni Aby sa akin habang nagfifill up kami ng form para sa aming On-the-job training.
"Herrera Homes." Tukoy ko sa family business company namin.
"Ah. Sa Zaldivar Finance Corporation ako." Tukoy niya sa isang kilalang company.
"Sayang hindi tayo magkasama." Medyo dismayado kong saad.
Kami rin kasi ang pumili ng papasukan naming company. Hindi naman gusto ni Abiona na doon rin sa company namin siya mag-OJT dahil pangarap niya ngang sa ZFC siya makapasok.
"Dadalawin ka ni Zuriel doon sa Manila?" Tanong niya ng pumipila kami para magpasa ng papers.
"Yup. Iyon ang sabi niya."
"Baka umuwi ka na sa Condo niya?" Pang-aalaska niya.
"Sira, hindi ah. Baka masapak ako ni Kuya Magnus." Nguso ko.
Kuya Magnus graduated last sem. Nagkaroon kami ng maliit na celebration para sa graduation niya. Zuriel is invited. Naroon siya at nagbigay pa ng graduation gift sa Kuya ko. Tuwang tuwa si Dad sa mga sinasabi ni Zuriel. They like his manners and attitude. Kahit sino naman ay talagang magugustuhan siya. He's likeable and has a definite future ahead of him.
"Ay sayang. Pero magdala ka pa rin ng condom!" Hagikgik niya sa akin ni Aby.
Thankfully, there are only few people here. No one can hear us.
"Kasal muna." Saad ko pero nakangisi.
"Hala, ang landi! Feeling mo kayo na until the end?"
"Don't know." Nagkibit balikat ako.
Hindi rin naman kasi ako sigurado kung ganoon nga ang mangyayari sa future namin.
Zuriel is a good boyfriend. Araw araw ay hindi niya nakakaligtaan na tumawag o magtext sa akin. Sometimes, video call pa.
Never pa ako nagkaroon ng seryosong relas'yon kaya hindi ako pamilyar sa mga ganiyan but he did his best. Siya lagi iyong nag-effort para magkita kami o kaya'y magkausap. He's very expert on handling a relationship. Isang taon lang ang tanda niya sa akin pero mature na mature na siya kung ikukumpara sa'kin. And maybe because of his experience, that's why he can handle our relationship well, even we are long distanced.
I wonder how many girls he dated?
Parang alam na alam niya kasi kung paano ang takbo ng isang relasyon.
"Good luck on your training. I'll pick you up from work." Si Zuriel na nasa harap ko at kabababa lang sa sasakyan niya.
Nasa harap kami ng Company ni Daddy dahil ngayon na ang simula ng OJT ko. Sinundo niya pa ako sa Zambales kahapon para dalhin rito. May condo ako at katapat lang ng unit ni Kuya Magnus. Nagulat pa ako ng nandoon si Kuya sa loob ng condo ko ng pumasok kami ni Zuriel. Nang-aakusa agad ang mata niya ng tumingin sa akin.
Buti at immune na si Zuriel sa gaspang ng ugali ni Kuya Magnus.
During our months of relationship, I am so happy. I felt so contented with him. At kung dati ay ayos lang naman na hindi kami nagkikita o nagkakausap palagi pero noong tumagal ay napapansin kong ako na ang palaging tumatawag sa kanya.
"Thank you. I'll see you later."
Kahit na sobra sobra ang kaba ko ay ginawa ko ang binabalak ko. I tiptoe and kiss him on the lips. It was just a smack. I felt him stiffined. Ang kamay ko ay nakatukod sa matigas niyang dibdib habang ang isang kamay niya ay magaang nakadantay sa isang parte ng bewang ko.
The heel of my platform pump thud into the pavement when I shifted my weight to my whole feet.
My heart pounding so fast that it hurts my ribcage. I feel like I am going to burst because of all the emotions I feel at the same time.
Nangingilid ang luha sa mata kong namumungay habang nakatingin sa namamanghang mga mata ni Zuriel.
His lips are red and wet because of my sudden smack.
"Bye!" Mabilis kong bawi dahil bigla akong kinain ng hiya sa ginawa.
Tumakbo na ako palayo at hindi na nagtangka pang lingunin siya.
I initiated the kiss! I never done that! Kahit noong nakipaghalikan ako sa isang basketball player noong high school ay hindi ganoon ang nangyari! Lalaki ang palaging umuuna sa akin!
Kahit noong nasa loob na ako ng lobby ng building ay nanginginig pa rin ang tuhod ko. My heart is bursting because of happiness. Kung ganito naman pala ang pakiramdam ng nasa isang relasyon sana pala ay sumubok na ako dati pa? Pero sa tingin ko ay kay Zuriel lang ako ganito. Sa kaniya ko lang nararamdaman ang ganito.
May ilang bumabati habang naglalakad ako. Siguro ay pamilyar ako sa kanila dahil ilang beses na rin akong nakapunta rito noong medyo bata pa sa tuwing may annual ball sila Daddy.
Ang family kasi talaga ni Daddy ang may-ari nitong company at sa kan'ya pinamana ng Lolo dahil siya lang ang nag-iisang anak.
"Sa Conference room ka dumiretso, Avis."
Turo ni Kuya Magnus ng mapadaan ako sa harap niya. Kausap niya ang secretary niya at may hawak pang mga papel sa kamay. Mukhang doon rin ang punta nila sa conference room.
Nagpakilala kaming mga trainees, tatlo kami at galing sa iba't ibang school. Si Ruby at Coen na parehong galing sa ibang school rito sa Manila.
Matapos ang meeting ay hinatid kami ng isang supervisor sa aming palapag.
Si Sir Andres ang head ng Accounting at siya rin ang magtatalaga sa amin ng trabaho.
"Hi, I'm Coen Salcedo." Pakilala noong isa kong kasamang trainee.
Iniabot niya ang kamay niya sa akin habang nakangiti.
Guwapo at matipuno rin itong si Coen. To say that he also looks like a rich guy. Base palang sa silver watch na nasa palapulsuhan niya.
Tinanggap ko ang kamay niya.
"I'm Avis Herrera. Nice to meet you." Magalang kong saad.
His aura is friendly and playful. Kahit iyong klase ng ngiti niya ay talagang magtitiwala ka.
"Sa'ng school ka?" Tanong niya habang naglalakad kami patungo sa table para sa amin.
"Sa probinsiya." Medyo ilang kong sabi.
Okay lang naman siguro itong pakikipagkaibigan ko sa kawork. At mukha namang friendly lang talaga itong si Coen. Given that Coen grew up in Metro Manila, he's naturally more friendly and a little bit flirty.
"Oh? Mukha kang foreigner. You look like someone." Isinenyas niya pa ang mukha niya.
"Kamukha ko tatay ko." Natatawa kong sabi.
Tumawa naman din siya at tumango. Para kaming tanga na tumatawa rito kahit hindi naman talaga nakakatawa ang usapan.
"You look like my future girl." Banat niya.
Natawa naman ako sa pasimple niyang sabi. I shook my head to him.
May boyfriend ako at mas gusto ko pa rin iyong si Zuriel ko.
"I have a boyfriend." Simpleng pagtatapos ko sa pinapahiwatig niya.