| Kabanata 17 |

4.2K 114 18
                                    

Respect

I never thought that I could be sweet to someone.

Iyong tipong mag-aabala ako para lang mamili ng regalo para sa isang tao.

Kung hindi siguro nagpost si Roche patungkol sa birthday ni Zuriel ay hindi ko talaga iyon malalaman. Nag-uusap naman kami palagi ni Zuriel but we did not talk about those basic things. Sa tingin ko ay pareho lang kami ng tingin sa bandang iyon. Na maaari naman kaming mas magkakilala kahit na hindi kami mag-usap at magtitigan lang magdamag.

I am not the type of person who's really thoughtful and sweet to someone. Kadalasan ay normal lang ang pakikitungo. But to Zuriel, I am different.

Last week ay nagluto ako para sa dinner namin. Sa condo ni Kuya Magnus. Thankfully my brother was in good mood that night. Hinahayaan niya lang na magkasunod kami ni Zuriel palagi habang nasa condo. Ang sabi niya ay mas mabuti na daw iyong kita niya kaysa sa gilid gilid kami maglampungan. I doubt that Zuriel would do that. He's a man with dignity and pride. Impossibleng mag-di-date lang sa kung saan saan.

Nang magsabi ako kay Kuya Magnus tungkol sa amin ni Zuriel ay parang inaasahan niya na iyon. I expected him to get mad at us but he wasn't.

"Kailan ka pa naging masipag magluto, Avis?" Tanong ng magaling kong Kuya na may pang-aasar.

"Huwag kang kumuha, Kuya Magnus!" Saway ko sa kan'ya ng kukuha sana siya sa niluto kong afritadang manok.

Nagbawi siya ng kamay at umirap sa akin.

"Pinagpapalit mo na ako diyan kay Zuriel." Kunwaring maktol niya.

"Kuya, boyfriend ko siya. Kapatid kita. That's different."

"Pagluto mo rin ang kapatid mo, kung ganoon."

Umupo siya sa high stool katapat ko at ipinatong ang baba sa kanyang palad. Nagpangalumbaba sa aking harap. He pouted his lips, acting cute.

Ngumiwi ako. "Bibigyan nalang kita nito para may panghapunan ka."

Nagsalin ako sa isang platito ng ulam bago ulit nag-ayos ng para kay Zuriel.

Balak ko kasing pumunta sa condo niya at dalhan siya ng pagkain. Dadating din daw sila Roche at Amos pero baka malalim na ang gabi bago sila makarating dahil nasa biyahe pa si Roche galing Zambales.

"Hi!" Bati ko kaagad kay Zuriel ng makababa sa sasakyan ni Kuya.

Nasa lobby siya at nag-aantay sa pagdating ko. He's wearing a simple blue shirt with his faded maong pants. Katatapos rin atang maligo dahil basa ang kaniyang buhok.

He smiled at me and held me on my waist. He leaned closer and planted a soft kiss on my lips. My heart went crazy again.

"You smells good." Bulong niya matapos amuyin ang buhok ko ng yumakap ako sa kaniyang bewang.

Siyempre, hindi naman puwedeng pumunta ako rito ng hindi mabango at maganda dahil ayokong mapahiya sa harap niya. Baka maturn off siya sa akin.

Iginiya niya ako papasok sa condo unit niya matapos i-park ng maayos ang kotse ni kuya na hiniram ko.

This is my first time coming inside his condo unit. May apat na kuwarto akong nakita malapit sa bathroom. Ang kusina niya ay nasa tabi lang ng dining area at living room. It is obviously for a guy like Zuriel. Maluwag ang condo unit niya at karamihan ay pawang dark colors like grey and black. May ilang parte lang ng dingding ang cream colored. The kitchen cabinets are in dark grey color. And his sofa are greys too. Ang mga furnitures niya ay wooden oak, which is dark colored too.

Ruined (Zambales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon