Confirm
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa isang local clinic ng Asturias. It is a barangay clinic so it's small compared to others in city. Ang sabi ni Aling Anita ay may social worker daw na nag-aassist rito pero simula noong pagdating ko ay wala naman akong nasulyapan kahit na anino ng social worker. May iilang matatandang pasyente rin ang kasama kong nag-aantay at inuuna iyong mga senior citizen habang nag-aantay ako ay tahimik akong nagdadasal na sana ay mali ang hinala ko.
Natatakot ako at parang hindi ko pa yata kayang maging ina.
"Miss Avis Herrera?" Rinig kong sigaw ng isang nurse makalipas ang ilang minuto.
Tumayo ako at dahan dahang naglakad papasok sa maliit na office ng doktor. Mabilis ang tahip ng dibdib ko at takot na malaman ang katotohanan. I don't know if I can do this on my own. Ayokong magkaroon ng anak kung wala naman akong maipapakilalang ama. I want a whole family for my child. Pero sa pagkakataong ito alam kong napakaimposible yatang mangyari pa ang gusto ko. Knowing that he's so furious about my mistakes. I can't even think that he will forgive me.
The old man wearing a glass followed my movement. Hanggang sa makaupo ako ay nanatili ang tingin niya.
"Good afternoon, Miss... Herrera." kalaunanv bati niya.
"Good afternoon, doc." Malumanay kong balik sa pagbati.
"You're here for pregnancy test? Ilang taon ka na ba, hija?" He was checking for my medical paper.
Nangungunot ang noo niya habang binabasa ang information ko. Ilang saglit at nag-utos siya sa nurse na samahan akong magtake ng pregnancy test sa comfort room ng clinic. My heart is pounding so fast because of fear. Kung sakali mang positive ang resulta ng test ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
My fifty thousand pesos is not enough! Wala rin akong access sa savings ko dahil nakafreeze iyon! Paano ko bubuhayin ang baby? Hindi ko rin paniguradong maibibigay lahat ng gusto niya kapag lumaki na. I can only give him/her an average life.
Nagsimula ang pagtulo ng luha ko ng maramdaman ang frustration. The nurse behind me panicked at my sudden burst.
"Hala! Miss? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?!" Paulit ulit niyang tinatapik ang likod ko para kalmahin ako.
Hanggang sa bumalik kami sa opisina ay hindi matigil ang luha ko. The old doctor never asked. He remains casual and professional infront of me.
"Kailangan mong inumin ang vitamis, hija. Dahil unang beses palang ito ay maselan ang pagbubuntis mo. Monthly ang check-up mo at dapat ay sunurin ang sinasabi ko sa'yong pag-iingat." He reminded after.
Marami iyong niresita niyang gamot sa akin at nag-advice rin na magtungo ako sa isang ob-gyne. At the end of my day I was so stress and tired. I was already suspiscious about pregnancy and now that it is confirmed, I can't stop thinking of how will I live now. Though, I am still happy because of this little blessing.
Nasa halos tatlompong libo nalang ang pera ko at kung monthly nga ang kailangang checkup ay hindi iyon magiging sapat.
Kumakain ako ng hapunan ng biglang may pumasok sa isip ko. My whole body froze at the thought. Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa akin ang ginawa ni Coen. Nanginginig ang kamay ko ng ibagsak ko ang kutsara. I held on my stomach tightly as I vomited to the sink. Hindi iyon pwedeng mangyari. Gusto ko mang ipakilala ang anak ko sa tatay niya ay hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon.
Paano kung hindi tanggapin ni Zuriel ang anak namin? I don't know what to do and I am not sure if Zuriel would be glad to know that I am carrying his child!
Nang maramdamang ayos na ang pakiramdam ay nahiga ako sa aking kama. I groaned when I felt how my body relax at the thin foam of my bed.
Hindi ko binubuksan ang phone ko dahil sa takot na may magtrace sa akin. Ayoko ring ipaalam kay kuya kung nasaan ako kaya ko pinatay but I don't have a choice now. Kailangan ko ng tulong para macontact at masabi kay Zuriel na magkakaroon na kami ng anak. At least he will know that we are having a baby.
Matagal nagring ang phone ni Zuriel at naiinip na ako sa kakaantay sa pagsagot niya pero wala. He did not answer. Paulit ulit ko pa iyong ginawa hanggang sa makatulugan ko na ang pag-aantay ng sagot niya sa tawag ko.
Nagising ako kinabukasan dahil sa ring ng phone ko. Magaan ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Pagsilip ko sa phone ay pangalan ni Aby ang nabasa.
"Oh my God! Avis! I've been calling you! Ayos ka lang ba?!" Hurumentadong sagot ni Aby sa linya ng tawag.
I chuckled at her panicking voice. "Abiona,"
"Huwag mo akong tinatawanan lang diyan! I was so worried!"
Umayos ako ng upo sa kama bago ulit nagsalita. "I'm fine, Aby. Gusto ko lang magrelax for few days."
"Few days! Weeks na ang lumipas, Avis! I almost requested for a search and rescue for you! Ang akala ko ay nakidnap ka na at baka ibenta ka!" Inis na inis niyang pahayag.
Nagpatuloy ang ganoong usapan namin. Hanggang sa magpaalam ako sa kan'ya na magsisimula na sa trabaho ay halos hindi niya ako lubayan.
Noong nasa bakery na ako ay naging abala ako sa pagbebenta ng mga tinapay. Marami ang costumer ngayong araw dahil linggo. Marami ang nagpipicnic sa malapit sa dagat.
"Kumain ka muna, hija." Naglapag ng tatlong pirasong slice ng egg pie si Aling Anita at isang baso ng gatas sa tabi ko.
"Salamat po." Kumain naman ako ng tanghali pero gutom na naman ako ng sumapit ang alas tres ng hapon.
"Gan'yang gan'yan ako noong naglilihi ako kay Fred! Ang lakas lakas kong kumain!" Tuwang tuwa akong pinapanood ng matanda habang kumakain.
Natikman ko naman na itong baked breads niya pero parang mas masarap ito ngayon kumpara sa naaalala noon. Siguro ay dahil sa paglilihi kaya ganito ang reaks'yon.
After a week, I decided to call Zuriel, again. Hindi gaya noong nakaraan ang nangyari. His number was out of reach. Sumuko rin ako ng ilang beses ng ganoon ang naging sagot ng tawag. In the end, I called Aby. True to his words, he wanted to end things between us.
"Oh my God! Shit! Is this real?!" Agad niyang reaks'yon ng sabihin ko sa kan'ya ang balita.
"I didn't think about the possibilities, Abiona. Nagpacheck-up ako noong nakaraang buwan at heto nga ang resulta."
"I'm so excited, Avis! Dadalaw ako sa'yo next week kaagad! Kakausapin ko rin si Roche para tanungin ang tungkol kay Zuriel!" She volunteered after saying that I wanted to tell Zuriel about the baby.
"I am so sad that you have to go through this alone, Avis. Alam ko namang nagsisisi ka sa nangyari kaya sana bumalik na sa dati. If you want I can help you get that bastard go behind bars." She laments.
Umiling ako. Hindi pa ako handang harapin pang muli ang hayop na lalaking iyon. Natatakot ako para sa sarili at lalong lalo na ngayong magkakaanak na ako.
I sighed heavily. "It's fine, Aby. I don't want all of this to happen but I am ready for this new life given to me. Pero bago ako tuluyang manghingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan ko ay gusto ko munang patawarin ang sarili ko. I should forgive myself first in order to be happy."
It is the first step to fix everything. The first step on this healing process. The process to correct my mistakes and to heal the wound I have inflicted. In order to gain the forgiveness I am wishing from the people I've hurt, I should forgive myself first.
![](https://img.wattpad.com/cover/230134040-288-k277167.jpg)