One Shot

43 3 2
                                    

He is your long time crush yet he is also your number one enemy.

What will you choose between the two hate or love?


"What the heck?!" Galit na sigaw ni Cathy sa taong bumangga sa kanya saka padabog na yumuko upang pulutin ang nahulog na gamit. Hindi manlang kase siya tinulungan.

" Madapa ka sana Iver Seann Gabriel Juisza!" sigaw niya dito dahil sa inis. Agad naman itong tumingin sa kanya habang ang isang kamay ay nasa bulsa nito at ang kabila naman ay nakahawak sa strap ng backpack nito.

"Why so handsome crushie?" tili nito sa kanyang isip.

" I'm sorry for bumping you Iver ah. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko." sarkastik niyang ani dito sabay irap.

" It's ok. You are forgiven." sagot ni Iver sa kanya saka siya nginisihan.

"Argh! G*go ka!" inis niyang ani dito saka ito binangga sa balikat at mabilis naglakad palayo. Mahirap na baka gumanti pa 'yon at mainlove sa cuteness nito.

" Cathy! Why're you late again?" galit na tanong ng terror nitong guro sa Math pagkapasok nito sa pinto ng kanilang classroom.

"I'm very sorry ma'am for being late. Na-flat kasi gulong ng barkong sinasakyan ko." sarkastik nitong sagot kaya natawa ang mga kaklase nito.

"Quiet!" sigaw ng guro nila saka galit siya nitong binalingan.

"Get out of my class Cathy. Now!" galit nitong utos.

"I'm sorry ma'am." nakayukong ani nito upang itago ang ngisi nito.

"I'm sure maha-high blood ito sakin. Tapos mamamatay ito dahil inataki sa puso. Hehe" nakangising bulong nito sa sarili.

Dahil wala naman siyang gagawin ay napagpasyahan na lamang niyang pumunta ng canteen upang lumamon. Pero hindi pa siya nakakarating sa canteen ay agad na siyang binangga ng pinsan niyang si Glory saka ito kumapit sa kanyang kamay upang siya ay hilahin.

" Ang swerte mo talaga insan. Naiinggit ako" kinikilig na ani ng pinsan nito.

"Halata nga. Ang higpit na nga ng hawak mo." pa-irap niyang ani dito.

"Tse! Pasalamat ka talaga dahil mahal ka din n'on. Kung hindi aagawin ko talaga 'yon sayo." ani ni Glory na kinunutan naman niya ng noo dahil sa pagtataka.

"Pinagsasabi mo? Natamaan ka na rin ba ng cuteness ko kaya anggulo mo nag kausap? Atsaka saan mo ba ako dadalhin?" naiinis na niyang tanong dito. Pero agad ring tumigil sa paghila sa kanya si Glory ng nasa loob na sila ng  gymnasium saka ito kinindatan bago umalis.

"Hoy! Ano gagawin ko dito Gloria. Ipapa-assassinate mo ba ako dito dahil alam mo nang mas cute ako sayo?" sigaw niya dito, agad naman siya nitong binalingan saka inirapan.

" Just look around, bruha." ani ni Glory na nasa pintuan na ng gym. Agad naman niyang sinunod ito. Ganon na lamang ang gulat niya ng makitang maraming balloons pala ang naka-kalat sa sahig.

"Ba't hindi ko to napansin kanina?" tanong nito sa sarili.

"Tanga ka kase!" sagot ng isang boses sa isip niya.

"Bakit ka-boses ni Iver? Ganon na ba ako kapatay na patay sa kanya? Malamang, oo" kausap nito sa sarili ng biglang tumunog ang kantang "Crush"by David Archuleta. Tapos ay sunod-sunod na lumabas ang mga kaibigan niya na may bitbit na tangkay ng itim na rosas.

"For you" ani ni Yram saka ibinigay sa kanya ang isang tangkay ng itim na rosas.

"Hala, bakit itim?" tanong niya dito, pero hindi siya nito sinagot at umalis nalamg ito bigla.

"Ay ang bastos nito oh" sigaw niya dito ng may sunod namang nagbigay sa kanya ng itim na namang rosas.

"Ano ba ang nangyayari Luna?" tanong niya rin dito, pero hindi rin siya nito sinagot. Hangang sa sumunod pa ay ibibigay lang sa kanya ang itim na rosas tapos hindi pinapansin ang tanong niya.

"Patayin sana kayo ng cuteness ko" sigaw niya dito dahil sa pagkainis dahil walang pumapansin sa kanya. Hangang sa natapos ang kanta at napalitan ito ng kantang "Fantastic Baby" by Bigbang kasabay non ang tilian ng ibang estudyante na nanonood na pala sa gym.

"Mga tsismosa!"

Ng tingnan niya kung ang tinitingnan ng mga tsismosa ay ganon na lang ang gulat niya ng makitang seryosong nakatayo sa gitna si Iver, tapos noong mag-chorus ay bigla itong sumayaw.

"Hala ka dyan, bakit mas naging gwapo siya habang sumasayaw?" kinikilig nitong bulong sa sarili habang tulo laway na nakatingin kay Iver na sexy-ing sumasayaw sa gitna.

Ng malapit ng matapos sa ang kanta ay agad na lumapit sa kanya si Iver saka siya hinila papunta sa gitna.

" Cathy, will you accept me as your handsome and hot boyfriend? Yes or yes you will?" tanong ni Iver habang seryosong nakatitig sa kanyang mga mata.

"Goodness. Bakit ako kinikilig?" tanong nito sa sarili ng may bigla itong maalala.

" Bakit itim na rosas? Sa pagkaka-alam ko hindi ganyan ang ibinibigay sa mga nililigawan." inis niyang tanong dito.

"First and foremost, I'm not courting you. I'm directly asking you to be my girlfriend. It is color black because I want to say RIP to freedom because I will never ever let you go." ani ni Iver na naging dahilan ng pagkamatay ng cuteness niya dahil sa kilig.

"Sorry pero no ang sagot ko. Enemy kaya tayo." mataray niyang sagot dito.
Pero umirap lamang si Iver sa kanya saka siya mas inilapit sa kanya.

"Haven't you heard it baby. There's no, no in my options." he stated while smirking.

"Sige na nga, nahiya cuteness ko sayo eh." ani niya dito.

"Say it loud and clear." nakangising utos ni Iver dito.

"Ayaw ko nga, hahalikan mo ba ako?" nakangising tanong rin dito.

"Do it!" utos ni Iver habang nakataas ang isang kilay.

"Fine. Iver Seann Gabriel Juisza, you're officially my boyfriend" sigaw niya. Agad namang ngumisi sa kanya si Iver saka siya mabilis na dinampian ng halik sa labi na ikinagulat niya.

End

Ps: Walang forever. Magbe-break din kayo. Hmmp!!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will You Be Mine (One Shot-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon