I. Common Elements of Horror Stories

60 6 1
                                    

What does HORROR mean?

☞Oxford English Dictionary defines the word 'horror' as an intense feeling of fear, , and disgust. The word comes from the Latin horrere, meaning to tremble or shudder.

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

1. Malevolent, wicked, and harmful antagonists.

🔨Hindi mawawala ang kagimbal-gimbal at katakut-takot na pagkatao ng kontrabida sa isang Horror story. Mga katangian na hindi karaniwan sa isang ordinaryong tao.

🔨Nariyang mga mamamatay-tao, aswang, bampira, kaluluwang-ligaw, demonyo, at iba pang mga hindi maipaliwanag na kakatuwa'ng karaniwang nakakapanakit ng isang karakter.


2. Unexplainable and unordinary phenomenons.

🔨Mga gawaing hindi dapat, karaniwan, at normal sa isang tao gaya ng pagkitil ng buhay, violent acts, torture, pagpaparamdam ng hindi matahimik na kaluluwa, at pag-kain ng kapwa tao.

🔨Kadalasang nagtataglay ng kilabot at pagtataka sa mga mambabasa dahil sa misteryoso at kahindik-hindik na gawing hindi naman tinataglay ng isang pangkaraniwan.


3. Conveys/Possesses an intense emotion.

🔨Paano magiging katakut-takot ang isang librong may dyanrang Horror kung sa perspektibo ng mambabasa ay wala itong kabuhay-buhay?

🔨Mahalaga ang elementong ito upang makapagbigay takot o kilabot sa isang mambabasa na siyang pangunahing layunin ng Horror. May dala dapat itong bigat sa damdamin at imahinasyon kahit pa binabasa lamang ito ng isang tao.


4. Scary/Shocking plot twists and revelations.

🔨Hindi mawawala sa kahit anumang uri ng istorya ang pasabog na rebelasyon. Ang pinagkaiba lang sa Horror, kadalasang nakakagimbal at nakakapangilabot ang plot twist na inilalapat ng isang manunulat sa dyanrang nabanggit.

🔨Rebelasyon kung saan karaniwang bumabawi ang manunulat sa kabila ng mga typos, grammatical error, at panctuation technicalities.


5. Detailed intense scenes.

🔨Ang parte ng kwento kung saan laging bumibida ang kontrabida. Dito lumalabas o pinapakita kung ano ang kayang gawin, gaano kasama, at ugali ng kontrabidang kumakalaban sa mga pangunahing tauhan.

🔨Sinisigurong ang bawat detalye ng palabas ng antagonist ay pulido upang mariing iparating sa imahinasyon ng mambabasa kung anong uri ng kontrabida ang ginawa o nilalarawan ng manunulat.

🔨Dito rin nangyayari ang marahas na pagpatay, nakakakilabot na pagpaparamdam ng isang kaluluwa, at paghahasik ng lagim ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Did you know?

Gothic literatures makes a distinction between "terror" and "horror". Terror is the sense of dread and apprehension that precedes an experience, while horror is the sense of revulsion after an experience.

Unveiling the Horror WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon